Chapter 11

22.8K 399 5
                                    

Jasmines POV:

"Tara na." sabe ni Nathan sabay hila sakin.

"Eh--teka! san ba kasi tayo pupunta!" ang aga aga ako nito ginising tapos pinaligo ako kaagad. Pasalamat siya walang pasok ngayon.

"Basta. Kailangan mo magaral ng self-defense." sabe niya sabay tulak sakin papasok ng kotse. Brutal ha!

"Self-defense?! para saan naman yun?! Gusto mo talagang masaktan ako eh noh!" sabe ko. Ini-start na niya yung kotse at pinaandar.

"Stop whining! Pwede ba! Makinig ka nalang. Kailangan mo din to! Kailangan mo matuto para di ka mapahamak!" I stomped my feet. Nakakaasar! Bat kasi kailangan pa yun!

"Jass, makinig ka." his calmer now. Nagdra-drive parin naman siya.

"Hindi sa lahat ng oras eh kasama mo kami, o ako. Kaya kapag nasa panganib ka, kailangan mo din ipagtanggol ang sarili mo. Ayokong mapahamak ka. Kaya we're gonna teach you how to fight. Kaya wag ka na magreklamo, pwede ba?" di nalang ako nagsalita. I crossed my arms at binaling nalang yung tingin ko sa labas.

He sighed. Tumigil yung sasakyan. Red light. Naramdaman kong hinawakan niya yung kamay ko.

"Jass. Please wag na matigas ulo. Kailangan mo talaga to. Ayokong makuha ka nila. Ayokong saktan ka nila. Ito nalang ang magagawa ko para sayo. Please, Jass. Pumayag ka na." I looked at him. Seryosong seryoso siya. Bigla naman bumusina yung kotse sa likod. Green light na pala.

Pinaandar na niya ulet yung kotse. Hawak parin niya yung kamay ko. I looked down. Well, sa tingin ko okay lang naman eh. Atsaka....

Ayokong makuha ka nila.

Ayokong saktan ka nila.

Ito nalang ang magagawa ko para sayo.

Please, Jass.

Ginagawa niya to para sakin. Ayaw niyang mapahamak ako. Ayaw niyang makuha nila ako. Bakit? ano ba mangyayari kapag nakuha nila ako? At wait! Sinong 'nila'? yun ba yung nagpadala nung sulat? Pero, siguro kailangan ko din yun. Ayoko naman din kasi umasa nalang sa kanila. Mas lalo na sa kanya.

"Sige." sabe ko. He sqeezed my hand.

"A-anong sige?" slow!

"Sige. Payag na ako. Basta pangako mo na di ako magkakapasa o sugat." sabe ko. Nakita ko naman na kumunot yung noo niya.

"posible ba yun?" tanong niya. I sighed. Oo nga naman. Imposible yun. lol. Utak ko kasi ehhh!

"fine." sabe ko sabay pout. He let go of my hand and pinched my cheek.

"Eekk! Aray ha!" sabe ko sabay palo ng kamay niya. He chuckled.

"Cute mo kasi eh. Hahahahaha!" loko loko! Cute daw? well....ang alam ko kasi maganda ako eh. Cute din pala ako? Hahahahahahaha! Joke lang.

"Magdrive ka na nga lang! Dami mong sinasabe eh!" pagiiba ko. Nakakaasar eh! Bat ganun pag siya ang nagsasabe nahihiya ako. Di naman ako ganito pagiba ang nagsasabe.

I heard him chuckled. Psh! mga ilang minuto lang, nakarating kami sa isang building. Color grey yung building. Hindi naman mukhang luma. Hindi din nakakatakot.

Bumaba na kami sa kotse. Sinalubong kami ng isang blonde na lalake. "Kompleto boss." sabe niya. Boss? Ahh.. si Nathan. Teka! So.....itong ang hide out nila? Di mukhang hide out ah.

Pumasok na kami. Malinis naman. Pumasok kami sa isang kwarto---WHAT?! ang daming lalake! Pero infairness...ang gwa-gwapo! Sama ko nga minsan sila Summer at Kamille. Siguradong mage-enjoy yung dalawang yun dito. Hahahahahaha!

Secretly Married To A Gangster (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon