Chapter 44

15.4K 276 1
                                    

Himiko's POV:

Umakyat na si Jass sa taas. Mukhang di siya pleased na nandito tong tatlo. Mukhang ine-expect niya na si Nathan ang pupunta at hindi tong tatlo.

"mukhang disappointed si Jass." Summer. Nakasandal lang ako sa pader habang naka cross arms.

"Panong hindi, e mukhang si boss ang gusto niyang makita." sabe nung Phil.

"Hayaan niyo na muna si Jass. Buntis yan e. Syempre ang gugustuhin niya makita e yung asawa niya at ama ng anak niya." Kamille. Napabuntong hininga nalang kami.

"Pano nalaman ni Nathan na nandito si Joshua?" tanong ko. Tinignan naman nila akong tatlo ulo hanggang paa.

Tinaasan ko lang sila ng kilay.

"Ikaw ba si Himiko?" tanong nung Adam.

"So?" mataray kong tanong.

"so ikaw yung fiance ni Yano?" Phil.

hindi ko siya sinagot. Tinitigan ko lang sila. Hindi ba obvious? Duh! Psh.

"Ano ba kasi pinunta niyong tatlo dito?" singit ni Summer.

"pinapunta nga kami ni boss para bantayan kayo." Sabe nung Migs.

"bakit hindi manlang nila sinabe? Dapat nagtext o tumawag manlang sila." patampong sabe ni Summer.

"busy kasi sila ngayon. Marami silang inaasikaso." paliwanag nung Adam.

"Miss ko na si Babe!" nakangusong sabe ni Summer.

"ako din. Miss ko na si baby ko." Kamille. Napatingin naman kami sa kanya.

"kayo na?" tanong namin ni Summer kasama na din pala yung tatlong lalake.

"Hindi pa!" Kamille.

"e bakit may endearment na kaagad kayo?" tanong ko. She shrugged.

napailing nalang kami. "Ayaw pa kasi sagutin." Summer.

"Eh! gusto ko personal ko siyang sagutin." nakangusong sagot ni Kamille.

"Psh. Arte. Bahala ka, maunahan ka." Summer. Nangasar pa to.

"Hindi mangyayari yan, noh. Subukan lang niya. Mata niya lang walang latay." sabe ni kamille.

Natawa nalang kami. Tapos bigla nalang sila napatingin sakin. Tumigil ako sa pagtawa at kumunot ang noo ko.

"oh? ano meron?" nakakunot noo kong tanong. Ngumiti sila ng nakakaloko.

"Eh ikaw ba? Wala kang namimiss, Himiko?" nakangiting tanong ni Summer.

"What? Wala." deretsyo kong sagot.

"Kahit si... Yano?" sabay na tanong nung tatlong lalake. Tinignan ko sila ng masama. Napatikom sila ng bibig.

"woosh! Ano? di ka makasagot?" tanong ni Summer. I glared at her. Tumawa lang ang loka.

I rolled my eyes. Hilig nitong mga to na asarin ako.

"Yiieeee..... namimiss niya." pangaasar nilang lima. Tinignan ko lang sila ng masama. Wala, tumawa lang.

Tsk. Kaasar. E sa ayaw na nga niya sakin e. Ayaw na din niya pakinggan yung paliwanag ko.

Lagi nalang niya akong pinagtatabuyan. Ang sama! Huhuhu. T3T

Miss ko na ang dating Yano. Yung charming, sweet, gentleman, approchable, humble, cute, lovable, caring, happy-go-lucky na lalake na yun.

I want my first love, first boyfriend and my first kiss, back. I want the old him, back.

Hindi ako nagsisising iwan siya noon. Dahil yun ang tama. Pero, naging close minded siya dahil sa nangyari.

Secretly Married To A Gangster (Editing)Where stories live. Discover now