CHAPTER 37: Second Climax

24K 462 83
                                    

ROD

PINAGMAMASDAN ko si Chloe habang natutulog siya. Walang kakulay-kulay ang labi niya. Hinaplos ko ang buhok niya...

"Bakit hindi mo sinabi sa'kin ang kalagayan mo? Eh, 'di sana...sana lagi kitang nabantayan at hindi na ko umalis sa tabi mo. Sana araw-araw kitang naaalagaan. Alam mo ba? Gustong-gusto kong inaalagaan kita? Gustong-gusto kong inaayos ang gamit mong makalat, gustong-gusto kong ayusin ang higa mo tuwing gabi dahil sobrang likot mo. Chloe baby, sorry ha? I'm so sorry..."

Hinawakan ko ang kamay niya at hinagkan. "Sorry Chloe, hindi ko nagawang iligtas si baby. Sorry."

Muli kong hinalikan ang kamay niya at hindi ko na namang mapigilang umiyak. Sobrang sakit. Hindi man lang siya napagbigyan ng pagkakataong mabuhay sa mundong ito. Hindi man lang namin siya nakasama. Ang sakit-sakit nito para sa'kin at sigurado akong mas masakit ito para sa kanya.

The time na tinulak siya ni Vanessa sa pool, she already had an incomplete miscarriage. Her urine test was positive but her Doppler ultrasound results shows no sign of any fetal heart rate. It means, our baby was not aborted completely the night Vanessa pushed her. The next day she had bleeding, maybe fetal tissues can be seen on the blood but she's unaware of it. She undergo dilation and curettage, a surgical manuever to remove the dead fetus inside her. I cried at the thought.

"Mommy, sana sinabi mo ang kalagayan mo sa'kin, hindi naman kita papabayaan, eh. You don't have to go through this alone."

Muli kong hinaplos ang buhok niya. "Sa paggising mo, 'wag kang matatakot ha? Andito lang ako, andito lang kami. Hinding-hindi ka namin pababayaan. At palagi mong itatak sa isipan mo, na mahal na mahal na mahal kita."

Dahan-dahan kong inilapat ang labi ko sa noo niya at hindi ko na naman napigilan ang pagpatak ng luha ko.

"Hmmm.."

Napatingin ako kay Chloe, umuungol siya at nakita kong gumalaw ang kamay niya. "Chloe?"

Dahan-dahan niyang idinilat ang mga mata niya at nakaramdam ako ng kakaibang saya. Agad akong lumabas ng room at tumawag ng nurse. Nasa labas lang sina Mommy, Daddy, silang lahat dahil hinayaan nila kong mapag-isa muna kami ni Chloe. Dumating na ang nurse at doctor kaya pumasok na rin kaming lahat sa loob. Pinuntahan ng doctor at nurse si Chloe at chineck nila si Chloe. Pero nagsalita si Chloe.

"Baby...baby."

Natigilan kaming lahat. Tama ako, si Ulap ang una niyang hahanapin, pero paano niya mahahanap ang isang inosenteng bata na wala na? Paano namin maipapaliwanag sa kanya ang lahat? Dahan-dahang umupo si Chloe at sumandal sa headboard ng kama sa tulong nina Mama at Papa. Hirap na hirap siyang kumilos.

Hindi ko alam kung bakit hindi ako makalapit sa kanila. Siguro kasi, nahihiya ako. Hiyang-hiya ako sa kanilang lahat.

Iniikot ni Chloe ang tingin niya sa kwarto. "Asan ako? K-Kumusta s-si baby?" Hirap na hirap siyang magsalita pero pinipilit pa rin niya. Hanggang sa nagtama ang mga tingin namin at nag-iba ang ekspresyon ng mukha niya.

"A-Anong g-ginagawa mo dito?"

Kumirot ng matindi ang puso ko dahil sa tanong niyang iyon. Sigurado ako, kinakamuhian na niya ko.

"Umalis ka dito."

Napatungo ako, hiyang-hiya ako sa sarili ko. Ang babaeng sobra kong mahal, pinagtatabuyan ako.

"Umalis ka dito!"

Nataranta ang lahat nang magsimulang magwala si Chloe at sumigaw nang sumigaw. "UMALIS KA DITO! UMALIS KA DITO!"

Pinipigilan na siya ng mga taong nakapaligid sa kanya pero patuloy siya sa pagwawala. "UMALIS KA DITO!"

Halos mamalat na siya sa lakas ng boses niya. Ngayon ko lang nakitang nagalit ng ganito si Chloe. Si Chloe na mabait, na marahan, ay isang Chloe na poot na poot ngayon. Hindi pa siya nakuntento, pinagbabato pa niya ko ng unan na asa hinihigaan niya. Tinanggap ko lahat ng galit niya pero hindi ko magawang umalis. Kahit ipagtabuyan na niya ko, hindi ko siya kayang iwan.

MIR 2: My Sweetest Downfall [PUBLISHED UNDER POP FICTION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon