MNB1- The Tigress Grandmother

6.9K 166 17
                                    

 

*Blag!*

*Boooogggsss!*

*Plaaaak!* 

*Blagggggg!*

*Blag!*

*Blag!*

*Blag!*

Sunod sunod ang bato sakin ni Tanda naubos na ang gamit niya sa kanyang mesa dahil sa kanyang pagwawala ang hirap ng tumatanda.

"Waaaaaahhhhh Tama na Tanda, Aray! teka !" sabi ko biglang *Blag* hinagis nya yung lalagyan ng folder*

"Ano ba? Nakakasakit ka na ah" daing ko.

*Blag!*

"Ano ha? Paano mo ipapaliwanag itong katarantaduhan ginawa mo?! Letse ka! sakit ka sa ulong bata ka!" galit na galit na sabi ni tanda.

Etong matanda na ito kahit kailan nakakainis. Lola ko ang nagwawalang tigre na yan ihagis ba naman sakin lahat ng gamit sa mesa niya, folder, lampshade, tumbler ng starbucks kulang na lang pati macbook niya ihagis sakin. O diba? cool ng Lola ko pabata effect hindi naman siya ganun katanda she's only 65 years old and still rocking. Malakas pa nakakapagmanage pa ng mga business na iniwan ni Lolo. Rest in peace Lolo yo chill ka lang dyan!

"Punyeta magsalita kang gago ka! Winarak mo kotse ng anak ng isa sa mga shareholders ng kumpanya, finlat mo pa ang gulong ng mamahaling ferrari niya, tapos pininturahan mo ng pink, binugbog mo pa! HAYUP KA NAKACONFINE NGAYON SA OSPITAL DAMUHONG BATA KA MAPAPATAY KITA!" nanggagalaiting sermon sa akin ni tanda na kulang na lang ay maputol ang ugat sa lalamunan sa sobrang galit.

"Mayabang eh!" cool kong sagot sa kanya at naupo ako ng maayos sa sofa. Hirap kayang magtago sa likod ng sofa masakit na binti ko.

MY NERDY BOSSDonde viven las historias. Descúbrelo ahora