CHAPTER 45: Hihi

25.6K 454 145
                                    

CHLOE

"Hello best, bakit?" tugon ko.

"Sama ka mamayang gabi!"

"Saan pupunta?"

"Sa bar, hindi naman 'yung bar na iniisip mo, 'yung bar as in bar. Haha."

"Baliw. Anong gagawin dun?"

"Wala naman, reunion lang natin magkakaibigan, kasama sina Billy at Bong."

"Uhh...kasama siya?"

"Malamang kasama si Rod! Kaibigan siya, eh. Ano? Game?"

"Sige."

"Yehey! Thank you, Best! Love you! See yah!"

Pagkadating ko sa bar ay nakita ko kagad sila at napansin kong wala si Rod. O, tapos? Ano naman kung wala siya? Mas maganda nga 'yun, eh! Umupo ako sa pinakadulo katabi ni Veronica. Grabe pa makasalubong sa'kin sina Billy at Bong.

Masaya naman kami, as in masaya, kaya lang dumating na 'yung epal, eh. Nagtayuan ang mga kasama ko at binati si...sino pa nga ba? Eh, 'di si Rod. At mukhang naghanda pa talaga siya ha? Ang linis na ulit ng mukha niya, nagpaahit at nagpagupit. Saka medyo nababawasan na 'yung fats sa katawan niya. O, tapos? Pake ko?

"Hi Chloe," bati niya sa'kin.

"Hi," sagot ko naman sabay higop sa straw ng iced tea ko tapos tumbling.

"Akala ko kasama mo si Cleo?" tanong ni Harry.

Cleo? Sino 'yun? Bakit kalapit sa pangalan ko? Baliktarin lang ang Chloe, Cleo na, eh. Sino ba 'yun? Akala ko ba kami lang eh bakit may kasama siya?

"Ah, nag-CR lang. Susunod na lang daw siya...Ayan na pala siya, eh."

Tinignan ko 'yung Cleo at punyeta! Ang ganda niya! Ang ganda niyang isahog sa sinigang! Pagkadating niya sa table namin ay nagsitayuan ulit ang kasama ko at binati si Cleo ng "hi", "hello", "long time no see". Eh, 'di kayo na magkakakilala at ako na ang alone dito. Itong lamesa na lang kakausapin ko. Hello lamesa, kamusta ka? Long time no see!

"Uhh, sino siya?"

Saka ko lang napansin na nakatingin pala silang lahat sa'kin kaya napatayo ako. Epal ha, nagge-getting to know each other pa lang kami ng lamesa, eh.

"Ako pala si Chloe—"

"Ohh! Ikaw si Chloe? Hiiiiii!" at biglang lumapit sa'kin 'yung Cleo, ngiting-ngiti, at niyakap ako! At dahil sa stranger siya ay marahan ko siyang itinulak.

"Naku Chloe, I'm so sorry. Na-excite lang ako, eh. You know what? Lagi kang nakekwento sa'kin ni Rod—"

"Oh, really? Wow! Nice! I love it!" Then I rolled my eyes at umupo na ulit. Eh, anong pake ko kung kinekwento ako sa kanya ni Rod? Tinatanong ka ba? Tss. And one more thing, hindi ba siya nao-offend na kinekwento ako sa kanya ni Rod? Ako na ex-girlfriend ni Rod? And siya na present girlfriend ngayon ni Rod? Insensitive bitch.

"Baby, stop torturing her. And please behave. Come here," utos ni Rod dun sa magandang Cleo.

Baby pa ang tawagan? Sus! If I know sasaktan din lang 'yan ni Rod hanggang sa mag-break sila! Baby-akin niya lang ang virginity ng Cleo na 'yun at baby-tawan kapag tapos na sa misyon niya. Baby my ass!

Kaya lang naisip ko, baka hindi na sila mag-break. Sobrang bagay sila sa isa't-isa. Mabuti naman at nakahanap na ng bago si Rod. Kung paano niya nakilala ang Cleo na 'yun eh wala na kong pakialam. Masaya na ko para sa kanya.

Sabi nila reunion daw 'to, eh bakit alone ako dito? Ang saya-saya nila samantalang ako eto, nagle-level up na kami ni lamesa. Nakuha na niya number ko, ite-text daw niya ko mamaya. Tapos nalaman kong lagpas one year na pala itong sina Barbie at Billy. Grabe! Ngayon ko lang nalaman ang tungkol dun kaya tinawanan nila ko. Sus, magbe-break din naman 'yan, hintay-hintay lang. Maya-maya pa lang ay nagulat ako nang may pumunta sa table namin na tatlong lalaki. Sino 'tong mga 'to?

MIR 2: My Sweetest Downfall [PUBLISHED UNDER POP FICTION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon