MNB27 - Case Unclosed

1.2K 38 0
                                    


Nandito ako ngayon sa tapat ng school ground alasingko na ng hapon at inaantay ko si Eli.

Flashback


"Hindi madadaan sa dasal yun." sabat ni Ace.


"Edi sapilitan. Kidnapin mo tsaka mo buntisin Julian wala ng kawala yun." binatukan ko nga.


"Aray masakit yun ah."


"You know what the best thing you can do to touch woman's heart is to..." suwestyon ni Greg.


"Ano?" tanong namin.


"is to get her pregnant."


"What?" tanong nila.


"Ulol ka ba? Isa ka pa eh." sabi ko kay Greg.


Tumawa ito ng malakas. "Joke."


"But seriously give her sweet things." bawi ni Greg.

"You mean the usual? Chocolates? Flowers?" tanong ni Koreano.


"Exactly."

End of flashback.


Si Eli ang pinabili ko ng flowers and chocolates. This is the first time na magbibigay ako ng flowers at chocolate sa isang babae even Syris hindi ko binigyan dahil may allergy ito sa flowers at ayaw nya ng sweets. Mga ilang minuto lang dumating na si Eli.


"Flowers and chocolates for you my love." sabi nito sa akin. Sapakin ko kaya to.

"Gago."

"Isang libo." sabay lahad ng kamay nito. Bumunot ako ng wallet at inabot sa kanya ang 100 peso bill.

"Hoy kulang to."

"Utang muna wala pala kong allowance." napakamot ito ng ulo sa mansion na ulit ako tumutuloy nasermunan ako ni Lola at mommy dahil sa necklace nung auction.


"Hanep. Nga pala Juls 7pm yung meeting natin sa lawyer sa bistro bar."


"Okay."


"And one more thing. Xyder is back nakita ko sya sa kanina."


"Fvck. Sige."


"Nga pala nakita ko si Sierra nasa Law Building."


"Ge puntahan ko lang."


Agad akong nagtungo sa Law Building di pa man din ako nakakapasok sa loob nakita ko ng lumabas si Sierra na may kasamang lalaking nakaakbay sa kanya. Hindi na ako dumiretso pumasok na lang ako sa kotse at inilagay ang mga bulaklak sa likod.

MY NERDY BOSSWhere stories live. Discover now