Special Chapter - Power of Love

17.1K 245 14
                                    

[a/n: Hello guys! Last SC na po to. Sana po magustuhan ninyo.]

Jasmine's POV

"Baby JN. Wah! Ang cute cute mo talaga." sabe ni sabay yakap sa baby ko. Hehehe.

Nilalaro ko si JN habang hinihintay si Nathan. Kakain kasi kami sa labas e.

"Ma'am." tawag sakin nung isa sa nga kasambahay.

"Oh? Bakit?" tanong ko. Binaba ko muna si JN sa sofa.

"May nagpapabigay daw po sainyo." sabe niya. Itim sa kahon?

"Huh? Sino daw nagbigay?" tanong ko.

"Iniwan nalang po dun sa gate na may sulat po na para sainyo daw po tong kahon." nagtaka naman ako sa sinabe niya.

"ah... sige... akin na." sabe ko sabay kuha nung kahon. Bakit ang lamig?

Tinignan ko muna si Baby JN bago binuksan.

O______O

"KYAAAAAAAHHHHH!" sigaw ko sabay bato nung kahon.

"A-Ano y-yan? B-Bakit m-may ganyan?" tanong ko habang nanginginig.

Ang laman ng kahon ay isang patay na fetus na nakabalot sa tela na may dugong nakapaligid.

"Jass? JASS!" dumating na si Nathan. Nung nakita niya ako, agad siyang lumapit sakin.

Niyakap niya ako. Nanginginig parin ako sa takot. How cruel is that? Sino naman ang magpapadala nun sakin?

"Uwaaa!!! Uwaaa!!!" umiiyak na si JN. Niyakap ko si Nathan.

"Yaya, pakidala naman po muna si JN sa kwarto niya." sabe ni Nathan dun sa yaya ni JN. Agad namang kinuha si JN at inakyat.

Bumitaw muna saglit sakin si Nathan at tinignan yung kahon.

"Shit." rinig kong sabe niya pagkatingin sa kahon.

Kinuha niya yung kahon at chineck.

May kinuha siyang papel sa loob at binigay na dun sa kasambahay yung kahon.

"Sunugin niyo yang kahon na yan kasama yung laman." sabe niya sa kanila.

Lumapit siya sakin. "Jass, shh... tama na. Nandito na ako." sabe niya. He caressed my hair.

"N-Nathan. N-Natatakot ako para kay JN. S-Sino naman kaya ang n-nagpadala nun?"

"Shh.... I'll look for that bastard. Don't worry, Jass. Walang mangyayaring masama kay JN." kampante niyang sagot.

Pero alam ko din deep inside, nagaalala siya sa anak namin. Patay na ang Santos brothers, so sino naman kaya itong manggugulo samin ngayon?

Binabasa na ni Nathan yung sulat. Nagiba ang expression niya.

"Nathan?" tawag ko sa kanya. Tumingin naman siya sakin.

"Ano nakalagay sa... sa sulat?" tanong ko. He shook his head.

"Wala. Ako na bahala. Wag ka na magalala, okay?" sabe niya and he kissed my forehead.

Tumayo siya at aakmang aalis kaya agad kong hinawakan ang kamay niya.

"Saan ka pupunta?" tanong ko.

"May aasikasuhin lang ako."

Umiling ako. "No, dito ka lang, please?" biglang umamo ang mukha niya. He sighed and nodded.

"Tara sa taas. Magpahinga ka na." sabe niya sabay alalay sakin.

Medyo kumalma ako sa pagpayag niya na dito muna sa tabi ko.

Secretly Married To A Gangster (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon