CHAPTER 14: Manligaw

150 6 0
                                    

CHAPTER 14: Manligaw

Rain’s POV

Lumipas ang ilang minuto, hindi na bumalik sila Engot at Patpat.

Hindi ko na ulit nakita si Calvin.

I decided to head back sa room namin. Total wala naman na yung partner ko. What’s the use of staying.

Pagdating sa kwarto.

“What do I expect? Syempre wala siya dito.”

Naglinis lang ako ng katawan at nagready na para matulog. Ayoko ng kumain, nawalan na ko ng gana.

Why do I feel like I’m hurt? Bakit ganito? Bakit ako nasasaktan? Inamin ko naman na gusto ko siya diba?

Yeah right, inamin ko lang sa sarili ko.

Paulit-ulit na nagpaflashback sakin yung nangyari kanina, at yung sinabi ko sa kanya.

~“Bakit mo kailangang lumayo?! Ano naman kung gusto mo ko?! Hindi ka espesyal para maapektuhan ako sa pag-amin mo. Wag kang mangarap.”~

Ang tanga talaga. Bakit ko ba kasi sinabi yon?! Bakit?! Ugh!

*tok tok*

Engot?!

Si Engot ba yun?!

Tumayo ako agad at pinagbuksan siya ng pinto.

“Oh. Ikaw pala.”

Si Patpat. Yung bestfriend ni Engot.

“Anong ginagawa mo dito?”

“Pwede papasok muna?”

Pinatuloy ko siya sa kwarto naming. Umupo siya sa upuan ni Engot.

“Kay Chababe to no? Siya lang kilala ko na naglalagay ng punda sa unan na baligtad.”

Tinignan ko yung unan ni Engot. Baligtad nga. Ano naming trip nung babaeng yun?

“Maiba tayo. Nakita at narinig namin ang usapan niyo ni Charie. Alam mo ba kung bakit bigla siyang umamin sayo?”

Umupo ako sa swivel chair at nagcrossed legs.

“Bakit?” kailangan pa itanong? Can’t he just tell me?

“Kanina, nung hinalikan ko si Charie sa pisngi—“

Napaiwas ako ng tingin. Kailangan pa bang sabihin yun? Mana siya sa bestfriend niyang Engot.

“What about it?”

“Nakita ko namula ka. Aalis n asana ako non kaso inawan mo rin si Charie kaya binalikan ko siya. Nag-usap lang kami, sinabi ko sa kanya na nakita kitang namula, alam mo, first time kong nakitang kinilig ang bestfriend ko. Alam kong hindi niya pa naiintindihan yun. Pero nakikita ko sa kanya na gusto ka niya. Kinuwentuhan niya rin ako kung gaano ka daw kasungit, minsan naman daw sobra ka kung mang-asar bigla nalang siyang mabubusog sa panlalait mo. Sa sobrang talino mo ang dami mo na nga daw nasabi sa kanya. Pero alam mo? Hindi siya galit sayo. Sa tingin ko nga natutuwa pa siya. Sabi niya kasi, kahit na ano pa daw ang sabihin mo sa kanya, kahit na gaano pa kapangit ang tingin mo sa kanya, hindi mo pa rin siya nilalayuan. Kaya ka nga daw niya natawag na Asungot kasi Epal ka, alam mo naman na daw palang pangit siya pero nandyan ka pa rin.”

~“Ranier Asuncion.”

“Oh ano meron? Kilala na kita.”

“Yun naman pala eh. Oh masaya kana?”

“Eh? Hindi ko gets.”

“Aish! Minsan nga yang kaengotan mo iwan mo naman! Tinatanong mo kung may makikilala kang totoong kaibgan diba?! Kaya nga ako nagpakilala! Tsk.”

Asungot and Engot: A small ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon