Chapter Three - Acquaintance Party

203 2 0
                                    

Life may not be the party we hoped for, but while we're here we should dance.     -unknown

Candy Chan 

Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko kahapon  at nagawa kong halikan si Mart. Para kasi akong na- hypnotize. Para akong lasing na hindi na ininda ang kaba ko, feeling ko at that period of time, wala akong paki sa susunod na mangyayari, pakirandam ko kung iki- kiss ko siya wala naming masamang mangyayari. Feeling ko kami. Feeling ko lang pala. Kakainis. Namalayan ko na lang na ginawa ko pala ang stupidong bagay na iyon noong nakapasok na ako sa aming bahay. Feeling ko may mali akong ginawa pero meron nga!!! OMG! Ang aking best friend ay di ko sinasadyang halikan dahil… dahil… may pagnanasa ba ako sa kanya? Di ko talaga alam. Kaya ang ginawa ko kagabi ay agad kong tinawagan si Mayel at ikinuwento ang mga pangyayari.

“What? You kissed  him? Wala ka pang nahahalikan di ba? Pwera lang kay Michael na dati mong classmate na accident namang nangyari? Tama? Basta hindi siya counted!” aniya na di makapaniwala. “Sabihin mo nga sa akin nagdru- drugs ka ba? Kasi imposibleng di mo namalayan eh.” Sinubukan kong isipin kung may nakain o nainom ba ako nang mga panahong iyon. Nakakatakot isipin baka kasi sa susunod ibang tao na ang mahalikan ko.

“Di ko talaga alam Mayel, sa tingin mo ano kaya ang iniisip niya ngayon?”

“Malamang iniisip niya na gusto mo siya.” maikli niyang sagot. Di naman ako nakasagot. Oo nga, iisipin niya na gusto ko siya. Oh my God, what have I done? Bukas kaya papansinin niya pa kaya ako? Baka iwasan niya na ako. “Candy, may gusto ka ba sa kanya?”

“Kanino?”

“Kay Mart. Siya lang naman pinaguusapan natin di ba?” May gusto ba ako sa kanya? Kasi sa totoo lang di ko rin sure eh. “Kasi kung wala, malamang sinapian ka lang kahapon ng isang multong may gusto kay Mart.” sabay tawa si Mayel. 

“Mayel naman eh! Nakakatakot ka!”

“Okay, ganito na lang. Narandaman mo na hinalikan mo siya di ba? O ano ang feeling?”

“M- Masaya?” at kinikilig gusto kong idagdag. “Uhm Mayel, ano ba ang feeling ng inlove?”

“Di ka pa ba nag kaka- crush?” mala- elementary niyang tanong.

“Nagka- crush na din naman ako kaya lang for sure may difference yun di ba?”

“Well, ano nga ba? Malaki ang difference actually, mas malalim at mas madugo.” Napataas ang isa kong kilay sa huling salitang binitawan niya. Madugo? Weird. 

“Bakit naman madugo?”

“Basta maiintindihan mo din. Di mo maiintindihan kung ikukuwento ko lang siya sayo. Minsan you have to undergo that certain feeling para malaman mo.” Shocking ‘tong si Mayel, ang lalim ng mga kataga.

Naputol ang pagmumuni- muni ko nang marinig ko na may nag doorbell. Sumilip ako sa may bintana at nakitang nakasilip si Mart sa labas ng gate . Nakita ko  na naka- polo ito at kahit malayo pa lang mukha na itong mabango. Tiningnan ko muna ang sarili sa salamin. Naka dark blue na tube dress ako na parang aattend ng JS prom eh. Nakalugay naman ang straight kong buhok at naglagay na din ako ng kaunting night make up. Nagulat nga ako sa kinalabasan ng hitsura ko. Parang hindi ako. Agad ko ng tinungo ang gate na medyo kinakabahan sa kung ano ang magiging treatment sa akin ni Mart. Binuksan ko ang gate at saka ko nakita si Mart ng malapitan. Naka black na polo shirt at naka jeans. Wet and neat look ang buhok ni Mart at di ako nagkamali na mabango nga siya. Di ako agad nakapag salita. Napalunok na lamang ako sa halip na sabihin ang pinaraktis kong speech kagabi.

“Shall we?” ani Mart na inilahad ang braso para kapitan ko. Tumango lang ako at saka siya nag tawag ng tricycle. 

“Oo nga pala, tungkol sa nangyari kahapon,” panimula ko habang mabilis na humaharurot ang tric. Nakita kong sumilay ang ngiti sa kanyang mga labi. Pinagtatawanan niya ba ako? O ano? Di ako marunong mag basa ng mga signs na ganito eh. Bago pa siya nakapag salita napgdesisyunan kong tapusin na ang hinanda kong speech kagabi. “Wag mo na isipin yun, di ko naman kasi sinasadya. Nabigla lang ako kaya nangyari iyon, wala ng ibang dahilan. Kaya sana wag mo na lang yun bigyan ng malisya, alam kong di ako lasing, pero sinisigurado ko sayo na wala ako sa sarili ko nang nangyari yun. Kalimutan mo na lang sana.”

A Campus StoryWhere stories live. Discover now