Chapter 18

88 4 0
                                    

Nang araw ng linggo, puro pagpapanggap lang ang ginawa dahil nandito si Daddy. Hindi siya pumasok dahil gusto raw niyang makasama kami. Kita ko sa mga mata niya ang saya dahil sa pagbabago ko.

"Masaya ako na, natanggap mo na ang Tita Ysabel mo at si Stephanie." Nakangiting sabi ni Daddy sa akin. Kasalukuyan kaming nandito sa office niya ngayon.

I smiled sweetly. "Handa na akong tanggapin sila, Daddy. Nakabuti rin ang pag-alis ko ng Mansion dahil nakapag-isip-isip ako." Nakangiting sagot ko naman.

Ilang saglit pa kaming nag-usap ni Daddy hanggang sa i-open niya ang topic noong nagpunta siya sa University.

"Nakilala ko na ang estudyanteng nanira ng gulong nang kotse mo. Kinulit ako nang kinulit ni Stephanie. Gusto ka raw niyang tulungan sa paghahanap sa estudyanteng 'yon."

Umayo ako ng pagkakaupo. "But, don't worry. Nakausap na ni Dean ang guardian nito at pumayag naman sila sa punishment na matataggap ng anak."

Napatango-tango naman ako sa sinabi ni Daddy. So, 'yon pala ang pinunta niya sa Univeristy. Talagang nagbigay siya ng oras para lang sundin ang gusto ni Stephanie. "Thanks, Dad."

Nakangiting umiling-iling si Daddy. "Sa kapatid mo ikaw magpasalamat."

Hindi agad nakapagsalita sa sinabi niya. Dahil paulit-ulit kong narinig sa isipan ko ang salitang binanggit ni Daddy.

Sa kapatid mo

Sa kapatid mo

Pagkatapos naming mag-usap ni Daddy, agad na akong lumabas ng office niya. Habang naglalakad, nakasalubong ko ang asawa ni Daddy na malapad ang pagkakangiti sa akin.

Pero imbis na batiin at ngitian siya, walang pakialam ko siyang nilagpasan. Alam kong nagulat siya sa ginawa ko pero nagtuloy-tuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa makarating ng kwarto ko.

Ang plano ko, maging mabait sa kanila sa harap ni Daddy pero pag ang Daddy, nakatalikod na, back to normal.

Kinabukasan, hindi ko inaasahan na magprepresinta mismo si Daddy na ihahatid muna nila kaming mag-asawa ni Stephanie bago siya papasok sa Company.

"I'm so excited!" Excited na sabi ni Stephanie na nauna ng sumakay sa backseat ng kotse ni Daddy. Sumunod naman agad ako. Tss. Ano namang nakaka-excite rito? Eh, ihahatid lang naman nila kami.

"Anong oras natatapos ang klase mo?" Tanong sa akin ni Daddy ng makapasok siya sa driver seat.

"Parehas lang kami ni Ate Princess, Dad." Si Stephanie ang sumagot sa tanong ni Daddy. Peke akong ngumiti ng lingunin niya ako.

"Okay, susunduin namin kayo." Nakangiting sabi ni Daddy. Mas lalong natuwa si Stephanie doon. Tanging pagngiti lang ang sinagot ko lalo ng tumingin silang tatlo sa akin.

Buong byahe, napakaingay ni Stephanie. Kung ano-ano ang pinagkukuwento hindi naman ako interesado.

Nang makarating kami sa University, nauna akong bumaba. Akala ko hindi na bababa sila Daddy, pero bumaba pa rin sila.

"Mag-iingat kayong magkapatid."

Lihim akong napangiwi ng marinig ang bilin ni Daddy. Tumingin ako sa relong suot-suot ko. Marami pang oras bago magsimula ang klase. "Ahm, Dad. Kailangan ko na pong mauna."

"Sabay na ako sa'yo, Ate!" Nakangiting sabi ni Stephanie sa akin.

"Mabuti pa nga." Nakangiting pagpayag ni Daddy sa sinabi ni Stephanie.

"Sige po." Lumapit ako kay Daddy at saka humalik sa pisngi niya bago ako lumapit sa asawa niyang malapad ang ngiti sa akin.

"Alis na po kami, Tita Ysabel." I said and kissed her cheeks.

"Mag-iingat kayo."

Tumango ako at saka na naunang maglakad dahil si Stephanie, nagpalaalam pa lang. Lakad takbo ang ginawa niya para lang maabutan ako. Nang parehas kaming makalabas ng parking lot, nilingon ko siya at sinamaan ng tingin. Napaamang naman ang labi niya.

"B-Bakit, Ate."

"Pwede ba, layuan mo ako."

Napasinghap siya sa sinabi ko pero pinagtaasan ko lang siya ng kilay bago ako naglakad na palayo. Mahaba pa ang oras ko bago magsimula ang unang klase ko kaya naglakad na ako sa daan patungo sa liblary.

"Hey!"

Nagulat ako sa biglaang pagsulpot ni Drake sa tabi ko. Kunot-noo ko siyang tinignan.

"Good morning!" He greeted. Sobrang lapad ng ngiti niya habang ako, nakakunot ang noo. "Saan ang punta mo?"

"Ano namang pakialam mo?" I asked sarcastically. Napangiwi naman siya.

"Masama bang magtanong? Hindi kasi rito ang daan papunta sa Department niyo." Mas lalong napakunot ang noo ko ng pinanliitan ako ng mga mata ni Drake. "Makikipagkita ka sa lalaki 'no? Grabe ka! Umagang-umaga makikipagkita ka-" I cut him off. Masyado na siyang maraming sinasabi wala namang kwenta.

"Ano bang pinagsasabi mo diyan? Eh, ano namang pakialam mo kung makikipagkita nga ako sa lalaki?"

Nanlaki ang mga mata niya kaya pinagtaasan siya ng kilay.

"Makikipagkita ka talaga?"

Imbis na sagutin ang tanong niya, hindi na ako nagsayang ng oras. Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad. Ilang sandali pa, naramdaman ko na nakasunod siya sa akin.

"Sasamahan kita."

Dahil sa sinabi niya natigil ako sa paglalakad. Nilingon ko siya na nasa tabi ko lang. "What?"

"Sabi ko sasamahan kita. Mamaya masamang tao 'yon, eh. Hindi ko hahayaang may mangyaring masama sa nililigawan ko."

Tila naestatwa ako mula sa kinatatayuan ko kasabay ng biglaang pagbilis ng tibok ng puso ko ng marinig ang sinabi ni Drake. Mayabang siyang nakangising nakatingin ngayon sa akin.

"What did you say?" I asked coldy. My heart boomed loudly. What the hell is happening?

"You know, I really like you and i want to court you. And now i'm courting you. Whether you like it or not." He said and winked at me.

Siraulo.

"You're crazy."

Nakangisi naman siyang tumango-tango. "I'm crazy for you."

Napahilot ako sa sintido ko. Biglang sumakit ang ulo ko dahil sa kabaliwan ng lalaking nasa harapan ko ngayon. "Oh, please. Leave me alone."

"Huh? Eh, ayoko nga. Sasama ako sa'yo-"

"Pwede ba? Hindi ako makikipagkita sa ibang lalaki, okay?! Sa library ang punta ko!" Inis na inis na saad ko sa kanya. At ang loko, tuwang-tuwang napangiti at saka pa nag thumbs up sa akin.

"Sasama pa rin ako sa'yo." Nagdedesisyong saad niya. Itinuro niya pa ang daan papuntang library. "Let's go?" He asked and smiled sweetly.

Walang emosyon akong nakipagtitigan sa kanya bago ako nagdesisyong maglakad na. Binangga ko siya pero tinawanan niya lang ako at saka siya sumunod sa akin.

Kung si Kurt masakit na sa ulo, mas lalo na 'tong si Drake.

Wicked Princess [SOON TO BE PUBLISHED UNDER CLP]Where stories live. Discover now