CHAPTER 38: Third Climax

23.6K 446 142
                                    

ROD

"BITAWAN niyo ko!" Pilit akong kumakawala sa pagkakahawak sa'kin. My eyes are blindfolded so I don't have any fucking idea where am I.

"Hmmmmm!"

May narinig akong ungol as if the the owner of the voice is being gagged. I was not alone. It might be Chloe! Naramdaman ko na lang na iginapos na ko. I was leaning on a big post at ang mga braso ko ay nakapaikot palikod sa poste at nakatali ang mga kamay.

"Sino ba kayo?! Ano bang kailangan niyo sa'min?!"

Someone removed my blindfold from me. At first nag-a-adjust pa ko sa liwanag then I realized, nasa warehouse ako. Pinagmasdan ko ang paligid at nakita ko sa tabi ko si Harry na nakagapos din sa katabing poste pero may nakatali sa kanyang bibig. Siya 'yung naririnig ko. I also noticed that there are three empty chairs in front of us.

Tinignan ko ang mga kalalakihang nakapaligid sa'min. "Ano bang kailangan niyo sa'min?! Sino ba kayo?!"

"Sila ang mga tauhan ko. And I am their boss."

Napatingin ako sa nagsalita, masyadong madilim ang pinanggalingan ng boses kaya hindi ko maaninag kung sino. Pero nang nakalapit na siya ay hindi ako makapaniwala.

"Lenard?"

He smiled. Isang ngiti na ngayong ko lang nakita sa kanya. "Ako nga...Kuya."

Damn! I still can't believe na aabot siya sa ganito! "A-Anong ibig sabihin n-nito? B-Bakit mo 'to ginagawa? Ano bang nangyayari sa'yo?"

Lumapit si Lenard sa'kin. "Tinatanong mo kung anong nangyayari sa'kin? Bakit? Hindi mo ba alam? Ikaw ang may dahilan kung bakit ako nagkakaganito."

"Lenard oo alam ko, napakalaki ng kasalanan ko sa'yo. Pero Lenard, ako lang ang nagkasala, hindi mo kailangang idamay ang kaibigan ko."

Muling ngumiti si Lenard. "Hindi pa ko tapos, madami pang susunod."

"Ano ba?! Bitawan mo nga ako! Baka bigla kitang mapaglihian kawawa naman ang baby ko! Baka magmukhang inidoro!"

Laking gulat ko nang makita ko ang ilang kalalakihan na may hawak-hawak na dalawang babaeng parehas nakapiring.

"Hoy, sinabi nang bitawan niyo ko! Kadiri 'yang mga palad niyong magagaspang! Lumalapat sa braso ko! Baka matakot si baby sa inyo lumabas sa matres ko ng wala sa oras!"

"Lenard? Ano bang kalokohan 'to?! Bakit pati sina Dianne at Vanessa andito? Lenard, itigil mo na 'to. Dianne is seven months pregnant."

"Rod, ikaw ba 'yan?! Andito rin si Lenard?! Ano bang nangyayari?!"

Tinanggal ni Lenard ang pagkakapiring at takip sa bibig ni Harry at halos mapaiyak si Harry nang makita si Dianne. "Hayup ka, Lenard! Pakawalan mo si Dianne!"

"Harry?! Ikaw ba 'yan?! Honey, help mo ko! Baka mapa-ire ako nang wala sa oras—aray pota! Bakit ka ba nananampal?! Pakyu ka, ah!"

"Masyadong maingay ang babaeng 'yan! Takpan niyo nga ang bibig niyan at tanggalan niyo na rin ng takip sa mata!" utos ni Lenard sa mga kalalakihan.

Sinunod ng mga kalalakihan ang utos ni Lenard. Bakit ganito siya magsalita? Hindi ba niya tinuring na kaibigan ang mga taong 'to? Biglang kumawala si Vanessa at lumapit kay Lenard at pinaghahampas ito. "Hayup ka, Lenard! Napakawalang hiya mo! Napakahayup mo, itigil mo na 'to!"

Hinawakan ni Lenard ang kamay ni Vanessa para pigilan sa paghampas sa kanya. "Ano, Vanessa?! Bumabaliktad ka na?! Magkakampi tayo 'di ba? Pero anong ginawa mo? Umatras ka! Kaya dapat lang sa'yo yan!"

MIR 2: My Sweetest Downfall [PUBLISHED UNDER POP FICTION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon