Chapter 9

23.6K 452 6
                                    

Saturday Morning.

Nagising ako sa sinag ng araw na tumama sa mukha ko. Umupo ako sa kama at nagstretch. Kinuha ko yung phone ko sa desk at napasimangot. Wala pa'ring reply o tawag manlang.

Pinatong ko na ulet yung phone sa desk ko at pumunta sa banyo para maligo. Pagkatapos ko maligo nagbihis na ako at bumaba.

Pagkababa ko hinanap ko kaagad si yaya.

"Yaya? yaya." tawag ko pero walang sumagot.

Dumeretsyo ako sa kusina pero nagulat ako ng may itim na usok na sumalubong sakin.

"*coughs* A-Ano bang nangyayari? *coughs*"  napatakip ako ng ilong at bibig.

"Jass! lumabas muna tayo sa kusina, dali." bigla nalang may humila sakin.

"*coughs*" inubo tuloy ako sa usok. Ramdam kong hinahagod niya likod ko.

"Okay ka lang, Jass?" I glared at him.

"Ano bang ginawa mo sa kusina?! Bat umuusok!?" galit kong tanong. Napa kamot siya sa ulo.

"Magluluto sana ako ng breakfast. Kaso... nasunog yung niluluto ko." nahihiya niyang sabe. I sighed.

"Kailangan natin linisin yung kusina!" sabe ko sabay punta sa kusina. Pinatay ko yung stove at nilagay yung kawali sa lababo.

Binuksan ko yung bintana at pinto para mawala yung usok. Nilibot ko yung mata ko sa paligid ng kusina.

"What a mess!" I exclaimed. Nagsimula na akong ayusin ang mga kalat.

"Jass? " rinig kong tawag ni Nathan.

Di ko siya pinansin at nagpatuloy lang sa paglilinis.

"Jass, sorry na." hinawakan niya yung braso ko pero inalis ko din. Ang hilig talaga niya magkalat!

"Jass, sorry na. Gusto ko lang magluto ng breakfast......para sayo."

Napatigil ako sa pagpunas nung table. Anong sabe niya?

"Uy, Jass. Sorry na talaga. Sorry din kung hindi kita nareplayan kagabi o sinagot mga tawag mo. Sorry."

Binato ko yung pamunas sa kanya. "Linisin mo yang kalat mo. Aakyat na'ko."

Naglakad na ako palabas ng kusina. Hahakbang na sana ako sa hagdan ng bigla niya ako hilahin at niyakap.

"Jass, I'm sorry. Gusto lang talaga kita lutuan ng breakfast." malungkot niyang sabe.

Hindi ko pinansin sinabe niya at nagpupumiglas ako, pero ayaw niya akong bitawan.

"Nathan, ano ba!? B-bitawan mo nga ako!" pagpupumiglas ko.

"Ayoko! Hangga't di mo ko pinapatawad hindi kita bibitawan."
      
At mas lalo pa nga niya hinigpitan yung yakap niya.

"A-aray! Ano ba Nathan, nasasaktan na ako!"

Niluwagan niya yung pagkakayakap niya. "Sorry. Bati na tayo, Jass. Ha?" hindi ako sumagot.

"Jass naman, bati na tayo. Sorry kung nagulo ko yung kusina. Sorry din kung di ako nakapunta sa dinner kagabi at sorry kung di ko nasagot mga tawag mo. Sorry na."

I sighed."Fine, kaya bitawan mo na ako."

Binitawan naman niya ako pero hawak hawak parin niya yung dalawa kong braso.

Secretly Married To A Gangster (Editing)Where stories live. Discover now