CHAPTER 21: Additional

30.1K 645 35
                                    

CHLOE

DAHIL sa nangyari sa Daddy ni Rod ay na-confine siya pero dinala rin naman sa bahay para mas madali siyang mabantayan. Nakaka-toxic din naman talaga sa hospital.

Kahit pa may family physician sila and may personal nurse si Daddy ay mas pinili ni Rod na doon muna mag-stay sa bahay nila, kaya almost two weeks na kaming hindi magkasama sa bahay. There are times na doon din ako natutulog pero mas madalas kina Mama ko natutulog.

Ayaw niya rin na madalas akong bumibisita kay Daddy kasi madalas din pumupunta doon si Lenard, and as much as possible, ayaw niyang magkita kami. I can't blame him.

Ako ang napapagod kay Rod dahil bukod sa pagbabantay kay Daddy, nag-aaral din naman siya and may responsibility din siya sa company nila. Nag-resign pa ang secretary niya sa hindi malamang dahilan. As much as I wanted to admire him, mas nahihirapan ako sa situation niya. Gusto ko siyang tulungan, as if naman ang laki nang maaambag ko. Kinailangan pang bumalik ni Mommy sa States since may responsibilities din siya doon.

Nakakalungkot lang na hindi ko madalas nakakasama si Rod, mas dumoble pa ang lungkot ko ngayon kasi napapadalas ang pag-absent ni Dianne.

Pagkalabas ko ng gate ng school namin ay nagulat ako nang makita ko si Rod! Anong ginagawa niya dito? Grabe! Miss na miss ko na siya! Wala akong pakialam kung madaming tao, tumakbo na kagad ako papunta sa kanya, tinalunan ko siya at sumabit ako sa leeg niya. "Roood! Namiss kita! Tatlong araw kitang hindi nakitaaaaa!"

"Sorry, my princess."

Humiwalay ako sa yakap namin at tinignan siya mula ulo hanggang paa. "Ang payat mo na. Bakit ba ang bilis mong mamayat? Saka tignan mo nga 'yang eyebags mo! Maleta na!"

Napangiti siya. "Pero pogi pa rin?" Maski mata niya nakangiti! Ang cuuute!

Hinawakan ko ang pisngi niya at pinisil ito. "Oo namaaaan!"

"Ikaw talaga." Hala kinilig si gago. "Halika na nga. Kailangan mo nang umuwi."

At isinabit ko talaga ang braso ko sa braso niya at para kong linta na kumapit sa kanya. Okay na maging linta kesa maging saging. Apir. Pagkasakay namin sa backseat ng kotse niya ay pumulupot talaga ko sa kanya! Gusto ko na nga siyang pisain, paliitin, at gawing keychain sa sobrang pagkamiss ko sa kanya.

"Miss na miss mo ko baby, ah?"

"Sobraaaaaaa!" at pinaghahalikan ko ang mukha niya!

"Dito naman." Tinuro niya ang lips niya at pumikit pa siya. Wala na kong pake kung may driver! Sunggab kung sunggab!


HINDI ako kay Mama nagpahatid kundi kina Dianne, nag-aaalala na talaga ko sa kanya, eh. Rod decided to join me. Pinatuloy kami ni Tita sa kwarto ni Dianne at bibili raw muna siya ng merienda namin. Syempre pumayag ako, 'pag pagkain hindi dapat 'yan tinatanggihan.

Kumatok ako sa pinto ng kwarto ni Dianne. "Best, si Chloe 'to." Nakarinig pa ko ng mga kalampag bago niya buksan ang pinto. At grabeng mukha 'yan! Parehas sila ni Rod na mukhang stressed at 'di maipinta ang pagmumukha. Mukha siyang nalugi.

"Dianne? Anong nangyari sa'yo?!"

Tumingin siya kay Rod. "Can I have a minute with Chloe? If you don't mind."

"Sure. I'll wait outside."

Mabilis akong hinawakan ni Dianne at hinila papasok sa loob. She closed the door behind me at bigla niya kong niyakap.

"Ano bang nangyayari, best?"

"Chloe, I have to tell you something," I heard sobs between her words.

MIR 2: My Sweetest Downfall [PUBLISHED UNDER POP FICTION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon