CHAPTER 12: Stop In The Name Of Love

143 3 0
                                    

CHAPTER 12: Stop In The Name Of Love

Charie’s POV

Isang oras na, hindi pa rin bumababa si Asungot, nag sikain na rin kaming lahat.

Pagkatapos ko sa pagkain ko, umakyat na ko kagad, baka kinain na ng inidoro si Asungot kaya hindi na nakababa.

Pag dating ko sa kwarto namin.

“A-ay!Sorry po!”

Napalabas din ako kagad. May babae sa loob ng kwarto namin. Maganda, maputi, kamukha ni Asungot, kapatid niya siguro.

Lumabas siya at nginitian ako.

“Uy Iha! Bat ka lumabas? Haha! Tara dito sa loob.”

Hinatak niya ko papasok at nilock niya yung pinto.

“Kapartner mo ba si Rain?”

Tumango ako.

“Ako nga pala ang Mommy niya. Alam mo you look familiar.”

MOMMY?!!! Waaah!! Siya yung dati?! Yung tumawag na baby kay Asungot nung bata palang kami! Bat siya nandito?

“Ay opo, isa po ako sa mga nakalaro ni Asu—Rain nung mga bata palang kami, ako po yung muntik nang masagasaan.”

“Muntik nang masagasaan? Ikaw din ba yung nag nose bleed?”

-___-

Naalala niya pa yun?

“O-opo.”

“Waahh!! Ikaw nga! You’re so cute.”

Cute?! Aso lang.

Napatingin siya sa pinto ng banyo.

“Iha, haha! Wag na wag mong bubuksan ang pinto pag naliligo si Rain ah? Hindi kasi siya nagla-lock ng pinto pag naliligo, takot kasi siya nab aka may mumu sa loob. Tignan mo.”

Tumayo siya at lumapit sa pinto.

O_O

Binuksan niya yung pinto!

Si Asungot naman nakahatak agad ng tuwalya at naitakip sa baba niya

“MOMMY?!!! ANO BA YAN! MOM!”

“Ano bang tinatakip takip mo dyan? Nakita ko na yan anak!”

Napatingin siya sakin, at nanlaki yung mata niya.

“MOM! NANDITO SI ENGOT TAS--!! AISH!”

Sinarado niya yung pinto. Yung Nanay niya naman.

“Ahahahaha!! Namula siyaaaaa!!”

Sinigawan niya si Asungot mula sa loob.

“Sorry na Baby! Ang cute moooo!!”

“Mom!”

Bumalik na siya sa pagkakaupo niya sa tabi ko sa sofa nang tumatawa.

“Ahaha! Ang cute ng anak ko no? Crush mo ba siya?”

Nanlaki yung mata ko.

“Hindi po.”

“Oh?! Di nga?”

“Hindi po talaga.”

“Waahh! I like you na! Oh well, mauna na ko, inasar ko lang talaga ang Baby ko kaya ako napadaan dito. Actually nandun lang ako sa office at pinapanuod kayo mula sa CCTV monitor haha! Byiee!!”

Kumatok muna siya sa banyo.

“Baby! Una na si Mommy ah! Goodnight!”

Nagkiss siya sa pisngi ko at tuluyan ng umalis.

Asungot and Engot: A small ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon