CHAPTER 23: Ethina & Vincent

163 4 1
                                    

CHAPTER 23: Ethina & Vincent

Charie’s POV

Si Ethina, hindi ko alam kung ano ang totoong motibo niya bakiit niya ako kinausap nung araw na yun. Hindi ko sinasabing hindi ko kailangan ng kaibigan, pero sa palagay ko naman kakayanin ko kahit wala non.

Tumagal ako sa High School ng isang taon ng walang nagiging kaibigan, walang tumuturing sakin na kaibigan. Kahit na isa, dahil pangit nga ako, at hindi din nila ako maaasahan sa mga test kasi hindi naman ako matalino. Karamihan sa kanila may kanya-kanyang grupo at mundo.

Sinubukan ko bang makipagkilala at makipagkaibigan? Nung simula. Naglakas loob akong makipagkilala sa ilan. Yung sa palagay ko ay bibigyan ako ng pagkakataong makilala muna bago husgahan. Pero, sa tingin ko, halos lahat sila ganun. Kinakausap lang nila ako pag napapasama ako sa grupo nila pag may activity, maliban dun, wala na.. Tatlong tao palang sa tanang buhay ko ang kumausap sakin bilang tao sa kabila ng kaengotan at kapangitan ko. Sila Patpat, Yanna.. at yung Asungot na bata noon.

Pero nagkaron ng pagbabago nung Second year High School ako..

*Flashback*

2nd year High School..

1st day ng klase..

“Hoy!” may grupo ng mga babae ang lumapit sakin..

“B-bakit?” tanong ko sa kanila

“Bakit? Anong bakit?” eh? Sabog ba sila? Tinawag tawag nila ako tapos tatanungin ako bakit ako nagbakit?! Ang gulo!

“Bakit niyo ako tinawag?”

“Bakit ang pangit mo?”

Aray naman. Unang araw nabati agad.

“Hindi ko din alam eh.”

“Tsk. Kadiri ka. Ayoko na ulit makita ka naiiintindihan mo?!

Para namang ginusto kong makita mo ko..

Tumango nalang ako sa kanya, atleast diba? May pumansin sakin kahit na papano..

Pumasok na ako sa classroom namin..

Syempre tinginan sila, ang ganda ko kaya. Ho-ho Joke yon.

At syempre, dahil wala naman akong naging kaibigan sa section na to, dun ulit ako sa dulo.. Sabi nila Mama, memorable daw ang High School, madami daw unforgettable experience sa High School. Eto na ba yun? Yung nag-iisa ka palagi at walang kumakausap sayo? Yung hindi ata nila alam na may presensya mo na umaaligid aligid sa classroom?

Ang galing.

Pagkatapos ng klase, syempre break, at kapag break? Syempre rin kakain ako ng mag-isa..

*Pak*

“Aguy!”

“Bisaya ka man day?”

Tanong nung babaeng humampas sakin sa balikat..

Ha? Anu daw?

“E-eh?”

“Tinatanong ko kung bisaya ka. Sabi mo kasi Aguy.”

Umupo siya sa tabi ko at ininuman yung tubigan ko.. Ha?! Bulag ba siya? Hindi niya ba alam na sa pangit yung ininuman niya? Baka mahawa siya sakin.

“Ay ano hindi.. Bumara kasi yung tinapay sa ngipin ko. Kaya siguro aguy yung nasabi ko..”

*Pak* nakakarami na to ah..

“Ahahaha! Nakakatawa ka!! Haha!!” napakunot yung noo ko. Hindi ako nasabihan na nagjoke pala ako.

Asungot and Engot: A small ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon