CHAPTER 33: Pain

25.8K 550 80
                                    


CHLOE 

PAGKALABAS ko sa kompanyang pinapasukan ko ay nakita ko kaagad si Rod. Tinukso ako ng mga kasamahan ko na mas kinikilig pa kesa sa'kin.

Lumapit na ko kay Rod at agad niya kong hinalikan sa buhok. "How's work?"

"Ayos lang. Bakit ikaw pa ang nagsundo sa'kin? 'Di ba sabi ko naman kahit 'yung driver na lang?"

"Ayaw mo ba? "

Ang kyot. "Hindi naman sa ganun. Kaya lang alam ko kasing pagod ka. Nag-enroll ka kaninang umaga tapos dumiretso ka pa sa work mo"

"But you're the only one who can make me feel better again."

"Ang bolerooooo!" Pinisil ko pa ang pisngi niya habang sinasabi iyon. "Tara na nga."

The usual routine: ipinagbukas niya ko ng pinto at siya ang nagkabit ng seatbelt ko.

"You'll always be the Rod I've known way back from College."

Ngumiti sya sa'kin at napansin kong hindi pa siya umaalis sa tapat ko kahit pa sabihing kanina pa niya nakabit ang seatbelt. "I can't wait to have a family with you." Hinawakan niya ang tiyan ko. "Meron na kayong laman 'to?"

"Meron na. Isang kilong kanin, dalawang kilong karne, tatlong kilong isda."

"Hahahaha. Ang takaaaaaw!"

Umayos na siya ng upo at nagsimulang magmaneho. "Dinner tayo sa labas, Chloe."

"Sa bahay na lang tayo kumain, pagod ka na siguro."

"Sige na. Kahit diyan lang sa SM na malapit. Please?"

"Sige na nga."

Nag-drive si Rod papunta sa pinakamalapit na SM at nag-park sa Parking Area. Tinanggal niya ang seatbelt ko habang nakatingin sa'kin. Hindi rin naman maalis ang tingin ko sa kanya.

Bigla na lang siyang natawa na nakangiti na parang ewan. Tapos inilapat niya ang ilong niya sa ilong ko at nag-nose to nose kami! Ang mga obaryo ko parang lalaglag na sa sobrang kilig!

Marahan ko siyang itnulak. "Tara na nga. Nagugutom na ko, eh."

Lumabas na ko ng kotse niya at pumunta na sa loob ng SM. Naabutan ako ni Rod at bigla niyang hinawakan ang kamay ko, as in holding hands. Napakaarte na nitong nararamdaman ko ha. Hindi na tama! Kung kiligin naman ako akala mo highschool student lang.

"Saan tayo kakain?" tanong niya.

"Sa plato."

Hindi nagsalita si Rod. Hindi man lang siya natawa sa joke ko. Samantalang nang unang beses kong narining 'yung joke na 'yun, kakabagin na ko kakatawa.


PUMUNTA kami sa food court ng SM. Akala ko pa naman sa mga restaurant niya ko dadalhin.

"Eto na, baby. Sabi mo gusto mong kumain tayo sa plato? Ayan na."

Tumingala ako para mabasa kung anong stall ba itong hinintuan namin...

|PLATO WRAPPERS|

Anak ng.

Simula sa araw na ito, ipinapangako ko sa sarili ko na hindi na ko magjo-joke sa matatalino.

"Upo ka na dun, Babes. O-order na ko."

Okay.

Umupo na ko sa may vacant table at hindi mawala sa isip ko 'yung joke. Joke talaga 'yun, eh. 'Yung tatanungin ka kung saan mo gustong kumain tapos isasagot mo sa plato. Joke 'yun! Pero bakit hindi na-gets ni Rod. Ang talino niya kasi.

MIR 2: My Sweetest Downfall [PUBLISHED UNDER POP FICTION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon