Chapter Thirteen - Balik sa Pagyoyosi

154 2 0
                                    

Ang luv prang yosi, 

kahit lam mo makakasakit cge p rin sa paghitit..

lage cnsabi n titigilan na pro anjan na, 

d n mapigilan at madalas pag napasobra 

nahihirapan k ng huminga!- txt msg

Candy Chan

"Kailan ka pa natutong manigarilyo?" tanong ko kay Rio na nakatambay kina Aling Martha. Kasama namin siya ni Mart sa paglu- lunch at katatapos lang naming kumain.

"High school pa lang ako nang matutunan ko ang mag yosi. Madalas kasi akong nai- stress at minsan ito lang ang solusyon ko, alam mo yun?" tugon niya na tila ba malalim ang iniisip. "Gusto mo?" yaya niya sa akin sabay abot ng isang stick. Umiling ako. 

"No thanks. Di pa naman ako gaanong nai- stress, saka na lang siguro."

"Okay." aniya, niyaya niya din ng isang stick si Mart pero tumanggi din ito. 

"Sorry tol, di talaga ako pwede diyan stress man ako o hindi. Ilalabas ko na lang siguro sa computer ang stress ko." sabi naman ni Mart. Meron pa kaming thirty minutes para sa susunod naming klase kaya tumambay muna kami sa bench na nasa labas ng carinderia kung saan madalas kumakain ang mga estudyante. Pinanonood namin ang  mga dumadaang jeep, ang mga estudyanteng naglalakad at ang Campus na kung makikita mo kung saan kami nakaupo ngayon ay parang isang malaking palasyo. Minsan nga ini- imagine ko kung ano kaya kung naging kaharian ko ang building na yan? Medyo may pagka gothic na classic ang style nito. Walang pintura pero animong napakagalante sa paningin. Nakatingin lang kami ng ilang minuto nang magsalita si Rio. 

"Alam niyo ba na pagkagising ko sa umaga o di naman kaya ay bago ako matulog sa gabi, iisang tao lang ang iniisip ko? Yung ngiti niya, yung buhok niya, labi niya, kahit sa panaginip ko naririnig ko ang tawa niya. Para siyang multo na kahit isang saglit hindi pinatahimik ang kaluluwa ko." Si Mia ba ang tinutukoy niya? Sino pa nga ba? Pareho kami ni Mart na hindi umimik hanggang sa nagpatuloy si Rio matapos na humithit ng isa pang sigarilyo. "At alam niyo ba kung bakit ako nai- stress ngayon? Dahil sa kanya. Di ko na alam kung ano ang gagawin ko. Pinagtapat ko na sa kanya na gusto ko siya pero kaibigan lang ang tingin niya sa akin. Okay lang naman sa akin, pero gusto kong ipakita kung gaano ko siya kamahal." Napangiti siya. "Mabait siya, napakabait niya at minsan iniisip ko na baka hindi ako sapat para sa kanya, baka hindi ako karapat dapat. Pero mahal ko siya. At tulad nga ng sinabi ko hindi ko alam ang susunod na hakbang. Hahayaan ko na lang ba muna na lalo pa ako mahulog sa kanya o ano?"

Katahimikan. Walang nagsalita. I don't know what to say at sa tingin ko ay ganoon din si Mart. 

Maya maya lang ay tumayo na siya at nag unat. "Sige na, alis na ako. Kita na lang tayo mamaya." aniya. "Sensya na sa pagdra- drama." Yun lang at umalis na siya na di man lang kami nililingon. Naiwan kami ni Mart sa bench. 

"Nakakalungkot" sabi ko.

"Oh, he'll be fine." sabi naman ni Mart. "Dumaan din tayo sa point na yan na di ka sure sa akin di ba? Natatakot ka-"

"Pero iba naman ata yung sa kanila eh. Yung sa atin kasi may feelings talaga ako sayo and I'm just scared na baka masaktan lang ako eh yung sa kanila eh parang di mutual ang pagtingin nila, right?"

"You have a point pero di naman natin hawak ang feelings ni Mia. She have to figure it out herself." Hinawakan niya ang kamay ko at saka pinisil. "I'm glad and we're over it, you know. Ngayon ko nasasabi na masuwerte ako because I have you."

A Campus Storyحيث تعيش القصص. اكتشف الآن