Chapter 16

147 6 0
                                    

Natigil ako sa paglalakad ng makita si Drake na nakasandal sa pintuan ng driver seat ng kotse ko. Umayos siya nang tayo ng makita niya ako. Ano na namang ginawa ng lalaking 'to rito?

"What are you doing here?" I asked coldy. Napatingin ako sa hawak-hawak niya. Ang nakakahong regalo niya kanina na binibigay niya sa akin. Oh, hindi ko nga pala nadala 'yan kanina pag-alis namin nh cafeteria. Sabagay, wala rin naman talaga kasi akong balak na tanggapin ang regalo niya.

Napakunot ang noo ko ng unti-unti niyang tinanggal ang ribbon na nakatali sa kahon ng regalo. Pinanood ko siya habang binubuksan niya ang kahon. Kanina ko pa gustong malaman kung anong laman no'n.

Napaamang ang labi ko ng tinapon na lang niya ang takip ng kahon pagkatapos niya 'yong matanggal sa pagkakatakip. Nang tumitingin siya sa akin, matapang akong nakipagtitigan pabalik sa kanya.

Isang mamahaling silver necklace ang inilabas niya mula sa maliit na kahon. Napatitig ako ro'n kaya hindi ko namalayang nasa harapan ko na pala si Drake.

"Ang ganda 'di ba?" He asked. May naglalarong isang ngisi sa kanyang labi. "This is for you pero tinanggihan mo." Dagdag niya at saka ako pinagkunutan ng noo.

"Hindi ko naman birthday kaya bakit ko tatanggapin 'yan? And for your information, makakabili ako niyan kung gugustuhin ko." I said and smirked at him.

Napangiwi siya. "Ang yabang mo!" Inis na asik niya sa akin.

I laughed sarcastically. Gulat na gulat siyang napatitig sa akin. "Mas mayabang." Asik ko. "Tabi nga diyan." Binangga ko siya at saka ako tuloy-tuloy na naglakad palapit sa sasakyan ko.

Ngunit natigil ako sa akmang pagpasok ko sa driver seat ng magawi ang tingin ko sa isang sasakyan na pamilyar na pamilyar sa akin. Ang kotse ni Daddy.

Anong ginagawa niya rito?

Ilang saglit pa, nakita ko ang pagbaba ni Daddy mula sa driver seat ng kotse niya at saka siya umikot patungo sa passenger seat. Nang buksan niya ang pintuan ng passenger seat, lumabas mula do'n ang babaeng mahal niya. Nginitian niya si Daddy ng inalalayan pa siya nitong makalabas ng sasakyan.

"Mommy! Daddy!"

Napatingin ako sa sumigaw. Nakita kong masayang tumatakbo si Stephanie papalapit kila Daddy. Sobrang saya ni Daddy habang hinihintay si Stephanie na makalapit sa kanilang dalawa.

Handang-handa ang dalawa na salubungin ng masayang yakap na punong-puno ng pagmamahal si Stephanie na palapit na nang palapit sa kanila.

Napaamang ang labi ko ng bigla na lang may nagtakip sa dalawang mata ko dahilan para hindi ko makita ang scenario na matagal ko ng pinangarap na mangyari sa akin kasama ang pamilya ko. At ang scenario na wawasak pa lalo sa puso kong matagal ng nawasak simula ng ipagpalit ako ni Daddy.

"Stop hurting yourself."

Hindi ako nakapagsalita at hindi rin ako gumalaw mula sa kinatatayuan ko.

Ilang minuto kaming hindi gumalaw mula sa kinatatayuan. Ako na nanatiling nakatayo habang si Drake ay nakatayo naman sa likuran ko habang ang kanyang dalawang kamay ay nakatakip sa mga mata ko.

Napakurap-kurap ako ng tuluyang tanggalin ni Drake ang pagkakatakip ng kamay niya sa dalawang mata ko. Nang luminaw ang paningin ko, hindi ko na nakita sila Daddy kung na saan sila kanina.

"They're gone."

Nilingon ko si Drake na seryosong nakatingin sa akin.

"Thank you." I said sincerely.

Saglit siyang napatitig sa akin bago dahang-dahang tumango. "Mauna na ako." Hindi ko na hinintay pa ang sasabihin niya. Dali-dali na akong sumakay sa driver seat ng kotse ko at saka ako dali-daling nagmaneho ng mabilis palabas ng University.

Ramdam ko ang pagod nang makauwi sa Mansion ni Lola. Wala naman akong ginawang nakakapagod pero ang pakiramdam ko ngayon, pagod na pagod ako. Siguro dahil napakabigat sa puso noong nakita ko kanina.

"Princess, Apo!"

Pagod akong ngumiti kay Lola ng salubungin niya ako pagpasok ko. Nagmano muna ako kay Lola ng makalapit ako sa kanya bago ako humalik sa kanyang pisngi.

"Are you okay?" Lola asked worriedly. Nang makita niya ang pagod sa mga mata ko, alam kong nag-alala na agad siya sa akin.

"Napagod lang po ako, Lola."

"Ganoon ba?" Tanong ulit sa akin ni Lola kaya naman tumango ako sa kanya.

"Opo."

"Mabuti pa, magpahinga kana muna. Gusto mo bang magmeryenda na lang muna?"

I shook my head. "Magpapahinga na lang po muna ako. Bababa na lang po ako mamaya."

"Oh, sige. Ipapatawag na lang kita paghanda na ang hapunan."

Matamis akong ngumiti kay Lola. "Salamat, Lola."

Nagpaalam muna ako kay Lola bago tuluyang umakyat at maglakad patungo sa kwarto ko.

Agad akong sumalampak pahinga sa king size bed ko ng tuluyamg makapasok sa kwarto ko. Mahina akong natawa ng agad akong napahikab ng makahiga ako.

Mukhang kailangan ko ngang umidlip kahit saglit lang. Pero nang hindi pa ako makatulog, nakipagtitigan ako sa puting kisame rito sa loob ng kwarto ko.

Habang nakikipagtitigan sa puting kisame hindi ko mapigilang mag-isip-isip.

Kanina sa parking lot, naiinggit ako. Kasi habang tinitignan ko sila Daddy, ang saya-saya nila. Habang ako, hindi ko man magawang maging masaya.

Paano nila nagagawang magsaya kung alam naman nilang may nasasaktan silang isang tao.

Hindi ko napansing may tumulo na pa lang luha mula sa mga mata ko. Dali-dali ko iyong pinunasan at saka ko mariing pinikit ang mga mata ko.

Hindi. Hindi sila pwedeng maging masaya habang ako masasaktan! Hindi ako papayag! Never.

Muli akong nagmulat ng mga mata at saka ako bumangon. Napatingin agad ako sa dalawang maleta kong wala na ngayong laman dahil nasa walk in closet ko.

Naglakad ako palapit sa mga maleta ko at saka ako nagsimulang maglakad palapit sa walk in closet ko.

Buo na ang desisyon ko, babalik ako sa Mansion at babawiin ko ang lahat ng para sa akin. 

Wicked Princess [SOON TO BE PUBLISHED UNDER CLP]Where stories live. Discover now