CHAPTER 26: This is Supposed To Be Fun

30.5K 680 109
                                    

CHLOE

Two days after the graduation, pumunta kami ng CamSur to celebrate Dianne and Harry's birthday. Soulmate talaga, magkalapit ang birthday. We're going to celebrate our graduation especially magna cum laude ang bestfriend ko!

Aside from us and the Tres Princess, kasama rin namin sina Lenard and Vanessa, at ang dalawang classmates nina Rod and Harry sa Med School na sina Billy and Bong.

Binuhat ko na ang bagpack ko ♫Bagpak bagpack!♫ at lumabas ng kwarto ko. Saktong paglabas ko ay lumabas din si Rod galing sa kwarto niya.

Lumapit siya sa'kin. Mygadd! Ang gwapoooo! Nakapolo siyang bulaklakin tapos nakasando lang sa loob tapos naka-shorts. May nakasabit pang shades sa sando niya. Gwapoooooo!

(。♥‿♥。) [A/N: Cute ng emoticon na 'to XD]

"Akin na 'yang bag mo. Ako na magdadala niyan. Asa labas na raw sina Harry."

"Eh, paano ka?"

"Sunod na lang ako."

"Sige." Inabot ko sa kanya ang bag ko at bumaba na ko. Wala na sina Manang, pinag-day off muna namin tutal three days kming mawawala.

Pagkalabas ko ng gate ay nakita ko silang lahat sa tapat ng van at nagpi-picture tapos nakatripod 'yung camera at nakaself timer. "Tekaaaaaa! Sama kooooooooo!"

Pumunta ko sa kanila at nakisama sa picture. Nagulat ako nang bigla akong akbayan ni Lenard, as in kapit na kapit siya sa braso ko. Napatingin ako sa kanya, parang balewala lang naman kasi nakatingin lang siya sa camera at nakangiti tas 'yung isang kamay niya nakaakbay kay Vanessa.

Then click!

"Wacky naman!" sigaw ni...sino 'tong lalaking 'to? Di ko 'to kilala?

Nag-wacky naman kami sunod pero biglang dumating si Rod kaya nakisali na rin siya.

Nang matapos kaming magpicture-taken, taken kasi tapos na haha, ay pinakilala sa'min ni Harry at Rod 'yung dalawang lalaki. 'Yung isa raw si Billy tapos 'yung isa si Vhong. Teka. Parang pamilyar 'yung Billy at Vhong, ah? Parang naririnig ko 'yun sa TV.

Pumasok na kami sa loob ng van. Van ni Veronica ang gamit, siya lang kasi ang may van sa'min. Eto po pala 'yung pwesto namin.

P I N T O

Veronica Michelle

Barbie

_______________________

Ako Rod| |Billy Vhong

Van Len| |Hary Diane

_______________________

WALA DRIVER

Kawawa naman 'yung driver saka si Michelle, walang katabi. Nagdasal muna kami bago kami umalis. Mahaba-haba rin kasi ang byahe, eh. Aprroximately 6 hours daw. Grabe, ang tagal. Excited na kong matulog.

Matapos namin magdasal ay nagpamigay kaagad ng biyaya sina Vanessa at Lenard. Nagpaikot kagad sila ng Piattos at Tortillos. PAGKAIN!

Tapos sumilip sa'min si Lenard. "Kuya, Chloe, gusto niyo?" Inabutan niya kami ng Pringles kaya kumuha si Rod. "Ikaw, Chloe?" alok sa'kin ni Lenard.

Kukuha sana ko kaso pinigilan ako ni Rod. "'Wag mo nang bigyan si Chloe. Nakadami na ng junk food 'yan kagabi."

"Haha. Sige, Kuya." Tapos umupo na siya ng ayos.

Asan na 'yung pringles? Isa na lamang siyang cute na alaala.

Napasimangot ako at tumingin kay Rod. Ang sarap ng kain niya ng Pringles tapos ako inggit na inggit. Kasi naman, eh!

MIR 2: My Sweetest Downfall [PUBLISHED UNDER POP FICTION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon