Chapter Fourteen - Noong Nasa Highschool Ako

121 1 0
                                    

We did not change as we grew older; we just became more clearly ourselves. 

Lynn Hall, 

Candy Chan

Noong nasa highschool pa lang ako, wala akong ibang ginawa kundi mag aral o makipag laro ng play station kay Mart. Wala akong inisip kundi ang maging top notcher sa klase namin. Kung wala naman ako sa bahay namin ay nagsho- shopping lang kami ni Mayel sa Mall o di naman kaya ay nagpapakitaan ng bagong stationary. Pareho kasi kaming mahilig doon.  At sa totoo lang ay napaka mahinhin kong bata. Conscious ako saan man ako magpunta, lagi akong may dalang panyo, alcohol o salamin. I have to make sure kasi na walang dumi sa mukha. Insecure ako sa buong highschool life ko. 

Debut ng isa sa mga high school friends ko na si Marian at imbitado kami nina Mayel, Mart at Jake. Kung matatandaan niyo si Marian ang isa sa mga crush ni Mart pero pag sa tuwing tinatanong ko siya ngayon, eh sinasabi niya na wala pa daw sa kalahati sa pagkagusto sa akin ni Mart ang pagkagusto niya kay Marian. Tama bang i- compare? Siguro kung high school pa ako, magdadalawang isip pa ako kung pupunta ba ako o hindi pero this time, I really wanted to come. And besides, miss ko na din ang iba ko pang friends. Tumingin ako ulit sa salamin at masasabi kong malaki na nga talaga ang pinagbago ko. Di na ako tulad ng dati, marunong na din kasi ako mag make up, turo sa akin lahat ni Mayel. Sabi niya di na daw siya papayag na tumanggi akong mag make up dahil dalaga na daw kami at it's a necessity na daw, you know, ang mag make up. And so I tried it and boy, I feel so great lalo na ngayong suot ko ang isang blue dress na ibinili sa aking ni Mommy sa isang boutique na dinesign ng best friend niya. Two inch above the knee ang dress na tube na may ribbon sa likod. Tinernuhan ko naman ng three inches heels ang sapatos ko, nakalugay naman ang straight ko na buhok. Magkikita na lamang daw kami ng tropa sa club house kung saan gaganapin ang debut ni Marian. Si Marian nga pala ang isa sa mga popular na babae sa aming klase, maraming lalake ang nagkakagusto sa kanya pero hindi ito nagpapaligaw, may pagkamapili kasi ito sa lalake, perfectionist daw, sabi ni Mayel nang minsang nakasama niya ito sa isang group project.

Ilang sandali din naman ay nasa club house na ako at kitang kita ko na hinihintay ako ni Mart na naka blue na long sleeve (yup, napag usapan namin kung anong kulay ang susuutin namin) at ganoon din naman si Jake at Mayel, sila naman ang black and white motiff. Medyo nagpalate na kami dahil di naman talaga kami kasama sa ceremony, napunan na ito ng mga popular pang kaibigan ni Marian at malamang ay inimbita lang kami doon para ipakita kung gaano kabongga ang debut niya. Well, at least yun ang pagkakakilala namin sa kanya ni Mayel. Kainan na lang at disco ang naabutan namin. What can I say, it's already 8:30 pm, ang nakalagay kasi sa invitation ay 7 pm ito magsisimula. Sinalubong kami ni Marian sa may hallway kung saan papunta sa may swimming pool. "Hi!" anito. Maikli na ang buhok nito at moderno ang style, she's wearing a long pink gown with a slit on the side. Sexy, I can say.

"Happy birthday!" bati naming lahat.

"Akala ko di na kayo makakapunta." aniya. "Tara, kumain na muna kayo. We've got Filipino foods such as Kare- kare, Adobo or if you want meron din kaming Japanese foods, sushi, whatever you like guys, you name it!" dagdag pa nito. Kumuha kami ng makakain at saka umupo sa isa sa mga bakanteng mesa na may motiff na pink and white. I recognized some of my classmates before pero pag sa tuwing ngumingiti ako, it's either they look away or dedma lang. Meron namang ibang nire- recognized kami. Isa na doon si Joana.

"Hi!" sabi nito pagkatapos ay nag beso beso kami. "Ang laki na ng pinagbago mo Candy ah, ikaw din Mayel!" anito. "At ikaw na ba yan Jake? Lalo kang gumagwapo ah, at ikaw Mart, aba aba, nagkaka muscles tayo ah." Sari- saring pamumuna pa sa mga pinagbago namin ang sinabi niya na tinawanan na lang namin. I think we better take it as a positive comment.

A Campus StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon