CHAPTER 03: Away away away.

43.5K 779 99
                                    

ROD

I WAS about to go to the company pero may nakita ko sa labas ng bahay namin. Hindi pa nga ko nakaka-recover sa pangalan na Lenard Montemayor ay may isa pa akong nakita. I composed myself.

"What are you doing here...Vanessa?"

"Hi, Rod."

"I'm asking you...what are you doing here?"

"Pwede ba tayong mag-usap?"

"About what?"

"Alam mo kung tungkol saan ang pag-uusapan natin."

"Vanessa, this is not the right time to talk about that. And I think there's no right time for it. I have to go."

Nilagpasan ko siya pero bigla niyang hinawakan ang braso ko na agad ko rin namang binawi.

"Rod, please? Just twenty minutes of your time."

"No."

Tuluyan na kong tumalikod para pumasok sa kotse pero bigla siyang nagsalita. "Twenty minutes na lang pinagdadamot mo pa? Pero noon I have all of your time. Kahit pa madami kang ginagawa pinipilit mong maibigay ang buong oras mo sa'kin. Pero bakit—"

"Vanessa, please! 'Wag mo nang ungkatin ang nakaraan natin! Tapos na 'yun!"

Nangilid ang mga luha niya. Oh, God. This is my weakness, ang makakita ng babaeng umiiyak sa harap ko. "Twenty minutes lang naman Rod, eh. 'Yun lang naman."

Huminga ko nang malalim. "Okay, okay. Get in the car."


PUMASOK na kami sa loob ng kotse at nakatingin lang siya sa windshield. Sa windshield kung saan nakadikit ang picture naming dalawa ni Chloe.

Bumaba kami sa restaurant na malapit sa company. I ordered a breakfast meal kahit nakapag-breakfast na ko kanina. Tataba ako nito, eh. Mawawalan ng magandang tanawin ang asawa ko.

"You may start now."

"Dideretsuhin na kita, I want you back." By GOT7.

I let out a skeptical laugh. "You want me back? You're impossible, Vanessa. How many times do I have to tell you? I'm happy with her, with my Chloe, my wife."

"Your wife? You're kidding me, Rod! She's not your wife."

Natahimik ako at napalunok. I roamed my eyes, assuring na wala akong kakilala na pwedeng makarinig nang sinabi niya.

"Kinabahan ka ba? Pero tama naman ako 'di ba? She's not your legal wife. Peke ang kasal niyo! So it means I still do have a chance!"

I remained calm but the truth is my heart is already pounding. Walang ibang nakakaalam nito kung hindi kami lang ni Vanessa. But I tried to regain my toughness. "Peke man o hindi, wala tayong pag-asa."

"Hindi ako susuko. Alam kong kahit konti may nararamdaman ka pa para sa'kin. We shared a lot of memories, and I know those memories still have a big impact in your heart."

"Vanessa, please? Stop this non-sense. Ikaw din naman ang dahilan kung bakit nangyari sa'tin 'to. You left me. Ni hindi ko nga alam kung anong naging rason mo, ni hindi ko nga alam na magmamadre ka pala."

"In-explain ko na 'to sa'yo noon, hindi ko ginusto 'yun. Pinipilit ako ni Daddy na pumasok sa kumbento dahil para sa kanya, walang kwenta ang mga anak na babae. Kaya lang naman kita iniwan dahil ayokong masaktan ka, at alam kong naiintindihan mo ako dahil ganun din ang ginawa mo kay Chloe. Iniwan mo rin siya para hindi mo siya masaktan oras na malaman niyang may sakit ka."

MIR 2: My Sweetest Downfall [PUBLISHED UNDER POP FICTION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon