CHAPTER 17: Did He Cheat?

35.3K 566 56
                                    

CHLOE

WE started the day happily, but it was not consistent. Bigla na lang niya kong iniwan sa ere. Paulit-ulit na lang. Buong program nanood siya, sinuportahan niya ko. Pagdating ng auction bigla na lang siyang nawala. Alam ng lahat na may asawa na ko at alam din nila na si Rod ang asawa ko. Pero iba't-ibang lalaki ang nagpataasan ng presyo para lang mabili ako. Bakit? Kasi bigla siyang nawala. Walang paalam, walang pasabi.

"Chloe...you're crying again. Please stop."

Tinignan ko ang lalaking kasama ko sa kotse—ang lalaking nakabili sa'kin. Pinag-drive niya ako papunta sa bahay namin ni Rod.

"Sorry, Lenard. And salamat na rin."

"Nakailang pasalamat ka na ba?"

"Eh, kasi niligtas mo ko. Paano na lang kung ibang lalaki ang nakabili sa'kin? Baka kung anong ipagawa niya sa'kin. Nakakatakot. Knowing na wala ka naman doon noong start ng program, tapos bigla ka na lang lumitaw."

"You don't have to be afraid. You're safe now," he smiled, "and FYI, kanina pa kong nandun. I saw you dancing." Tuluyan na siyang tumawa.

Ginantihan ko siya ng tawa na 'di nagtagal ay naging ngiti. Tama. Safe na ko. I trust Lenard.

Naiintindihan ko naman si Rod kung bakit kailangan niyang umalis. Ang masakit lang, hindi na siya bumalik. Harry told me na may emergency daw sa company nila, though hindi specific kung anong emergency ba 'yun. Nasa backstage kasi ako at nasa kanya ang cellphone ko kaya raw hindi na siya nakapagpaalam.

Wala kong magawa kundi bumuntonghininga.

"That was a deep sigh."

"Pati ba naman paghinga ko napapansin mo."

Natawa na lang siya.

"Dito na lang, Lenard," sambit ko nang makarating na kami sa gate ng subdivision. "Maglalakad na lang ako hanggang sa bahay."

"No. Ihahatid na kita hanggang sa inyo. Don't worry, I won't stalk you and your house."

Natawa ko. "Sira." Wala kong nagawa kundi pumayag sa gusto niya.

Nang bumaba ako ay bumaba rin siya, talagang binantayan ako. Pagkarating namin sa tapat ng bahay ay may bigla akong naalala!

"Uhh, Lenard."

Tumingin siya sa'kin. "Why?"

"May problema, eh."

"What is it?"

"Na kay Rod 'yung susi ng bahay at saka ng gate. 'Yung susi ko naman nasa loob. Wala rin tao sa labas kasi pinauwi na namin 'yung mga maids namin sa province nila. Paano 'yan?"

"Hmmm..." Naningkit ang mga mata niya at hinimas pa ang baba niya. Natawa ko sa inasal niya.

"Alam ko na! Akyatin natin 'yang gate niyo tapos sirain natin 'yung pinto ng bahay niyo."

"Wow! Ang brilliant ng idea mo. Sa sobrang brilliant, nagdadalawang isip akong gawin," puno-puno ng sarcasm kong tugon.

Natawa kami parehas. "We don't have any choice. May malapit bang convenience store dito?"

"Oo meron. Nadaanan natin kanina."

"Doon na lang muna tayo."

And that's what we did. Pumunta kami sa convenience store, naglakad na lang kami. Mabuti na lang at iniwan ni Rod kay Harry ang gamit ko kaya nakapagpalit kagad ako ng damit. Kung hindi baka nakapang-Santa Claus pa rin ang suot ko ngayon. We bought ice cream and siopao.

MIR 2: My Sweetest Downfall [PUBLISHED UNDER POP FICTION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon