Chapter Twelve - Everything at its Right Place

102 2 0
                                    

 I woke up 2day smiling as I recall our friendship because I know that years from now, I will still be waking up smiling 4 the same reason.- txt msg

Candy Chan

“Candy alis na tayo, kanina ka pa sa salamin ah. Nagpapaganda ka para kay Mart ano?” pang aasar ni Mayel na kasalukuyang nakaupo sa kama ko ngayon. Napag usapan kasi namin na sabay kaming pupunta sa concert ng The Chefs. Sa totoo lang kanina pa ako nakatingin sa salamin hindi para mag ayos pa kundi para mag isip. Di man lang ako tinawagan ni Mart. Ilang araw na din nang huli kaming nag usap. Hindi sa hindi niya ako kinokontak kundi dahil umiiwas din ako sa kanya. Nagpalit ako ng sim at pag nakikita ko siya ay tumatakas agad ako. Sinisigurado kong di niya ako magkikita and I have succeeded. Walang pagkakataon na nagkita kami o nagkaroon ng pilitan na magusap. Naisip ko lang tama ba ang ginagawa ko? Kanina naisip ko I think I’m being an idiot. I’m not fond of reading relationship improvements books pero na realize ko na mali. Mali ang reaction ko. “Ano ba natawagan mo na ba siya?” tanong uli ni Mayel nang hindi ako sumagot sa kanya. “Nakakaloka kayo ah. Sabagay malaki ang campus. Pwede nga namang hindi kayo magkita. Alam mo best friend, I think kailangan mo na siyang harapin no? Tsaka ano nga ba yung ikinagagalit mo? Pagco- computer niya? Mas okay nga yun at least di naman babae ang kinalolokohan niya no?”

“Alam mo friend, tama ka. I’m being stupid. Dapat ko siyang harapin at dapat kaming mag usap. Di ako makapaniwala. Wala pa nga kami halos isang buwan.”

“Well you can still try again.” tugon ni Mayel.

Hinatid kami ng Daddy sa Campus. It’s 7:10 nang makarating kami doon at agad kaming dumiretso sa open field na nasa likod ng school kung saan kasya ang mga dadalo. Hinanap ng mga mata ko si Mart pero di ko siya makita. Tawagan ko na kaya siya? Tatawagan ko na siya kaya lang biglang nagkaroon ng announcement. Si Director Manilyn Alberta. She looks okay now after what happened months ago. “I just want to inform everyone of you that we have a new Dean for our Bachelor of Business Administration. Let us all welcome, Dean Lily Gerald.” Nagkatinginan kami ni Mayel at parehong pumalakpak kasabay ng ibang taong nag cheer. Mukha namang nagkakaintindihan kami ni Mayel.

“Wala na siya.” 

“Buti naman, see we don’t have to do something. Buti na lang di mo tinuloy ang balak mo na mag sumbong.” tugon ko sa kanya.

“Excuse me, wala akong balak na ganoon no. At least kahit di tayo gumawa ng paraan, everything have fall into its right places.” 

“Right. Sana nga maging normal na ang Campus na ito nang makapag focus tayo ng husto sa ating mga career.”

“Correct ka diyan.” at nagyakap kami ni Mayel. Ang saya saya. Isa na lang ang kulang at nakikita ko na siya sa aking peripheral view. At nakatingin siya sa akin. Napansin din ni Mayel si Mart kaya nagpaalam muna siya. Lumapit sa akin si Mart at hinalikan ako. Torridly. Matagal. Five… eight seconds bago niya tuluyang inangat ang mukha niya.

“I miss you.” nasabi ko sa kanya. “I’m sorry.”

“Sorry din Candy. And of course I miss you too.” Niyakap niya ako ng mahigpit. “Naisip ko bibigyan muna kita ng time kaya di na muna kita kinulit. Sinubukan kitang tawagan pero nakapatay naman. Di kita ma contact. Alam ko pinagtataguan mo ko all this time-”

“Alam mo? Oh my mukha akong tanga no?”

“No, Candy. Mas mukha akong tanga."

Mayel Dominguez

“Wohooo! I love you Kirbyyyyy!!!” sigaw ko sa lead singer ng the chefs, kinakanta nito ang favorite song ko na Your heart at nakakainlove talaga ang boses niya. Nasa front row ako at nagtititili. Favorite band, favorite song kasama ang mga kaibigan ko, what more can I wish for? Maya maya lang Kirby’s eyes laid upon me and he smiled, isang ngiting nakakatunaw. Bigla kong nakalimutan lahat ng mga ex ko. Habang kinakanta niya ang chorus ay inilahad niya ang mga palad niya sa akin at niyaya ako na pumunta sa stage kasama niya. Halos matunaw ako, oh my God! Kunwari pa ay hinaharana niya ako. Ako naman ay todo smile. For sure ay kinaiinggitan na ako ng lahat ng babae ngayon sa campus. Hahaha! Mga oras na ayaw ko na matapos. Sa kasamaang palad ay natapos ang kanta at nang matapos ito ay hinagkan niya ako sa pisngi. Akalain mo yun? Para akong nasa langit. Hindi ako ang humalik sa kanya, kundi siya ang mismong lumapit. Para bang siya ang fan at ako ang idol niya. No. It’s like mag boyfriend kami. Nagtilian lahat ng tao sa open field ng Campus. I’m just so lucky.

A Campus StoryWhere stories live. Discover now