CHAPTER 16: I'm your Superman

175 4 0
                                    

CHAPTER 16: I’m your Superman 

Charie’s POV

Tang Orangeee!! Juice Colored! Pisti! Pisti! Pisti talagaaa!! M-MAHAL AKO NITONG MASUNGIT AT MAPANGLAIT NA ASUNGOT NA TO?!! Err-- oo nga! Wala pa namang sinasabi pero--MAY UTAK NAMAN TO DIBA?? Di NAMAN TO SIGURO MANLILIGAW KUNG DI AKO MAHAL NITO!

"I promise you.. From this day on.. My engot..I don’t need to pretend anymore..”

Sana nga Asungot.. Totoo ito.. Dahil aasa ako..

Aasa akong may magmamahal sakin. Aasa ako sayo.

**

at yun na nga! Ang haba haba haba haba ng buhok ko!!

Nagulantang talaga ko dun sa ginawa nung Asungot.. At higit sa lahat nung kumanta siya!

Ang ganda pala ng boses ng loko! Siya na talaga ang anak ni Lord! Syempre anak din ako ni Lord kasi nililigawan na ko nung Asungot na yun! Hohoho!

"..Engot.. I"

"I?? Ay anu??"

"You'll know later.."

Err--later daw? Meron pa mamaya? Di kaya takasan na ko ng katinuan ko sa sobrang kilig??

Inakbayan niya ko at nag-umpisa na kaming maglakad palayo..

“A- Asungot—yung speaker tumutunog pa.”

“Sila Daddy na bahala dyan.”

“Yung bulaklak.” –ako ulit

“Calvin will take it to your house.”

"Y-yung mga t-tao?"

"They can move by their own.. Just stop thinking about them.. It's me you are with.. You should start thinking about me..! Will you?"

Hala! Para naman tong batang nagmamaktol at gustong humingi ng atensyon.

“Pano kung ayoko?” Aba! Nagmaganda!

"Then I'll make you.." sabay kiniss ako sa noo..

Kyaaahhh!! Waaahh!!

Ano??!! Mamamatay na ba ako?! Gusto kong magpagulong gulong sa sahig! Kinikilig ako! Kinikilig ako! Kinikilig ako!! Ano baaa!

Ah ewan!!

Ang saya ko lang ngayon!!

12 na pala ng tanghali..

"Engot.. Let's eat!”

"H-ha? Si-sige.."

Hinatak niya naman ako papunta sa isang Restaurant..

Eekk!! Wala akong pera!! Labas labas!

 “San ka pupunta?”

“Wala akong budget para kumain sa Restaurant.”

“Haha! Baliw! Sino namang nagsabing pagbabayarin kita?! Tara nga dito!”

Hinawakan niya yung kamayt ko at pumasok na kami.

“Sir this way po.”

Sinamahan kami nung Waiter papunta sa isang lamesa na , WOW! Ang ganda, yayamanin!

Dun kami umupo ni Asungot, inabutan nanaman ako ni Asungot ng rosas. Kulay puti naman.

Biglang may tumugtog sa Piano.

Ang ganda. Ang ganda ganda.

Ang ganda nung lugar, ang ganda nung tugtog. Ang ganda nung bulaklak, ang ganda lahat. Ako lang ang naiba.

Asungot and Engot: A small ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon