MNB60- The Proposal

845 22 8
                                    


“Let’s get married tonight.” Apat na salita. Apat na salita na kukumpleto sa buhay ko.

Matagal na katahimikan ang bumalot sa aming dalawa. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Wala pa ni isang letra ang lumalabas mula sa bibig ko.

Nakatingin lamang ako kay Julian. Tila ninanamnam ko pa ang mga salitang binitiwan niya.

“Tangina naman, Sierra. Alam kong gwapo ako wag mo naman akong titigan lang. Baka trip mong sumagot. WILL YOU MARRY ME? JUST YES. MANDATORY ANSWER NO OTHER CHOICES.”

“GAGO KA!” binatukan ko nga ito at niyakap ng mahigpit. “Of course, YES.”

Sabi nila pitong billion na daw ang tao sa mundo at kung kaharap mo na ang taong mahal na mahal mo at mahal na mahal ka. Masasabi mong para ka ng nanalo sa lotto. O para mo na ring nasungkit ang grand prize sa mga raffle draw na sinalihan mo.

Maswerte ako dahil kaharap ko na siya. Kaharap ko na ang premyo. Nasa harap ko na ang isa sa taong sa pitong bilyon na sinasabi nila.

Biglang dumating si Anessa na may hawak na puting belo. Ngumiti ito sa akin.

“Pinagkaisahan niyo ko.” Hindi ito sumagot sa halip ay niyakap lang ako ng mahigpit. Gusto ng tumulo ng mga luha ko pero pinipigilan ko iyon. Niyakap lang din ako ni Add.

“Paano ba ‘yan? Naiinip na si Father.” Sabi ni Eli na nakasuot ng tuxedo.

"Pre this is it." Natatawang banat ni Ace.

"I'm happy for you, Juls and Sierra." Masayang sabi ni Jii.

"Tangina, finally." Sabi ni Julia. Agad naman siyang siniko ni Hyo.

"Your mouth." Natawa naman kaming lahat.

Nakangisi lamang si Julian habang nakatitig sa akin. Nawala tuloy ang saya sa mukha ko inirapan ko ito.

“Pre!” sigaw ni Greg sumenyas naman dito si Julian.
Bigla namang bumukas ang napakaraming ilaw sa di kalayuan ay may altar. Nakaupo ang mga tao. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maging reaksyon. Kitang kita ko ang lahat ng malalapit sa amin. Lahat sila ay nakatingin at masayang nakangiti. Napatanga ako sa gulat. Punong puno ng magagandang bulaklak ang paligid. Nakabihis ng maganda ang lahat. Nakasuot ng tuxedo ang barkada at kulay old rose na long gown naman ang suot nila Anessa.

“ANO NA? TATANGA KA NA LANG DYAN?” boses ni Julian ang nagpabalik sa akin sa wisyo. Nang madigest ko ang tanong niya sa akin agad ko itong nilapitan at sinikmuraan.

“Aray, shit!” namilipit ito sa sakit.

“Ano? Mamimilipit ka na lang dyan?” natatawang sabi ko.

“NERD!!! Humanda ka sa’kin mamaya!”

“Dalian mo dyan, Andrada! Baka gutom na ang mga bisita sa dami mong kaartehan sa buhay.” Kinaladkad ko na ito. Natatawa namang sumunod sa akin sila Anessa. Pinakahuling nakalapit sa amin si Julian.

Inaayos ko na ang suot ko. Isang mahabang halter gown na backless ang likod. Napakaganda at simple ang detalye. Tinulungan ako ni Add at Anessa na ayusin ang belo ko.

“Mommy.” Lumapit sa akin si Savier. He’s crying.

“Save.” Niyakap ko ito. “Why are you crying, baby?” hawak niya ang singsing. Siya pala ang ring bearer namin.

“Alexa don’t want to marry me. I was giving this ring to her.”

“And who’s Alexa?”

“Daughter of Daddy’s workmate.” Napangiti ako. “She said she’s too young and he hate boys.”

“Manang mana sa daddy.”

“There’s a lot of girls out there.” Julian said beside me. Agad akong tumayo para batukan ito.

“At tuturuan mo pa talaga ‘tong anak mo.”

“Peace. Nakakarami ka na. Gaganti ako mamaya.” Bulong nito sa akin.

“Come on, Save. You'll find the right one when you get bigger. Wipe your tears. We’re about to start.” Tumango naman ang anak ko. Napailing na lang ako.

Author's Note:
Merry Christmas everyone! Enjoy reading. Add me on facebook Ara Gumabon. MARAMING SALAMAT SA PATULOY NA SUMUSUBAYBAY. MABUHAY KAYO. LOVELOTS.<3

MY NERDY BOSSWhere stories live. Discover now