Chapter 19: 'Kay

52.6K 1.2K 84
                                    

Chapter 19: 'Kay

 

“Ice cream?” Nakangiti pa rin niyang tanong saakin.

“Huwag kang ngumiti. Ang pangit mo lalo.” Seryoso kong sabi. “Saka ayoko ng ice cream. Gusto ko ng kape pampatanggal ng amats.” Sagot ko sa tanong niya.

“Huwag kang mag-alala. Mas pangit ka.” Tumayo ito saka nauna na siyang maglakad kaya naman maski ako ay tumayo na rin at sinundan siya.

“Umiyak na nga ako tapos sinabihan mo pa akong pangit? Ang ganda ko kaya!” Naasar kong sabi pero hindi niya ako pinansin. Leche siya. Feeling gwapo siya kahit hindi naman.

“Humaba lang ‘yang buhok mo tingin mo naman sa sarili mo ang ganda mo na.” Halata sa tono ng boses niya na natatawa na siya. Bwisit talaga!

“Maganda naman talaga ako, ah! Kaya nga maraming nanliligaw saakin!” Ipinapamukha ko talagang maganda ako pero mukhang nagbackfire ang huling sinabi ko dahil ang bwisit na Damian na ito ay masyadong masakit magsalita.

“Ah! Kaya pala hindi ka gusto ng taong gusto mo. Tsk. Kawawa naman.”

Masyado ng effective ang pang-aasar niya. Nakakabwisit na!

“Dito ka kaya sa harap ko maglakad?” Aniya saka pumunta sa likuran ko. Hindi na ako sumagot at nagpatuloy nalang ako sa paglalakad hanggang sa marating namin ang coffee shop. Dumiretso na rin ako sa bakanteng upuan at hinayaan ko siyang umorder. Siya ang nag-yaya kaya dapat siya rin ang manlibre.

“Buntis ka, e. Dapat hindi ka iniiwan niyang Lance na ‘yan!” Napatingin ako sa kabilang table dahil sa lakas ng boses ni Gail. Yes, si Gail at ang dalawa pa. Mabuti nga at hindi pa nila ako napapansin. Ayaw ko naman na ako pa ang lumapit sakanila. Like duh? Anong sasabihin ko? Hi? As if naman close ko sila.

“Pinayagan ko naman siya saka pinayagan mo rin naman si Seb.” Rinig kong sagot naman ni Sharlot.

“Ikaw Ales? Nagpaalam ba si Kysler sayo?” Tanong naman ni Gail kay Ales.

“Kanya naman ‘yung bar and besides, break na ulit kami.”

“Again?” Parang nagtataka pang tanong ng dalawa. Hindi na sila nasanay sa dalawang ‘yun. Lagi naman silang naghihiwalay kahit noon. Magpapakatay ako ng tatlong baka kung magkakatuluyan ‘yung dalawang ‘yon.

“Si JL ‘yan diba?” Yumuko ako nang marinig ko ang pangalan ko. Kahit kailan ang talas talaga ng mata ni Gail.

“oo nga! JL!” tawag pa nitong si Miyuki.

Tumingin ako sakanila at pinakita ko sakanilang napipilitan akong ngumiti. Damn! Umiyak ako at alam kong namamaga ang mga mata ko!

Agad na lumapit si Ales at saka ininspeksyon ang mukha ko. “Umiyak ka? Mukha kang ngarag! Ang pangit mo ngayon!” Sabi niya saka pa tumawa.

Not So Boy Next Door (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon