CHAPTER 18: Betrayed

154 6 1
                                    

CHAPTER 18: Betrayed

Charie’s POV

Isang buwan na. Hindi pa rin ako makapaniwalang kami na ni Asungot.

Hindi pa rin ako makapaniwalang may nagmahal sakin.

Hanggang ngayon iniisip ko pa rin na baka binibiro lang ako nito. Pero syempre hindi ko sinasabi.

Tatlong araw nalang. Birthday niya na. Kaso hindi ko alam kung anong ireregalo ko sa kanya.

Wala naman akong pera.

Pero syempre dapat may iregalo ako sa kanya.

Ano kaya? Hmm..

Inihatid na ako ni Asungot sa bahay namin.

“See you tomorrow.” Sabi niya

“Sige.”

“Ah Engot, ano—may sasabihin ako.”

May sasabihin siya? Ano naman?

Teka aamin na ba siya na jinojoke time niya lang ako?

Seryoso yung mukha niya. Parang masama yung sasabihin niya. Teka! Hindi pa ready!

“A-ano yun?”

“I LOVE YOU! Haha! Kinabahan ka no?! Mahal na mahal kita Engot! Goodnight!”

Kiniss niya ako sa pisngi at parang batang tumakbo sa loob ng kotse at umalis agad.

Loko yun ah! Takutin daw ba ako!

Kinuha ko yung Cellphone ko (Yes umaasenso may Cellphone na) Tinext ko siya.

*To Asungot:

I love you too. Ingat ka :P*

Napaisip ako bigla.

Ang sweet ni Asungot.

Ano bang pwede kong gawin para naman maging memorable ang birthday niya?

Pakamatay kaya ako? Haha! Joke.

*Calling.. Calvin..*

Oh, yung kaibigan ni Asungot.

>Hello?

>Uy Captain ni Captain!

>Bat napatawag ka?

>Tatanong ko lang kung anong plano niyo sa birthday ni Captain?

>Waaahh!! Patulong!

>Waaaahh!! Saan?

(loko to ah.)

>Anong ireregalo ko sa kanya?

>Ang perlas ng silanganan!

>Boset ka. Ano nga?

>haha! Joke lang! Hmm.. Kahit ano naman basta galing sayo siguradong ikatutuwa yun ni Captain.

>Eee..

>Anong Eee??

>Gusto ko ng kakaibang regalo.

>Regaluhan mo siya ng sanga ng puno. Kakaiba yun.

>Puro ka naman kalokohan eh. Ano bang makakapagpasaya dun? Yung parang katulad nung surprise niya nung nanl—nanligaw siya.

>Wushuu!! Nahiya pa siya sabihin! Ahaha! Sige sige! Bukas magkita tayo. Wag mong sasabihin kay Captain na ako kikitain mo ah! Baka silaban ako nun pagnagselos siya.

>Oo na. Salamat.

*beep*

Sa wakas may makakatulong na rin ako.

Asungot and Engot: A small ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon