CHAPTER 31: Break Down

134 4 0
                                    

CHAPTER 31: Break Down

Rain’s POV

“Hindi mo naman sinabing may sakit ka pala.” –Ako

Nginitian ako ni Vincent pero tumingin din siya agad kay Engot. Nandito kami ngayon sa Hospital, binibisita si Vincent.

“Hindi niyo naman na kailangang malaman. Isa pa, baka bawalan niyo kasi akong sumama. Eh, gusto ko nga sanang sulitin ang mga natitirang oras ko sa mundo kasama si--- kayo..”

Natitirang oras? Bakit ganyan siya magsalita? Wala nabang remedy sa sakit niya?

“Vince.. Ano ba yang sinasabi mo? Tss.” Sabi ni Ethina

“Ok ka na ba Ethina? Naglasing ka nanaman kagabi.. Masakit ba ulo mo?”

May nararamdaman akong hindi maganda sa pagitan ng tatlong to. Kay Ethina, Vincent at Engot. Parang may tinatago sila at pare-pareho silang iwas sa isa’t isa. Parang may mali dito.

“Pag nawala ako, sana maging masaya kayong lahat.”

Bakit siya nagsasalita ng ganyan? Is he saying his Goodbyes? Ayoko ng ganitong feeling. Ang drama, ang bigat sa pakiramdam, alam kong nahihirapan si Engot, hindi dahil mahal niya si Vincent pero dahil naging kaibigan na rin namin siya.

“Mag paheart transplant kana. Hindi mo na kailangang magsalita ng ganyan. Kung gugustuhin mo, magagawa mong mabuhay.”

“Ayokong magpaheart transplant. Sawa na rin ako..”

I can’t believe him. He’s so impossible, he has the chance but still turning it down.

“K-kung… kung mangyayari ba yung Dying wish mo… Magpapaheart transplant ka?”

Napantingin kaming lahat kay Engot. Dying Wish? What dying wish? Now Im sure na may hindi ako alam sa nangyayari. May hindi sinasabi sakin si Engot. At kailangan ko yung malaman.

Tinignan ni Vincent si Engot at nginitian..

“Hindi pa rin..Pero pag nangyari yun, magiging masaya ako. Wala akong pagsisisihan sa buhay ko. At masisiguro kong payapa akong mamamaalam..”

Halatang naiinis na si Engot sa sinasabi ni Vincent. Ako rin naiinis, dahil ang hina niya, pero alam kong iba ang pinanggagalingan ng inis ni Engot.

“Kukuha ako ng pamalit mong damit.” Biglang nagsalita si Ethina.

At tumingin sakin.

“Samahan mo ko. Hindi ako marunong magdrive.”

Ayokong iwan si Engot kaya tinignan ko siya. Pero tinanguan niya ako, ibig sabihin ok lang sa kanya na samahan ko si Ethina. Pumayag siya? Hindi ba siya nag-aalala? Ako at si Ethina? Hindi ba siya magseselos? Hindi niya ba ako mamimiss? Pinamimigay niya ba ako?

Wala na akong nagawa kundi ang sumunod kay Ethina palabas ng Ospital. Habang naglalakad kami papuntang parking lot, tahimik lang siya malalim ang iniisip.

Sumakay na siya ng kotse kaya sumakay na rin ako sa Driver’s seat. Nagdrive lang ako ng tahimik, tho gusto ko siyang tanungin kung anong problema at kung anong bumabagabag sa kanya, siguro hihintayin ko nalang na siya ang unang magsabi.. And hinfi naman ako naghintay ng matagal para dun..

“Ranier..”

“Yes?”

“Pumunta muna tayo sa Bar.. Please..”

Ayoko sana siyang sundin pero she said please and I think she really needs it, kaya lumiko ako and headed sa pinakamalapit na bar na mapupuntahan.

Nung nakarating na kami, agad siyang bumaba ng hindi man lang ako nililingon..

Asungot and Engot: A small ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon