Chapter 27

63 3 0
                                    

Maagang umalis ng Mansion si Daddy kaya hindi namin siya kasabay ngayon na mag-breakfast. Mabuti nga 'yon dahil hindi ko kailangang magpanggap sa harapan niya.

"Gusto mo ba ng adobo? Ako ang nagluto nito." Bago pa malagyan ni Tita Ysabel ng ulam ang plate ko, tinapik ko na ang kamay niya kaya alam kong nagulat siya at hindi makapaniwalang napatingin sa akin.

Kunot-noo akong nag-angat ng tingin sa kanya. "Hindi mo ako kailangang pagsilbihan dahil kaya ko ang sarili ko." Malamig na saad ko at saka ako naglagay ng kanin sa plate ko.

"I'm sorry." Mahinang paghingi ng tawad na sabi niya sa akin.

"Ate Princess, ano bang nangyayari sa'yo?"

Natigil ako paglalagay ng ulam sa plate ko ng marinig si Stephanie na nagsalita. Hindi ako gumalaw mula sa pwesto ko at hinintay ang sasabihin niya.

"Bakit tuwing nandito si Daddy, sobrang bait mo sa amin. Tapos pagkami lang ni Mommy, nag-iiba ang ugali mo."

"Stephanie." Pagsuway ni Tita Ysabel sa anak niya. Pero hindi ko pinansin 'yon.

"Sorry, Mommy."

I laughed sarcastically. Gulat na napatingin sa akin ang mag-ina. "Hindi pa ba obvious, ha? Ang tanga mo!" I said sarcastically and smirked at her. "Nagpapanggap lang naman ako na mabait sa inyo sa harapan ni Daddy."

Pinagtaasan ko ng kilay si Stephanie ng makitang may namumuo ng luha sa mga mata niya. "Ate Princess, sumosobra kana! Ano bang ginawa naming masama sa'yo ha—"

Malakas kong hinampas ang lamesa dahilan para mapasinghap sila sa gulat. Tumayo ako mula sa pagkakaupo at saka galit na galit silang dinurong mag-ina.

"Kayo! Kayong mag-ina ang sumira ng buhay ko! Naiintindihan mo ba?! Kayo ang sumira sa amin! Bakit hindi na lang kayo mamatay—" Isang malakas na sampal ang dumapo sa pisngi ko dahilan para matigil ako sa pagsasalita.

"Sumusobra kana!"

Napasapo ako sa mukha ko at nanlalaki ang mga matang napatitig kay Tita Ysabel na nanlalaki rin ang mga mata.

"P-Princess, I'm sorry. H-Hindi ko sinasadya." Mangiyak-ngiyak na sabi niya pero umiling ako.

"No!" Sigaw ko at saka ako tumakbo ng mabilis palabas ng kusina. Ni hindi ko pinansin ang pagtawag nila sa akin.

Nang makapasok ako sa loob ng kwarto ko, doon ko umiyak nang umiyak. Lahat ng galit ko nilabas ko. Sumigaw ako nang sumigaw hanggang sa mapagod ako.

Nanghihina akong napahinga sa lapag habang lumuluha. "M-Mommy, nahihirapan na po ako. Ang bigat-bigat sa puso. Bakit ba ganito? Bakit ba nangyayari sa akin 'to?"

"Princess!"

Hindi ko na namalayan ang pagpasok ni Manang Rosa sa kwarto ko. Naramdaman kong binuhat niya ako at saka hiniga sa mga hita niya. "Princess, Anak."

"M-Manang."

Yumakap ako sa bewang ni Manang. "Sobrang sama ko na po ba?"

Dahan-dahang sinuklay ni Manang ang mahabang buhok ko gamit ang kamay niya. "Miss na miss ko na 'yung dating ikaw."

Naramdaman ko ang pagtulo ng luha mula sa mga mata ko dahil sa sinabi ni Manang. "Mahirap magpatawad pero hindi naman masamang magpatawad, Anak."

Hindi ako umimik. Nanatili akong tahimik na naghihintay sa sasabihin ni Manang. "Sa totoo lang, napakabuti nila sa'yo. Ibang-iba sila ang Tita Ysabel mo sa ibang step-mother. Nakikita ko kung gaano kung gaano kapursigido si Ysabel matanggap mo lang siya."

Wicked Princess [SOON TO BE PUBLISHED UNDER CLP]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon