Chapter 22

103 2 2
                                    

Alas nuebe na ako nagising kinabukasan. Araw naman ng linggo kaya walang problema. Kagabi kasi, naisipan kong gumawa ng cookies kaya ginabi na rin ako. Wala na si Daddy, ganoon din naman si Tita Ysabel at Stephanie. Mabuti naman at wala ang dalawang taong sakit sa ulo ko. Ang sabi ni Manang Rosa, sumama si Tita Ysabel kay Daddy habang si Stephanie naman ay nag-mall daw kasama ang mga kaibigan.

Nakahanda na ang pagkain ko sa dining area kaya kumain na rin agad ako. Ngayong solo ko ang Mansion, napakasarap sa pakiramdam. Hindi ko kailangan magkulong buong hapon sa kwarto para lang iwasan ang mag-ina.

"Hija!"

Agad akong napalingon kay Manang Rosa ng tawagin niya ako. Ngumiti agad ako sa kanya. "Yes, Manang?"

"May bisita ka." Nakangiting sabi niya. Napakunot naman ang noo ko. Bisita? Wala naman akong pinapunta rito sa Mansion.

"Sino po?" Kunot-noong tanong ko. Hindi ko maintindihan si Manang kung bakit hindi nawawala ang ngiti sa labi niya.

"Si Mr. Montecarlo, Anak. Nasa living room na siya."

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Manang. Oo nga pala! Pumayag akong makipag-date sa kanya ngayon araw! Napailing-iling ako habang ang magandang ngiti ni Manang ay napalitan ng isang nang-aasar na ngisi.

"Talaga na ang alaga ko. Nakikipag-date na." Nakangiting pang-aasar sa akin ni Manang.

Mas lalong nanlaki ang mga mata ko pero tinawanan niya lang ako. "Oh, siya. Bilisan mo diyan dahil naghihintay siya sa living room. Pagmiryendahin ko muna." Sabi ni Manang at saka na siya naglakad palayo sa akin.

Hindi ko alam kung bakit binilisan ko ang pagkain ko. Na-realize ko lang ang ginawa ko ng matapos kumain. Hindi ko tuloy na-enjoy ang breakfast ko dahil sa kakaisip na may naghihintay sa akin.

Nakabusangot akong lumabas ng kusina. Dumeretso agad ako sa living room kung na saan ngayon si Drake. Nakita ko naman agad siya na prenteng nakaupo sa sofa habang may nakahandang miryenda sa lamesang nasa harapan niya.

Agad siyang napatingin sa akin ng maramdaman ang presensya ako.

"Hi, good morning!" He greeted and smiled at me. Tanging pagtango lang naman ang sinagot ko at saka ako naupo sa single sofa na nasa tapat niya.

Simpleng black v-neck shirt and black pants lang ang suot niya pero nangingibabaw pa rin ang taglay niyang kagwapuhan. Hindi ko itatangging mas gwumapo siya sa paningin ko ngayong may suot-suot siyang salamin.

"I know I'm handsome." He said and smirked at me.

Napangisi rin ako at saka ako napatango-tango. "Yes, you are."

Nanlaki ang mga mata niya at mukhang hindi inaasahan ang mga salitang binitiwan ko.

"Ayokong umalis ng bahay." Pang-iiba ko ng topic. Deretso akong nakatingin sa kanya habang naghihintay sa sasabihin niya.

"What? Why?" Naguguluhang tanong niya.

"Tinatamad ako." I said boredly. His jaw dropped. Alam kong mababaw ang dahilan ko pero tinatamad talaga ako. Bagsak ang balikat ni Drake ngayong nakatingin sa akin.

"Really?" Nanghihinayang na sabi niya.

Tumango ako. "Kung gusto mo, ipagluto mo na lang ako."

Nanlaki agad ang mga mata niya dahil sa sinabi ko. "M-Magluluto ako?" Hindi makapaniwalang tanong niya at saka niya tinuro ang sarili. Nakataas ang isang kilay ko ng tumango ako sa kanya.

"Magluluto tayo."

"S-Sige." Nag-aalangang sagot niya sa akin. Kaya naman hindi na ako nagsayang pa ng oras bago pa magbago ang isip niya, niyaya ko na siyang magpunta sa kusina.

Naabutan namin si Manang na gulat namang napatingin sa amin. "Oh, akala ko ba'y aalis kayo?"

Umiling ako at saka nagsimulang magpaliwanag. "Ngayon ko lang din muling masosolo ang Mansion, Manang. Gusto kong gawin lahat ng gusto ko habang wala ang mag-inang sakit sa ulo ko."

Sa huli, hinayaan kami ni Manang na tumulong sa kusina.

Kasalukuyan akong nakapangalumbaba ngayon habang pinapanood si Drake naghihiwa ng sibuyas habang umiiyak. "Whoa!"

Hindi ko na napigilang matawa ng tumingala pa siya para pigilan ang pagtulo ng luha sa mga mata niya.

Agad siyang napatingin sa akin ng marinig ang tawa ko. "Why am i crying?" Naguguluhang tanong niya. Namumula na ang mga mata niya ngayon. Pati na rin ang ilong niya.

Natatawa kong binitbit ang tissue na nasa tabi ko at saka ako naglakad palapit sa kanya.

Inilapag ko muna ang tissue na hawak-hawak ko bago ko sinapo ang mukha ni Drake at pinaharap sa akin. Natigilan siya sa ginawa ko pero hindi ko 'yon pinansin. Kumuha ako ng tissue at saka seryosong pinunasan ang mga mata niyang punong-puno ng luha dahil sa paghihiwa niya ng sibuyas.

Natigil ako sa pagpunas ng luha niya ng mapansing titig na titig talaga siya sa akin. Napahawak ako sa dibdib ko ng maramdamang bigla na namang bumilis ang pagtibok ng puso ko.

"T-Thank you." Malambing saad niya ng magpasalamat siya sa akin. Nag-iwas ako ng tingin at saka tumango sa kanya.

Hindi ko alam pero bigla akong nataranta. Dali-dali kong binitbit ang tissue at saka ako bumalik sa pwesto ko kanina. Nanlaki naman ang mga mata ko ng magtama ang tingin namin ni Manang.

"Ang sweet niyo." Kinikilig na sabi ni Manang.

bbbbb Yumuko naman ako. Pakiramdam ko kasi, namumula ang pisngi ko dahil sa sinabi ni Manang.

"Bagay talaga kayo!" Kinikilig na sambit ni Manang. Narinig ko naman ang pagtawa ni Drake kaya nag-angat ako ng tingin at saka tumingin sa kanya. Nagtama ang tingin namin pero agad din akong nag-iwas ng tingin sa kanya.

Monggo ang niluto namin nila Manang. Ang totoo niyan, silang dalawabb lang naman ni Drake ang nagluto habang ako, nanonood lang.

"Kumakain ka ba nito, Hijo?" Nakangiting tanong ni Manang habang nagsasakdok siya ng monggo.

Umiling naman si Drake. "Nako, masarap ito. Hindi ba, Princess? Ito ang favorite niya, eh." Hindi mawala-wala ang ngiti sa labi ni Manang habang nagsasalita.

Tumango naman ako kay Drake ng tumingin siya sa akin.

"Oh, tikman niyo na." Nakangiting inabot sa amin ni Manang ang dalawang mangkok na may lamang ulam. Kinuha ko ang kutsara ko at saka ako kinutsara ang ulam at agad iyong tinikman.

Napatango-tango ako ng matikman ang lasa. Tumingin ako kay Drake na tumingin din naman sa akin kaya nagtama ang mga mata namin.

"Taste good." I said and smiled. "Manang, ang sarap!" Hindi ko mapigilan ang tuwa lalo na favorite ko ang ulam na 'to.

"Hindi nakakapagtakang ito ang paborito mo." Nakangiting sabi ni Drake. Tumango-tango naman ako sa kanya.

Sa huli, napagpasyahan naming mananghalian na.

Wicked Princess [SOON TO BE PUBLISHED UNDER CLP]Where stories live. Discover now