Chapter 8

217 11 1
                                    


Chapter 8

"I'm here!" Nagawi ang tingin ko kay Kurt na ngayon ay nandito na sa table namin. Bitbit niya ang napakaraming pagkain na binili niya.

"Wow! Sakto gutom na gutom na talaga ako." Tuwang-tuwang sabi ni Daphne na tinulungan pa talaga si Kurt sa paglalapag ng mga pagkain sa mesa namin.

"Ang takaw mo talaga!" Natatawang sabi ni Kurt.

"Hoy! Sa ating dalawa, mas matakaw ka!"

Pinanood ko lang naman silang dalawa na nagtatalo na kung sino ang mas matakaw sa kanila. Hindi na lang nila tanggapin na parehas silang matakaw.

"Babe, here's your food."

Napangiwi ako ng marinig ang salitang babe mula kay Kurt. Hindi ako umimik at pinanood lang siyang nilagay ang pagkain sa harapan ko.

Sobrang tamis ng ngiti niya ng magtama ang tingin naming dalawa. "Sweet ko 'no? Pagsinagot mo na ako, mas sweet pa lalo ako sa'yo." Napangiwi ako sa sinabi ni Kurt. Sobrang saya ng ngiti niya habang tinaas-taasan ako ng kilay.

"Nanliligaw ka pala?" Natatawang tanong ni Daphne kay Kurt. Sinimangutan naman siya ni Kurt.

"Tama na nga 'yan. Nagugutom na ako."

Dalawang klase ng ulam ang binili ni Kurt para sa akin. Sisig, adobo at syempre, hindi mawawala sa binili niya ang paborito kong shawarma.

"Ops-sorry!"

Natigil ang pagsubo ko ng kanin ng maramdaman ang malamig na tubig na bumuhos sa buhok ko. Kasabay ng pagtigil ng dalawang kasama ko ay ang pagsinghap ng mga estudyanteng nakakita sa pangyayari.

Nagbaba ako ng tingin sa white uniform ko ng makitang nagkulay orange na dahil sa orange juice. Hindi pala tubig lang.

"Hazel? Anong ginawa mo?" Galit na tanong ni Daphne. Tumayo siya pero tinitigan ko siya at saka sinenyasan na maupo muli. Nag-aalangan man ay naupo pa rin naman siya.

"Nadulas sa kamay ko-" I cut her off.

"Tanga." Mahinahong sabi ko.

"What did you say?" Galit na tanong niya sa akin pagkatapos niyang tumayo sa harapan ko. Sobrang sama ng tingin niya sa akin.

Hindi ako gumalaw mula sa kinauupuan ko habang walang ganang nakipagtitigan sa babaeng nasa harapan ko ngayon. Sino ba ang babaeng 'to? Bukod sa make-up na nasa kanyang mukha, wala namang maganda sa babaeng 'to.

"Tanga." I said cooly.

"How dare you!" Galit na sigaw niya sa akin. Pinagtaasan ko siya ng kilay.

"Who are you?" I asked.

Her jaw dropped. Mukhang hindi inaasahan ang itatanong ko sa kanya. Narinig ko naman ang malakas na tawa ni Daphne.

"W-What the hell? Hindi mo ba ako kilala?"

"Tatanungin ko ba kung kilala kita?" I asked sarcastically.

"Argh! Whatever! Let's go, girls!" Inis na inis siyang padabog na naglakad palayo sa amin. Sumunod naman agad sa kanya ang dalawang babae na mukhang alipores niya.

Nang tuluyan silang makalayo, malakas na tumawa si Daphne kaya napunta ang tingin ko sa kanya.

"Sabi ko na nga ba! Hindi mo kilala 'yon!" Natatawang sabi niya. Maski si Kurt ay natawa na rin.

Napakunot naman ang noo ko. "Sino ba 'yon?"

"Sa sobrang busy mo sa sarili mong mundo, hindi mo nakilala ang queen bee rito sa University. She's Hazel Salvador."

Queen bee? Really, huh.

Muli kong binalik ang tingin sa babaeng 'yon. Napangisi ako ng makitang nagtungo pala sila sa table nila Drake. Hmm.

"Mabuti pa, magpalit kana ng damit mo, Princess. Samahan na kita. May extra shirt ako sa locker ko."

"Okay."

Nang tumayo ako, ramdam ko ng napunta na agad sa akin ang tingin ng mga estudyante. Maski nang mag-umpisa kaming maglakad ni Daphne ay nakasunod ang tingin nila sa akin. "Hindi ko alam na gagawin sa'yo 'yan ni Hazel. May galit ba sa'yo 'yun? Mukhang dahil sa ginawa ni Tito sa'yo, magagawa na nila ang mga gusto nila sa'yo."

"I don't care."

"T-Talaga?" Hindi makapaniwalang tanong sa akin ni Daphne.

"Yes." I said and smirked.

Napatingin ang grupo nila Drake sa amin ni Daphne ng makita kami. Pinagtaasan ko ng kilay si Hazel ng makitang masama na ang tingin nito sa akin.

Taas noo akong naglalakad ngayon. Huminto lang ako ng nasa tapat na ako ni Drake. Naramdaman kong natigil siya sa pagkain ng maramdaman ako. Hindi ako tumingin sa kanya pero nagsalita ako. "Hindi mo naman kailangang gumamit ng ibang tao para gantihan ako." Mahinang sabi ko sapat lang para marinig nilang lahat.

"Let's go, Daphne."

Muli kaming nagpatuloy sa paglalakad. "Hoy!" Rinig kong malakas na sigaw ni Drake sa akin. Pero hindi ko siya pinansin at nagpatuloy lang sa paglalakad hanggang sa makalabas kami ng cafeteria.

"Whoa! Angas!" Sigaw ni Daphne na ngayon lang nakapagsalita ng makalabas kami ng cafeteria. Tipid ko siyang nginitian. "Talagang ginawa ni Drake 'yon? Oh, hindi naman nakakapagtaka." Tumatango-tangong sabi ni Daphne.

"What do you mean?" Kunot-noong tanong ko.

"Gusto mong malaman?" Tanong sa akin ni Daphne. Halatang tuwang-tuwa pa.

I nodded. "Yeah."

"Sa wakas! Alam mo, gusto ko na talagang magkuwento sa'yo pero mukhang hindi ka naman kasi talaga interesado pero ngayon, sa wakas!" She said happily. I just rolled my eyes.

Nang makuha namin ang extra shirt niya sa locker room, nagtungo na kami sa CR.

Napakunot ako ng makita ang ginagawa ni Daphne. Pagkatapos niya kasing isara at i-lock ang pintuan ng CR, Isa-isa niya kasing tinitignan ang bawat cubicle.

"What are you doing?"

"Walang tao. Kukuwentuhan na kita!"

Oh, kaya naman pala. Tumango naman ako sa kanya at saka ako naglakad papasok sa isang cubicle kung saan ako magbibihis.

"Umpisahan mo na."

"Anong gusto mong malaman?" Tanong ni Daphne na nasa labas ng cubicle kung na saan ako. Family background lang ang nalaman ko sa kanila noong isang araw.

"Lahat."

A/N: Hope you like it guys!

Wicked Princess [SOON TO BE PUBLISHED UNDER CLP]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon