Chapter 24

52 2 0
                                    


 Hindi mawala ang ngiti sa labi ko habang nakatingin sa napakaraming iba't ibang klase ng bulaklak na nasa living room.

"Napaka-sweet naman pala ng manliligaw mo, Anak."

Mahina akong natawa sa sinabi ni Manang Rosa. Sa loob ng isang linggong simula noong nagkausap kami rito sa Mansion, sineryoso nga talaga niya ang panliligaw sa akin.

"Halika at tignan natin ang mga bulaklak." Sumama naman ako kay Manang na naglakad na papalapit sa mga bulaklak na pinadala ni Drake.

Mukhang balak niya pa atang punuin ng bulaklak ang buong living room sa sobrang dami niyang pinadala. "Ang gastos niya." Natatawang bulong ko sa sarili. Pero mukhang narinig ako ni Manang dahil tumingin siya sa akin.

"Ang gastos nga." Tumatango-tangong sabi rin ni Manang. Sa huli, sabay kaming natawa.

Sobrang bango ng mga bulaklak. Sa itsura nila, napaka-fresh nila at mukhang kakapitas nga lang.

Naglakad ako palapit sa white tulips na siyang nakaagaw ng atensyon ko. Ang ganda!

Nagniningning ang mga mata ko ng mahawakan ko ang isang piraso ng white tulips.

"Wow! Ang ganda-ganda mo." Nakangiting usal ko habang pinagmamasdan ang bulalak. Unti-unti kong inilapit ang white tulip sa ilong ko. Napapikit ako ng maamoy ang natural na mabagong amoy nito.

"Smells so good!" I whispered. Ilang saglit pa, binalik ko na ang tulip sa lalagyan kung saan ko siya kinuha kanina. Muli akong naglakad para tignan isa-isa ang napakaraming bulaklak na nasa harapan ko ngayon.

"Wow! Ang daming flowers!"

Dahil sa sigaw na 'yon, natigil ako sa pag-aayos ng mga bulaklak. Tumingala ako at nakita ko ang mag-ina na nasa hagdan at pababa na ngayon.

"Ate Princess, sa'yo lahat 'to?" Sobrang lapad ng ngiting tanong niya sa akin ng makalapit sa akin.

"What do you think?" I asked sarcastically.

"Wow! Napaka-sweet naman ng manliligaw mo, Princess." Nakangiting sabi naman ni Tita Ysabel ng makalapit kay Stephanie.

I rolled my eyes. Hindi ako nagsalita. Naramdaman ko naman ang paglapit ni Stephanie sa mga bulaklak kaya napatingin ako sa kanya.

"Ouch!"

Mabilis kong tinapik ang kamay niya ng akma niyang hahawakan ang white tulips. "What are you doing?" Inis na tanong ko sa kanya. "Huwag mo ngang hawakan." Asik ko sa kanya at saka ko sinenyas ang kamay ko na umalis na silang mag-ina.

"Handa na po ang almusal." Napatingin ako sa isang katulong na lumapit sa amin.

"Sige, salamat. Sweetheart, mauna na kayo ro'n ng Ate Princess mo. Tatawagin ko lang ang Daddy niyo."

"Sige po."

"Mauna kana." Malamig na saad ko kay Stephanie na tumango naman.

"Sumunod ka na lang po, Ate "

Hindi ko pinansin ang sinabi niya. Ilang sandali lang, naramdaman ko na ang pag-alis niya.

Pinag-iisipan ko kung saan ko ilalagay ang mga bulaklak na 'to. Ang balak ko sa mga tulips ay ilalagay ko sa kwarto ko. Ang iba, siguro ang mga katulong na ang bahala kung saan nila ilalagay. Napakarami naman kasi.

Napatingala ako sa hagdan. Agad na bumakas ang matamis na ngiti sa labi ko ng makita si Daddy na pababa ng hagdan kasama si Tita Ysabel. Iniwan ko na ang mga bulaklak at saka ako naglakad palapit kay Daddy.

"Good morning, Daddy!" Nakangiting pagbati ko. Humalik din ako sa pisngi niya ng makalapit ako.

"Good morning, Honey." Nagawi ang tingin ni Daddy sa napakaraming bulaklak na nasa living room. "Napakarami namang bulaklak. Balak ba ng manliligaw mong gawing garden ang living room?"

I laughed. Ganoon din naman si Daddy. "Kailan ko ba makikilala 'yan?"

"Oo nga, hija. Hindi kasi namin siya naabutan ng magpunta siya rito."

"Don't worry, Dad. Ipapakilala ko siya sa inyo." Nakangiting saad ko.

"Oh, siya sige. Tara na sa dining area. Nandoon na ang kapatid mo."

Nauna akong lumabas ng Mansion kaysa kay Daddy at Stephanie. Pasakay na ako sa driver seat ng kotse ko ng mag-vibrate ang cellphone ko.

Nauna na muna ako sa driver seat bago kinuha mula sa bulsa ko ang cellphone ko.

One unread message.

Agad kong binuksan ang message dahil baka importante.

Form : Drake

Good morning! I'll fetch you, okay?

Nanlaki ang mga mata ko ng mabasa ang text message ni Drake. Agad akong lumabas ng driver seat ng kotse ko.

"Oh, bakit hindi ka pa, umaalis?" Tanong ni Daddy na kalalabas lang ng Mansion. "Sasabay ka ba kila Stephanie?"

"No, Daddy. Aalis na rin po ako. Mauna na po kayo." I said and kissed his cheek. "Bye, take care!" And i waved my hand.

Saktong pag-alis ni Daddy, lumapit sa akin ang isang guard. "Ma'am, na sa labas na po si Mr. Montecarlo."

Tumango ako at saka sabay kaming naglakad palapit sa gate ng Mansion. Agad naman akong pinagbuksan ng gate. At nang makalabas ako, ang napakagwapong mukha agad ni Drake ang bumungad sa akin. Nakasandal siya sa pintuan ng driver seat habang sobrang lapad ng ngiting nakatingin sa akin.

"Good morning!" I greeted.

"Nagustuhan mo ba ang mga bulaklak?"

"I love it." I said happily. Nagulat ako ng hawakan ni Drake ang kamay ko at saka niya ako hinawakan sa likod. Talagang inalalayan niya pa akong makapasok sa passenger seat ng kotse niya. Kung ingatan niya ako akala mo naman, isa akong mamahaling babasanging bagay.

"Nag-breakfast ka na?" Tanong niya ng makapasok sa driver seat. Nanlaki ang mga mata ko ng bigla siyang lumapit sa akin. Sobrang lapit ng mukha namin sa isa't isa. Pigil ko ang paghinga lalo na sa nakakalusaw na titig ni Drake.

"D-Drake." I whispered.

Napaamang ang labi ko ng marinig ang pag-locked ng seatbelt. Nanlaki ang mga mata ko ng ma-realize ang ginawa ni Drake kaya siya lumapit sa akin.

"Wear your seatbelt." He saidand smirked teasingly.

Napailing-iling ako. "Loko-loko ka!"

"What? Feeling mo naman hahalikan kita? I respect you. Hindi kita hahalikan hanggang hindi pa tayo official." He said and winked at me.

Agad akong nag-iwas ng tingin dahil pinamulahan ako ng mukha.

Damn this man!

Wicked Princess [SOON TO BE PUBLISHED UNDER CLP]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon