Chapter 26

19.3K 315 4
                                    

"Teka, sino bang SIYA ang tinutukoy niyo??" tanong ko sa kanila. Tinignan nila akong tatlo at nagtinginan. Ano bang meron?

"Ano? Sino nga!" tinitignan pa nila ang isa't isa na para bang sinesenyasan kung sino magsasabe. Tsk! ano ba naman yan e.

"ano? magtuturuan nalang kayo jan?!" inis na tanong ni Summer.

"Luc?!" tawag ni Summer. Hmm ....ano kaya ang relasyon ng dalawa na to?? Parang may something e. Hehehehe---teka! Wala akong time para kiligin. Psh. 

Ayun, ganun parin yung tatlo. Nagtuturuan. Tch.

"ANO BA! MAGKWEKWENTO BA KAYO O HINDI?!" yan, sa inis ko di ko na napigilang sumigaw. Napa buntong hininga naman si Nathan.

"Okay, ako na." huminga muna siya ng malalim.

"Si Himiko. Himiko Asakura. Bestfriend and childhood friend ni Yano ..." 

"Oh? ano namang problema d---" 

"And Yano's ex girlfriend." nanlaki ang mga mata namin sa sinabe ni Nathan. Akalain mo? Nagka-past relationship na pala si sungit noon?

"Wait! totoo ba yan? Nagka-ex na si Yano?" gulat na tanong ni Summer.

"Grabe, Summer ha. Para mo ng sinabe na hopeless romantic tong kaibigan namin." Luc.

"Bakit hindi ba?" mataray na tanong ni Summer. Napa kamot nalang ng ulo si Luc. Hahahahaha! tong dalawang to talaga.

"oh, ex niya? What's the big deal about it? May iba pa bang dahilan kung bakit ganyan kayo makareact?" Kamille. Smart move. 

Nagkatinginan yung tatlo sabay tingin kay Yano na nakatulog na sa sofa. Siguro, sobrang pagod to. Hay!

"First love, first kiss, first heartbreak, first everything ni Yano si Himiko." Carl.

"Nagtagal sila ng 2 years, pero ...bigla nalang nawala si Himiko na parang bula. After ng anniversary nila." Luc.

Nawala na parang ...bula?? what?

"she disappeared without a single word. Pero makalipas ang isang taon, naka tanggap kami ng balita na nasa London si Himiko. Nakita siya ng parents ko." Nathan.

"Yano was devasted nung nawala si Himiko. He was a total mess. Lagi siyang naglalasing at nakikipag laro sa mga babae. Pero, nung nalaman niya yung balita, he turned to a cold hearted Yano. Lahat kami nagulat sa pagbabago niya." Carl. Wow.

"Its been 3 years nung nabalitaan nateng nasa London siya. After nun, wala na. Pero ...."
Lahat kami napa tingin sa natutulog na si Yano.

"Siguradong masakit para sa kanya na malamang nagbalik na siya. Alam naming hanggang ngayon di parin siya nakaka-move on. Ikaw ba naman iwanan ng tao mahal mo ng walang pasabe, sinong di masasaktan dun." Carl.

Oo, masakit yun. Masakit ang iwanan ka ng taong mahal mo ng walang pasabe. Ganun pala ang storya ni Yano. 2 Years na kaming magkakilala pero wala parin akong alam tungkol sa kanya. Yun pala, ganun kasakit ang nakaraan niya. Kaya pala wala siyang girlfriend at di siya close sa mga babae.

***

"Okay nga lang. Tumuloy na kayo. Ako na bahala sa problema ko." Yano. 

Napagdesisyunan kasi namin ni Nathan na wag na tumuloy sa Hawaii. Para naman matulungan namin tong si Yano sa problema niya.

"Kaya nga, Jass. Tumuloy na kayo ni Nathan. Kami na bahala. Tutulungan namin si Yano." Summer. Grabe ah. Bat parang feeling ko pinagtatabuyan nila kami. -_____-

Secretly Married To A Gangster (Editing)Where stories live. Discover now