Chapter Eighteen - Away na itich!

38 1 0
                                    

In jealousy there is more self-love than love.

-Francois Duc de la Rochefoucauld

Candy Chan

2nd day ng sports fest at pagkadating na pagkadating ko sa school ay hinanap ko na si Mayel. Sinubukan ko kasi siyang i text pero hindi siya sumasagot. Gusto ko ng makipagbati sa bestfriend kong yun. Sa totoo lang kasi it really doesn't feel right. Nanalo nga ako sa contest pero walang kwenta ang pagkapanalo ko kung di ko naman 'to mashe- share sa kanya. Ilang taon na din naman kaming magkaibigan at ayokong tumagal pa ang pagaaway namin na ito. Masyado ko na din siyang nami- miss. Hinanap ko siya sa basketball court, sa volleyball o kahit badminton court pero hindi ko siya mahanap. Doon kasi nanonood ang halos lahat ng estudyante pero kahit anong hanap ang gawin ko ay hindi ko siya makita. "Nakita niyo ba si Mayel?" tanong ko kay Jake na nasalubong ko nang palabas ako ng gym. Basang basa na siya sa pawis dahil sigurado ako na kanina pa siya inuutusan ng mga prof. Humihingal siyang sumagot sa akin.

"Wait lang ah, hahabulin ko lang ang hininga ko." aniya.

"Sorry, busy ka pa naman pero kasi makikipagbati na ako kay Mayel."

Talaga?" aniya na tuwang tuwa. "Buti na lang at ako ang tinanong mo, kasama ko siya kanina. Ayaw niya kasi sa mainit at crowded na lugar kaya doon siya tumatambay sa may Chapel." Chapel? Bakit di ko naisip yun? Tama si Jake, di sanay si Mayel sa mga mainit at mataong lugar.

"Sa tingin mo nandoon pa siya?"

"Well, I think so." aniya. Nagpaalam na ako at saka ako tumungo sa Chapel na hindi naman kalayuan sa gym. At doon ko nga siya nakita, nakaupo at nakikinig ng mga kanta sa cellphone niya. Nakatalikod siya sa akin kaya hindi niya ako nakita na pumasok. Sa sobrang lakas nga ng pinapatugtog niya ay hindi niya din namalayan na umupo na ako sa tabi niya.

"Mayel," pagtawag ko ng atensyon niya pero hindi siya lumingon. Tinanggal ko ang earphone sa tainga niya na ikinagulat niya.

"Ano ba?" pagalit niyang tanong pero nang makita niya na ako pala yun ay nawala ang pagsalubong ng kilay niya. "Anong kailangan mo?"

"Mayel, alam kong galit ka sa akin, sa nagawa ko sayo. Akala ko nga noong una okay lang sa akin na magalit ka. Inaamin ko naisip ko na bakit ikaw na lang palagi ang muse? Bakit hindi mo na lang ako pinagbigyan eh kahit naman noong highschool tayo ay ikaw na palagi ang pinagbibigyan ko. You know what it really hurts me kasi akala ko hindi naman masisira ang friendship natin sa ganito-"

"Candy," putol niya. "Please shut up." Natahimik ako, galit pa din pala siya. Tumayo siya at saka hinawi ang buhok sa mukha niya. "Alam mo ang dami mong sinasabi eh. Sa totoo lang, hindi pa ako handang makinig sa iyo ngayon. Bakit ba hindi mo na lang aminin na ginusto mo talagang mapahiya ako sa harap ng departamento natin? Akala ko naman kasi kaibigan kita. Sana kung gusto mong maging muse, sana sinabi mo na lang agad sa akin, di naman kita pipigilan eh. Pero you know what you have done to me? I felt betrayed by you, I'm sorry." Di ko akalaing magagalit siya sa akin ng ganoon na para bang ang laki laki ng kasalanan na nagawa ko sa kanya.

"Mayel, mas importante pa ba sayo ang pagiging muse na yan kaysa sa pagkakaibigan natin?" di ko sinasadyang mataasan ang boses ko.

"Baka sayo, mas importante." sabi niya sabay lakad palayo. Hindi ko na talaga maintindihan ang mga pangyayari, the next thing I knew, nakarandam na din ako ng galit kay Mayel. Mas importante pa pala sa kanya ang pagiging damn muse. Tila nawala na ang pagsisisi sa ginawa ko na tanggapin ang pagiging muse ng sports fest na ito.

Mayel Dominguez

Ang kapal talaga ng mukha ng Candy na yan. Papiliin ba naman ako kung ano ang mas importante sa akin, kung pagkakaibigan o pagiging muse? What a hypocrite? Para bang ako ang unang trumaydor sa aming dalawa. Gusto ko na din namang makipagbati, pero kung ganyan ang lumalabas sa kanya, ay hindi ko talaga maibababa ang pride ko. Pumunta ako sa basketball court para manood ang laban ng Gold team at Green Team. Kitang kita ko na isa sa mga naga-assist si Mart. Bigla akong nagka-ideya. Dapat marandaman ni Candy kung ano ang narandaman ko sa ginawa niya. Kailangan niyang maintindihan ang pakirandam ng trinaydor. Nagdalawang isip ako, kaibigan ko siya, sabi ng konsensya ko. Pero agad ko naman itong nabawi. Sinabi ko uli sa sarili ko na kailangan niya ng leksyong ito. At isa pa, gusto ko ding malaman kung si Mart ba ang tapat talaga kay Candy. Pinanood kong mabuti si Mart na naging crush ko din noong hindi pa sila ni Candy. Sasabihin ko na nga sana kay Candy na crush ko si Mart pero hindi ko alam kung bakit hindi ko nasabi. Bakit nga ba si Candy na lang palagi ang kinahuhumalingan ng lahat ngayon?

A Campus StoryWhere stories live. Discover now