CHAPTER 3: Nose Bleed

255 4 0
                                    

CHAPTER 3: Nose Bleed

Rain’s POV

“Feeling mo kasi ang ganda mo!”

“Hoy! Wala akong sinasbai ah! Tsaka bakit ba ang lakas mo makalait?! May problema ka ba sa mga pangit?!”

“Wala. Wala pa kasi akong nakikitang pangit sa buong buhay ko. Pero nung nakita kita. Edi meron nga! May problema ako sa mga PANGIT!” sinigaw ko yun sa mukha niya, nagulat siya pero sinigawan niya rin ako pabalik.

“Hanep! AKALA MO KUNG SINONG GWAPO! MAPUTI KALANG OY! HINDI KA GWAPO!”

“Bulag!”

“Anong bulag?!”

Ay di nagets. Engot nga.

“Sabi mo hindi ako gwapo! Bulag kana! Bulag! Baluga!”

Haha! Ano ba yung baluga? Hindi ko naman alam anong ibig sabihin non eh, narinig ko lang pinang-aasar nung iba kong kalaro sa binubully nila.

“Hoy! Hindi ako beluga! Hindi ako sobrang itim no!”

Ah maitim pala ibig sabihin non. Now I know hehe.

“Pangit ka pa rin. Nga pala. Bat ka napunta dito ha? Malapit ba dito bahay mo? Pakita mo nga sakin, mahirap ka rin ba?”

“Bakit ba napaka-matapobre mo? Nakakinis na. Kung ayaw mo sakin, wag mo kong kausapin, lumayo ka sakin. Wag mo kong tignan.”

Uy! Seryoso siya.

Nireplay ko sa utak ko yung mga sinabi ko. Pangit. Mahirap. Medyo hard nga.

“Hindi na.”

“Tss. Hirap pa mag sorry.”

Aba demanding din!

“Sorry.”

“Labas sa ilong.”

At talaga namang! Choosy pa! Ang tangos kaya ng ilong ko.

“Ang arte. Pangi—“

Ok. Sabi ko nga tama na.

Nakaupo lang kaming dalwa hindi na siya ulit umimik kaya tumahimik nalang din ako. Ayoko pa bumalik. Bakit nga ba? Ano pa bang ginagawa ko dito?

Napatingin ako sa langit, naalala ko kanina.. Kiniss niya ko sa cheeks.. Nagulat ako.. Ganun lang yung reaksyon ko pero di talaga ako nagalit.. Tsaka namula ata talaga ako.. Anu yun? Bat ganun?

"Mauuna na ako.."

  Nabalik ako sa sarili ko nung magsalita siya uli, tumayo na siya at pinagpag yung damit niya. nadumihan ata.. Tumayo na rin ako, at nilahad yung kamay ko, nakayuko siya nun kasi nga nagpapagpag siya ng damit niya..

"Ah. Engot. Can we be-- *gulp* can we be friends?"  eh ano to?? nauutal ako? Sa kanya??? Tsaka teka nga! Anung ginagawa ko? Sure ba kong gusto ko siyang maging kaibigan?! Nagkabrain damage na ba ako?

Tinignan niya ako. Nagtataka. Tinignan niya yung kamay ko.

Kukunin mo ba o ano?! Nakakainis hindi ko mabawi yung sinabi ko!

Nangiti siya ng konti. Ang cute niya pala pag nangiti sana palagi na lang siyang ngumingiti..

 ANO?! Sinong cute?!

 >.< eekk! Yung paa ko Cute!

"Bati na tayo." inabot niya ung kamay ko at nakipagshake hands. Parang nag alinlangan pa siya ah.. ABA siya pa CHOOSY???!!

Tsaka ano daw?! Bati na kami?! So ayaw niya makipagkaibigan?! Gusto niya lang bati na kami?!

E ano namang paki ko?! Pangit naman siya. Engot pa. Tsk. Bati lang. Ewan!

Asungot and Engot: A small ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon