Chapter Eleven - Poprotektahan Kita

136 3 0
                                    

Love consists in this, that two solitudes protect and touch and greet each other.

- Rainer Maria Rilke

Candy Chan

           “O bakit nakasimangot ka na naman diyan?” tanong ko kay Mayel na nasa library. Kasalukuyan kaming nagre- research para sa isang project sa English Communications.

                “Si Prof Lindo, nakita ko kanina pagkatapos ng quiz namin. Alam mo ba kung ano ang ginagawa niya?” Umiling ako. “Katabi ko si Pia kanina sa LAW 1 namin at kitang kita ng dalawang mata ko na wala siyang sagot sa papel niya. Nasa likod lang namin si Prof Lindo okay? Eh nagkataon na nag toilet siya so medyo nagkaroon ako ng glimpse sa pagche- check ng papel ng Prof na yun habang nagre- report yung isa naming classmate. Nakita ko na nilalagyan niya ng sagot  at saka nilalagyan ng check!” bulong niya sa akin.

                “Oh my God, really?”

                “Yes, and now I don’t know what to do. Una sa lahat naaasar ako kasi nakakapandaya siya ng ganoon habang ako ay nakakuha ng mas mababang score sa kanya. At least naman honest ako di ba?”

                “Of course, of course. Anong balak mong gawin? Alam mo namang di pwedeng hayaan lang natin ang ganyang pangyayari. And please don’t tell me na maghahanap na naman tayo ng ebidensya at saka ipapakita sa direktor, Hindi yun madali dahil mabilis lang yung mapagtatakpan. Baka tayo pa mismo ang ma kick out.”

                “I know. Kailangan dahan dahan tayo kumilos nito.”

                “Mukhang ayoko makisali sa gulo na yan Mayel.”

                "Candy, we have to. Paano na ang essence ng College kung may ganyang anumalya?”

                “Well, you’re right. Noong una si Prof Mike at ngayon naman ay si Lindo-”

                “Hi Girls! Ako ba ang pinaguusapan niyo?” Napasinghap kami ni Mayel nang makita namin mismo sa mga harap namin si Prof Lindo. Hindi man lang namin siya napansin. Narinig niya kaya kami?
                “Hi Sir! Bati ni Mayel. “Kinukuwento ko lang kay Candy kung gaano kayo kagaling magturo ng Law.”

              “Siguraduhin niyo lang na yan talaga ang pinaguusapan niyo ah.” anito at sabay tumalikod. Nagkatinginan naman kami ni Mayel. Uh oh!

               Pagkatapos na pagkatapos ng klase ko, dumiretso ako agad sa computer shop. Tinext kasi ako ni Mart na doon ko lang daw siya magkikita para sabay na din kaming umuwi. Natagpuan ko siyang naglalaro ng computer games kasama ang iba pa niyang kaibigan. Take note kasama ang pinsan niyang si Joe. “Hi Mart, di pa ba tayo uuwi?” sabi ko sa kanya dahil fifteen minutes na din akong naghihintay.

                “Wait lang Candz ah. Malapit na ‘to, mananalo na kami eh.” tugon niya sa akin na hindi man lang lumilingon. That’s not good. Napagdesisyunan kong maghintay pa ng ilang minuto pero di na ako makatiis.

                “Mart, dami pa akong gagawing projects so I better hurry home na. Mauna na ako sayo.”

               “O sige, ingat ka ah.” Now I can’t believe it. Kahit tumalikod na ako hanggang sa makalabas ako ng computer shop ay di niya ako sinundan. What the??? Mahigit isang linggo na kaming mag boyfriend tapos ganito ang mapapala ko? I don’t think that will be fine with me. Bigla kong naisip, dati inuuna niya naman ako bago ang computer ah. Eh bakit ngayon, parang nagiging threat ito sa amin? Candy, unang beses lang ito. Pag nangyari ulit, saka ka na mag react.

A Campus StoryWhere stories live. Discover now