Chapter 12

197 7 0
                                    

"Salamat po." Pagkatapos kong iaabot ang bayad ko kay Manong driver, lumabas na ako ng back seat.

"Ma'am 'yung sukli—" I cut him off.

"Keep the change. Thank you." Tipid ko siyang nginitian.

"Maraming salamat po!" Ramdam ko ang tuwa sa boses ni Manong ng magpasalamat siya sa akin. Nakangiti ko siyang tinanguan maski noong nagpaalam na siyang aalis na. Hinintay ko pa munang mawala sa paningin ko ang taxi na sinakyan ko bago ako pumasok sa loob ng Mansion.

Pagpasok ko sa loob ng Mansion, agad kong nakita si Manang Fe na agad namang ngumiti ng makita ako. "Oh, buti nakauwi kana."

"Nasira po kasi 'yung kotse ko." Sagot ko. At nang makalapit, nagmano ako kay Manang. "Si Lola po, nakauwi na?"

"Nasa kwarto niya, nagpapahinga. Nagkasagutan ata sila ng Daddy mo. Pagod na umuwi rito."

Dahil sa sinabi ni Manang Fe, agad na akong nagpaalam sa kanya at saka ako nagtungo sa kwarto ni Lola. Anong ginawa ni Daddy? Nag-aalala tuloy ako kay Lola. Kaya siguro hindi niya sinasagot ang mga tawag ko dahil nagpapahinga na siya.

Dahan-dahan kong binuksan ang pintuan ng kwarto ni Lola. Agad nadako ang tingin ko kay Lola na nakahiga sa king size bed niya at mukhang mahimbing na natutulog. Ayaw kong istorbuhin si Lola kaya, nagtungo na rin ako sa kwarto ko para makaligo na. Pinadala ko na rin sa talyer ang kotse ko para bukas, pwede ko ng gamitin.

Mag-isa kong naghapunan. Pagkatapos ko, umakyat muli ako at dinaanan ang kwarto ni Lola, napangiti ako ng makitang gising na siya. "Good evening, Lola."

Agad na ngumiti si Lola ng makita niya ako. Naglakad ako palapit sa kanya at saka ako naupo sa kama niya. "Kumusta po?"

Malalim na napabuntonghininga si Lola. "Ang sakit sa ulo ng Ama mo." Hindi ako sumagot sa sinabi ni Lola.

"Desidido siyang pahirapan ka. Hindi ko alam kung bakit niya nagagawa sa sarili niyang anak 'to! Ang tagal naming nagtatalo pero isa lang ang nais niya. Ang pahirapan ka."

Nag-iwas ako ng tingin. Naramdaman ko namang hinawakan ni Lola ang kamay ko kaya napatingin ako sa kanya. "Gusto kong palagi mong tatandaan na nandito lang ako. Lakasan mo ang loob mo at huwag kang magpapatalo sa nais ng Daddy mo." Niyakap ako ni Lola kaya naman niyakap ko rin agad siya.

"Huwag sanang dumating ang araw na hindi mo kayang patawarin ang Daddy mo." Mahinang bulong ni Lola. Hindi ko na napigilan pa ang pagtulo ng luha ko.

Lola, hindi ko po maipapangako 'yan.

Kinabukasan, maaga akong pumasok sa University tulad ng nais ko. Mangilan-ngilan pa lang ang mga estudyante. Dumeretso ako sa office ng Dean. Gusto siyang makausap para makita ko ang CCTV footage sa parking lot kahapon.

"Come in." Rinig kong sigaw ni Dean na nasa loob ng office niya.

"Good morning, Dean."

Nakita kong nagulat si Dean ng makita ako. "G-Good morning, Ms. Villafuente."

Nagkusa akong naupo sa visitor's chair dahil mukhang wala namang balak si Dean na paupuin ako.

"Anong kailangan mo, Ms. Villafuente?"

"Kahapon kasi, may pinagtripan ang kotse ko. Dalawang gulong ang nasira. Gusto ko po sanang makita ang CCTV footage para malaman kung sino ang may gawa no'n."

"And anong balak mo sa taong gumawa niyan sa'yo?" Hindi agad nakasagot sa tanong ni Dean. Unti-unting siyang napailing-iling sa 'kin.

"I'm sorry, Ms. Villafuente. Hindi ko maibibigay ang nais mo dahil mahigpit na ipinagbalaw sa amin ni Mr. Villafuente na wala kami ni isang susundin sa mga nais mo." Malungkot na sabi ni Dean.

Hindi ako makapaniwalang napatitig kay Dean. "Pero estudyante pa rin po ako rito!"

Bagsak ang balikat ko ng umiling si Dean. "I'm so sorry, Ms. Villafuente."

Ako naman ngayon ang napailing-iling habang hindi makapaniwalang napatitig kay Dean. "Mabuti pa, pumasok kana sa first class mo." Sabi ni Dean at saka siya bumalik sa pagiging abala sa mga papeles na nasa harapan niya. Wala na akong nagawa kundi ang tumayo at maglakad na palabas ng office ni Dean. Walang kwenta!

Nagsayang lang ako ng oras. Bakit ko nga ba nakalimutan ang ginawa ni Daddy? Walang kakampi sa aking Professor dito maski ang Dean.

Inis na inis akong pumasok sa loob ng classroom namin.

"Good morning, Princess!" Si Daphne.

Imbis na kausapin si Daphne, napunta ang tingin ko sa isang bouquet of roses na nasa table ng upuan ko.

"Ang ganda-ganda 'no?"

Napatingin ako kay Daphne na sobrang lapad ng ngiti sa akin at mukhang kinikilig pa.

"Kanino galing 'to?" Kunot-noong tanong ko sa kanya.

Nakangiting nagkibit balikat naman siya. "Hindi ko alam, eh. Pagpasok ko kanina, andiyan na 'yan."

Naglakad ako at naupo sa upuan ko. "Ayan, oh. May note." Turo ni Daphne sa maliit na papel na nasa gitna ng roses.

Salubong ang kilay ko ng kunin ko ang papel. Sino naman ang nagbigay ng bulaklak na 'to?

"Bakit ganyan ka? Hindi ka ba masaya sa flowers na binigay sa'yo?"

Walang emosyon kong tinignan si Daphne. "Bakit naman ako matutuwa? Sinabi ko bang bigyan ako ng bulaklak."

Napangiwi si Daphne sa sagot ko sa kanya at saka siya napailing-iling sa huli. "Sabi ko nga, eh."

Binuklat ko na ang note na nakuha ko sa bulaklak at saka binasa ang nakasulat do'n.

I know you like it.

- D.

Lalong napakunot ang noo ko ng mabasa ang nakasulat. Sino namang hambog ang nagpadala ng bulaklak na 'to para maihampas ko sa kanya ang pinagyayabang niyang bouquet of roses.

Natawa si Daphne ng mabasa niya. "Wow! Hahaha! Sino kaya 'yan? Wala ba talaga sa inyo ang nakakita kung kanino galing 'to?" Tanong ni Daphne sa mga classmates namin na nag-ilingan naman.

Tinapon ko sa kabilang upuan ang bulaklak. Napatili naman si Daphne sa ginawa ko. "Oh my gosh, Princess! Bakit mo tinapon 'yan?"

"Kung gusto mo sa'yo na lang." I said boredly. Wala akong panahon para kiligin dahil lang sa binigyan ako ng bulaklak ng isang taong hindi ko naman kilala. Wala rin akong oras sa kayabangan nang taong nagpadala ng bulaklak na 'yan.

Lahat kami ay napatingin sa labas ng marinig ang malakas na sigawan ng mga estudyante.

Nalaman ko lang kung sino ang pinagsisigawan ng marinig ang mga pangalang paulit-ulit na sinisigaw.

"OMG! Drake!"

"Ang cute mo, Joshua!"

"Nathan!"

"Alexander!"

Tss. Ano naman ang ginagawa nila rito sa Department namin at mukhang dito nila naisipang maggulo.

Wicked Princess [SOON TO BE PUBLISHED UNDER CLP]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon