Chapter 1

52.2K 862 10
                                    

"What the hell! Ano ba yan Nathan! Hindi ka ba marunong maglinis?! Sh*t naman oh!"

"Ano ba?! Ang ingay ingay mo! It's fucking 6 in the morning! Will you shut up!" sabe ng magaling kong asawa. Yes, asawa. As in HUSBAND.

"Alam mo! Di ako mag-iingay kung nilinis mo manlang yang mga kalat niyo kagabi!"

"Sh*t! Okay fine! Lilinisin ko! Pero maliligo muna ako pwede ba?!" sabe niya sabay akyat.

Grabe! Pwede naman kasi mag-inom sa ibang lugar, bakit kasi dito pa sa bahay. Magkakalat dito tapos di rin naman kayang linisin. Nakakainis talaga.

Oh yeah, I forgot to introduce myself.

I'm Jasmine Loyis Robert-Carson. Yes, I'm a Carson. Kasi kasal na kami ng bwisit na gangster na yun. Yep, his a gangster. Kasal na kami for 1 year. We're both half american. My parents and his are bestfriends since highschool. Kaya in-arranged marriage nila kami.

Kaya nila ako pinakasal sa kumag na yun ay para baguhin siya. His been like that since elementary pa siya. Wala na daw yan ginawa kundi makipag basag ulo. Palagi nalang din daw pinapatawag ng school ang parents, minsan suspension at minsan expelled. Ang di ko maintindihan bakit ako pa? Pwede naman ibang babae nalang. Bakit ako pa maghihirap para lang magbago yung lalake na yun. Hindi nga kami magkasundo. Araw araw kami nagbabangayan.

I sighed. Ano pa nga ba, syempre ako rin naman mag-aayos ng kinalat nila. Alam ko namang di niya gagawin din e. Ang hirap niya kasama sa bahay. Buti nalang talaga hindi kami pumayag na mag-sama sa iisa kwarto kahit ini-insist ng parents namin.

Kawawa naman tong dress ko. Nakakaasar. Nakabihis na ako pero ito, naglilinis pa rin ako. Wala pa kaming kasambahay ulit dahil yung huling kasambahay namin umalis dahil sa takot samin kada mag-aaway kami.

Pinupunasan ko nalang yung table ng bumaba siya. Natigilan ako sa ginagawa ko at napatitig sa kanya. He looks hot--wait! what?! pero, totoo naman eh. Pogi talaga siya. In fairness naman sa kanya magaling siya pumorma at mabango. Matalino din siya, tamad lang.

He smirked. "Nagwagwapuhan ka sakin noh? Well, I can't blame you. Gwapo naman talaga kasi ako eh. Girls love me. Kaya maswerte ka dahil naging asawa kita. Pero syempre, secret lang naman yun." he boastfully said.

Umiwas ako ng tingin. "Kapal mo! Di ka gwapo noh. Feelingero ka naman. And FYI lang ha, hindi ako maswerte na ikaw ang naging asawa ko! I don't like you noh! In your dreams." sabe ko sabay balik nung pamunas sa lalagyanan.

He laughed and took his car keys. "Tara na, baka malate pa tayo. Ayoko mapagalitan." sabe niya sabay labas. Naghugas lang ako ng kamay at lumabas na ng bahay. Ni-lock ko muna yung buy bago pumasok ng kotse. Pagkasuot ko ng belt agad na niyang pinaandar yung kotse.

"San ba daw tayo magkikita kita?" tanong niya. Tinignan ko yung text ni mommy sakin.

"Sa church na daw mismo. After nun, saka daw tayo kakain." sabe ko. Tumango nalang siya. Tumahimik lang kaming dalawa.

After 20 minutes. Nakarating na din kami sa church. Nandun sa sila mommy at si Nikki, younger sister ni Nathan.

"Hi Mommy! Daddy!" sabe ko sabay hug sa parents ko at syempre, pati ang parents ni Nathan.

"Hello po, mommy Mich. Daddy Steven." sabe ko sabay beso.

"Hi ate Jasmine!" sabe ni Nikki. Naghug lang kami. Si Nathan naman, ganun din ginawa sa kanila.

"So, lets go na?" tanong ni mommy. Tumango nalang kami at pumasok sa loob ng church.

Nagsimula na ang misa. Nakikinig lang kami. Pero yung katabi ko, natutulog na. Worst, nakapatong pa yung ulo niya sa balikat ko. Napansin naman ni mommy si Nathan.

"Oh, puyat ba si Nathan?" I nodded.

"Nag-inuman po kasi sila kagabi ng barkada niya eh. " sabe ko. Tumango nalang si mommy.

Buong misa, tulog lang siya. Kaya di ako nakakatayo kapag kailangan.

After Mass

Nang matapos ang misa nagpadesisyunan nalang namin na kumain sa restaurant na malapit.

"Oh, bat ang tahimik niyo? Nag-away nanaman ba kayo?" tanong ni mommy Mich. Nginitian ko lang sila.

"Nako naman, kayo talaga. Wag na kayo mag-away." sabe ni daddy Steven.

"Ah, oo nga pala. Nakahanap na kami ng bago niyong kasambahay. Be sure, na this time hindi na to aalis ha? Please naman, bawas bawasan niyo yung away niyo. Naiintindihan naman namin kayo eh. Pero please?" sabe ni mommy with pleading eyes.

Nagkatinginan kami ni Nathan. Tumango nalang kami. Pero sure ako ganun parin kami. Hindi naman kami nagkakasundo neto kaya pano namin maiiwasan na di mag-away. Nagpatuloy nalang kami sa pagkain.

After namin kumain, nagshopping naman kami. Wala akong sa mood mag shopping kaya 3 paper bags lang dala ko. Kapag nasa mood ako mga 6 o 8 ang dala ko. Ganun ako. Pero, wala namang pake ang parents ko. Nag-ikot lang kami ng nag-ikot hanggang sa wala na kaming makitang gusto nila puntahan. Nagpaalam na kami ni Nathan na uuwi na kami. Pumayag naman ang parents namin at pinauwi na kami.

Tahimik pa rin kami kahit sa byahe. Walang kibuan. Nang makarating kami sa bahay. Dumiretsyo ako kaagad sa kwarto ko at humiga.

"Wah! Kapagod." nakatingin lang ako sa ceiling nang may kumatok. Binuksan ko yung pinto. "Bakit?" I asked.

"Oh, pinabibigay ni mama sabe niya ako na daw magbigay sayo." inabot niya sakin ang isang red na paper bag. Pagkatapos nun umalis na siya at pumasok sa kwarto niya.

Sinarado ko na yung pinto. Tinignan ko yung laman nung paper bag. "MACAROONS!" sigaw ko. Favorite ko to! Alam ni mommy Mich yun. Waahh! Tatlong box ang binigay niya sakin. Binuksan ko yung isang box at kumuha ako ng isa. "Hmmm...SARAP!" tatawagan ko mamaya si mommy Mich para magthank you.

Nathan's POV

After ko ibigay yung paper bag kay Jasmine pumasok na ako kaagad sa kwarto ko at humiga sa kama. Inaatok pa talaga ako. Naramdaman kong nag-vibrate ang phone ko. I fished out my phone.

FROM: Carl

Bro! Sama ka? Punta kami club nila Luc. Maghahanap daw ng chix. Ano sama ka?

-end-

Tong mga to, wala nang ginawa kung hindi maghanap ng chix. Wala naman ako sa mood ngayon. Tinext ko nalang siya na hindi ako sasama na inaantok pa ako. Nagreply naman kaagad yung g*go.

FROM: Carl

Wow! First time tumanggi? Natatamaan ka na ba? Hahaha!

-end-

"G*go." I murmured while smiling. Nireplayan ko nalang siya.

TO: Carl

G*go! Hindi noh! Aga aga kasi ako ginising ni Jasmine. Sinermunan pa ako kanina. Wag kayong makulet! Inaantok pa ako. Sa susunod nalang.

-end-

FROM: Carl

Ah, si JASMINE! O sige. Suit yourself. Kita nalang bukas.

-end-

Hindi na ako nagreply at nilagay ko nalang yung phone ko sa desk. Inaantok na ako. Siguro, matutulog na muna ako.

Secretly Married To A Gangster (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon