CHAPTER 1: Respect

62.3K 1K 175
                                    

CHLOE

NAPAKABILIS ng panahon. Tonight will be the night na ipapasa ko na ang crown and title sa next Ms. CS. Our College week is supposed to be every July but due to the changes in the academic calendar, na-move ang pasukan ng August. Na-move rin ng third week of September ang College week namin to give way for our preliminary exam.

"Ang ganda mo, best!"

Nagtama ang paningin namin ni Dianne sa salamin at nagngitian kami.

"It's been more than a year, Chloe. Kapag naaalala ko ang mga ginawa kong kalokahan noon: the way I treated you and Rod, nagsisisi ako. If only I could turn back time, I bet I'll be happier now with Keirvin."

Hindi pa rin siya totally nakaka-move on sa pagkawala ni Keirvin. Hinila ko ang kamay niya payakap sa leeg ko. Isinandal niya ang ulo niya sa ulo ko at pumikit. I feel hurt whenever I see her like this.

"Best, andyan naman si Harry, eh."

Bigla siyang napahiwalay sa yakap at tinignan ako nang masama na para bang tinatakwil na niya ko as bestfriend. "Pwede ba? Ni isang fiber ng pagkatao ng lalaking 'yun wala akong nagustuhan!"

"Ang sama mo best, ah. Eh, patay na patay nga sa'yo 'yun," natatawa kong sambit.

"Stop laughing, Chloe!"

Si Harry na classmate and bestfriend ni Rod ngayon sa Medicine ay nakasabay niyang bumili ng dissecting kit sa bookstore noon. Tadhana nga naman.

There was a knock on the door at pumasok sa loob si Rod. My husband looks so fine sa suot niya. Napakagwapo talaga! He still can give me the same butterflies I felt before kahit pa mag-asawa na kami.

"You look stunning," pambungad niya habang nakangiti.

"I know right, no need to flaunt it," sagot naman ni Dianne kaya natawa kami. "Okay, I'll leave the room. Mauuna na rin ako sa school at kailangan pa ko doon."

Dianne became the president of the College of Science kaya hectic talaga ang schedule niya. Nang makalabas na si Dianne ay tinulungan akong tumayo ni Rod. He held my hand and inikot niya ko until we ended up hugging and laughing.

"Ang ganda ganda mo, Chloe." Kikiligin na sana ko nang humirit pa siya. "Height na lang kulang."

Bahagya akong napahiwalay at tinignan siya on my blandest face. Obviously, nagpipigil siya ng tawa.

"Epal ka alam mo 'yun?" Inirapan ko siya at inunahan nang lumabas.

Nakarating na kami sa school nang hindi kami nagpapansinan. Naiinis pa rin ako sa kanya. Inaano ba siya ng height ko? Nananahimik 'yung height ko! Then everytime I look at him, nakangisi pa!

Pagdating namin sa parking ng school ay lalabas na sana ko ng kotse, pero bigla niyang hinawakan ang kamay ko, then he kissed my knuckles. "Time flies so fast."

"Anong sopas?"

He chuckled. "Kung dati ikaw ang lumalaban, ngayon ikaw na ang magpapasa ng crown." Tumingin siya sa'kin at nginitian ako. "'Wag na tayong mag-aaway ha?" Nginitian ko na rin siya.

"Pero kulang ka pa rin sa height."

"Sasampalin na talaga kita, eh! Diyan ka na nga!"

Lalabas na talaga dapat ako pero hinawakan niya ulit ang kamay ko. "Joke lang, baby." Niyakap na niya kong tuluyan. Bahagya siyang lumayo sa yakap namin. Inilapit niya ang mukha niya sa mukha ko so automatically, pinikit ko ang mga mata ko.

"O? Bakit ka pumikit? Tutulog ka na? Goodnight!"

I opened my eyes. "Alam mo nakakainis ka talaga!" Akmang aalis na ko pero pinigilan niya ko, and with one swift move, inangkin niya ang labi ko.

MIR 2: My Sweetest Downfall [PUBLISHED UNDER POP FICTION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon