Chapter Five - The Great Escape

136 1 0
                                    

We'll Scream loud at the top of our Lungs And they'll think 'cause we're young and We'll feel so Alive- the great escape by boys like girls

 

Candy Chan

“Uy, Mayel! Ano ginagawa mo diyan?” Nakita kong nag tatago si Mayel sa may teacher’s table sa may room 501. Papasok na sana ako sa Management 1 subject namin at akala ko pa mag isa ako sa classroom, yun pala, nandito na din si Mayel. Di ko nga lang ine- expect na sa ilalim ng mesa ko siya makikita.

“Nakakagulat ka naman Candy!” aniya sa akin sabay tayo at inayos ang buhok. “Wala na bang ibang tao dito?”

“Ikaw lang at ako. Teka, ano bang meron?” tanong ko dahil medyo nawi- wirduhan na ako sa kanya. Nakita naming pumasok ang isa sa mga kaklase namin.

“Doon muna tayo sa labas, doon ko sasabihin sayo.”

“Okay.” Pumunta kami sa may labas at nag hanap ng bakanteng classroom. Pumasok kami sa loob ng room 503 kung saan walang tao at saka ini- lock niya ang pinto. 

“Makinig ka, our school is under threat.” At saka niya kinuwento sa akin na sabotahe ang nangyari noong Biyernes sa Acquaintance party. Kinuwento niya din ang tungkol sa sinabi sa kanya ni Marlon at ang paguusap nila ni Jake. 

“Look, makikipag tulungan ako kay Jake.” aniya. “Please, wag mo itong sasabihin kahit kanino. Kahit kasi ang Director, ayaw makitapagtulungan. Gusto lang niya kalimutan ang lahat ng nangyari. Gusto niyang palabasin na isa lamang aksidente ang lahat, pero dahil sa may nakitang bomba na sa awa ng Diyos ay di sumabog, doon na nabuo ang teorya na sabotahe ang lahat ng ito.”

“Teka, is this a way para makipag balikan sayo si Jake?”

“God, no!” maagap niyang tugon. “Candy, I’m telling you, wala na akong pakialam kung maging sila man ni Shaina. I just know something isn’t right and we have to do something fast. Kanina, narinig kong may kausap si Prof Mike ng Philippine History sa cellphone niya kaya ako nag tago sa may ilalim ng mesa. Akala niya siya lang mag isa kaya hayun at nag dial siya sa phone. Kung di ako nagkakamali,” Napa hinto siya at napansin ko na may takot sa mukha niya. “Kausap niya si Director Manilyn Alberta. And they’re planning something.”

“A-anong pinaplano nila?” kinakabahan kong tanong.

“Balak nilang pasabugin ang buong Campus.” tugon niya and I can feel my body shivering.

“No! Ano ang dahilan nila? Narinig mo ba?”

“Narinig ko lang na sinabi ni Prof Mike ay sa wakas daw at nalalapit na ang paghihiganti nila sa Presidente ng school na ito.”

“Si President Marco Tan?”

“Exactly.”

“Tutulong ako.”

“Thanks, pwede mong sabihin kay Mart pero please tell him it‘s a secret dahil pag nalaman nila ‘to, malalagay tayo sa malaking alanganin.”

“Don’t worry. Kailangan lang natin ng sapat na ebidensya and we have to do something para matigil ang binabalak nila-” Naputol ang sasabihin ko ng narinig namin na may kumakatok sa may pinto and we both freezes nang makita kung sino ang nasa pinto. Si Prof Mike. Nagkatinginan kami ni Mayel at saka ako tumungo para buksan ang pinto.

“And what are you girls doing here?” Sinikap kong ngumiti kahit kinakabahan.

“Sir, we are just discussing something.” At saka ako tumingin kay Mayel ng masama. “Kinakausap ko lang ang dearest best friend ko na nangaagaw ng boyfriend.” palusot ko kahit mukhang naguluhan si Mayel, nakuha niya naman ito agad at saka ako sinakyan.

A Campus StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon