Chapter 6

262 12 11
                                    

Chapter 6
  
Nagulat ako ng salubungin ako ni Daphne at Kurt, pagbaba ko palang sa kotse ko. "Princess!" Hinihingal na pagtawag ni Daphne a pangalan ko. Maski si Kurt ay habol din niya ang kanyang paghinga. Mukhang galing silang dalawa sa pagtakbo. Kunot ang noong pinagmasdan ko silang dalawa. "Anong ginagawa niyo?" Kunot-noong tanong ko. Hindi naman agad sumagot ang dalawa dahil hinihingal pa rin.

Pinagkrus ko ang braso ko at saka ako suandal sa pintuan ng driver seat ng kotse ko habng pinapanood ko ang dalawa na nasa harapan ko.

"P-Princess, hinahanap ka ngayon ng grupo nila Nathan." Mabilis na sabi ni Daphne na halata namang natataranta.

Mas lalong napakunot ang noo ko sa sinabi niya. "S-Sino si Nathan? At bakit naman nila ako hinahanap?" Naguguluhang tanong ko. Hindi ko kasi maintindihan ang sinasabi niya.

"Ang grupo na nakaharap mo kahapon! 'ang mga kaklase ni Kurt."

Napatingin ako kay Kurt na nag-aalalang tinanguan ako. Hindi ko pa rin maintindihan ang sinasabi nila.

"Hinahanap ka nila ngayon. Nalaman nila ang ginawa mo. Pinasara mo ang bakanteng room na tambayan nila, ang table nila sa cafeteria, at lahat daw ng inaari nila rito sa cafeteria ay pinatabnggal mo. Totoo ba? Galit na galit sila sa'yo ngayon lalo na si Drake! Ang leader nila." Mahabang sabi ni Daphne. Unti-unti kong naintindihan ang mga sinabi niya kaya napangisi ako. Kahapon bago ako umuwi, inasikaso ko lahat ng binalak kong gawin patungkol sa hambog na grupong 'yon. Inalam ko muna ang mga dapat kong malaman bago ko kinausap si Dean. Wala naman siyang nagawa kundi sundin ang lahat ng mga inutos ko pagkatapos kong malaman ang lahat sa grupong 'yon. Masyado silang maangas! Wala akong pakialam kung may share ang mga magulang nila rito sa University.

"Haharapin ko sila."

"Ano?!" Sabay na asik ng dalawa sa akin kaya napangiwi ako. "Hndi pwede, Princess!"

"At bakit hindi?" I asked and raised my eyebrow. Napakunot agad ang noo ko ng malungkot akong nginitian ni Daphne. Bigla rin akong nakaramdam ng kaba kaya parang ayoko ng marinig pa ang sasabihin niya.

"P-rincess kasi, narinig ko sa mga Professor kanina na, inalis na ng Daddy mo lahat ng karapatan mo rito sa University."

Unti-unting napaamang ang labi ko. Hindi ako makapaniwalang napatitig kay Daphne ng maintindihan nang tuluyan ang sinabi niya.   "W-What?" Sarkastiko akong natawa. Napakagat ako sa pang ibabang labi ko at tumingala para pigilan ang luha ko.

Naramdaman ko na niyakap ako ni Daphne. "P-Princess."

"Mas mabuti na rito kana lang muna hangga't hindi pa nag-uumpisa ang klase. Mukhang hindi lang mga Professor ang may alam sa ginawa ng Daddy mo kundi pati ang mga estudyante." Sabi ni Kurt.

Bigla akong nanghina sa mga nalaman ko. Mukhang napansin naman 'yon ng dalawa. Pinagtulungan nila akong maiupo muli sa driver seat ng kotse ko.

Mariin kong ipinikit ang mga mata ko at hinayaan na maalala ko muli ang mga sinabi ni Daphne. Hindi ko alam na magagawa sa akin ni Daddy 'to.

Mommy, i need you. Bakit mo naman po kasi agad ako iniwan agad.

Galit. Galit ang namumuo sa dibdib ko ngayon sa ginawa sa akin ni Daddy. Galit ako. Galit na galit sa kanya ngayon.

Naramdaman ko ang pagpatak ng sunod-sunod na luha ko sa aking pisngi. Hinayaan ko iyon at nanatiling nakapikit.

Hindi na ako magugulat kung isang araw, pinagsisisihan na ni Daddy na naging anak niya ako.

"Pumasok na kayo." Alam kong nagulat ang dalawa sa sinabi ko. Pinunasan ko na muna ang pisngi at mata ko bago ako nagmulat ng mga mata. Nag-aalala silang nakatingin sa akin ngayon. Tipid ko silang nginitian. "Iwan niyo na lang ako rito."

"Princess—"

"I'm fine."

Malalim na napabuntonghininga si Kurt bago tumango. "Kung kailangan mo kami, nandito lang kami. Pero mukhang mas gusto mo munang mapag-isa ngayon. Sige."

"Thanks."

Wala nang nagawa si Daphne kundi ang sumunod kay Kurt. Nang lingunin niya pa muli ako, tipid ko siyang nginitian at saka ako tumango. Nang tuluyan silang mawala sa paningin ko, malalim akong napabuntong hininga bago ko sinara ang pintuan ng driver seat. Muli ko ng pinaandar ang kotse ko paalis ng University.

Napatitig ako sa mataas na building na pagmamay-ari ng mga magulang ko. Dito ako pumunta dahil gusto kong makausap si Daddy. Pero hindi ko alam kung bakit nawala lahat ng lakas ng loob ko na kausapin si Daddy ng makarating ako rito. Sa huli, umuwi na lang ako. Nagulat si Lola ng makita ako pagpasok ko ng Mansion.

"Hindi ba't pumasok kana?" Gulat na tanong ni Lola sa akin.

Mukhang walang alam si Lola sa ginawa ni Daddy. Kaya naman, nang maupo kaming dalawa ni Lola sa mahabang sofa rito sa living room, nag-umpisa na akong magkuwento patungkol sa mga nalaman ko.

"Lola, sa ginawa po ni Daddy, para na niyang pinaalam sa lahat na hindi na niya ako anak. Sa tingin ko nga po, pinagsisisihan na niyang naging anak niya ako."

"Oh my gosh!" Agad akong niyakap ni Lola pagkatapos kong magkuwento sa kanya. Halatang nagulat siya sa mga kuwinento ko at halatang hindi makapaniwala sa ginawa ni Daddy.

"Kakausapin ko ang Daddy mo."

Nagulat ako sa sinabi ni Lola kaya napabitiw ako mula sa pagkakayakap sa kanya. "Lola, 'wag na po."

"Hindi. Kakausapin ko siya. Hindi ko siya pinalaking ganyan! Ni minsan ay hindi ko pinaramdam sa kanya ang pinaparamdam niya ngayon sa'yo! Talagang ginagalit niya ako!"

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Lola. Nagmamakaawa akong umiling-iling sa kanya. "Lola, 'wag na po. Baka awayin ka lang ni Daddy."

"Talagang mag-aaway kami dahil aawayin ko siya. Umakyat kana sa kwarto mo at magbihis." Utos sa akin ni Lola. Mukhang desidido siya sa sinabi niya at halata namang hindi ko na mapipigilan pa si Lola.

"Sige po." Hinalikan ko sa pisngi si Lola bago ako nagpaalam na aakyat na.

Kinakabahan ako sa sasabihin ni Lola. Pag-akyat ko ng kwarto, narinig ko ang pagtunog ng sasakyan kaya napasilip ako sa bintana ng kwarto ko. Si Lola!

Dahil hindi ako mapakali sa pag-alis ni Lola, bumaba muli ako at nagdesisyon na lang na pumasok. Hindi ako mapapakali kung iisipin ko lang ang pag-uusap ni Lola at ni Daddy kaya mas mabuting pumasok ako at doon ituon ang aking pansin.

Wicked Princess [SOON TO BE PUBLISHED UNDER CLP]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon