Chapter 12

24.9K 446 4
                                    

Jasmine's POV:

*yawns* umupo ako sa kama. Kakagising ko lang. Tinignan ko yung oras, 5:25 na? Tumayo ako at bumaba. Pagkababa ko nakita ko si Nathan na naka upo sa sala.

"Hey." bati niya.

"Hi." sabe ko sabay punta sa kusina. Binuksan ko yung ref at kumuha ng tubig. Pagkatapos ko uminom, pumunta ako sa sala.

Umupo ako sa other side nung sofa. Nanunuod siya ng movie sa HBO. Di ko alam title eh. Action ata? may barilan and stuff, eh.

"Okay na ba mga braso mo?" tanong niya without even looking at me. Tinignan ko siya saglit at binaling ulet tingin ko sa tv bago sumagot.

"Medyo." tipid kong sagot.

"Nasan si yaya?" tanong ko.

"Grocery." tipid niyang sagot.

Di na ako sumagot. Tahimik lang kaming nanunuod. What a life! Kaninang umaga lang eh ang ganda ganda ng mood niya, ngayon....wala na! Psh. Bipolar.

"Sinong bipolar?" sh*t! narinig niya.

"Yeah I heard it loud and clear." sh*t! sh*t. Dapat sa isip ko lang yun eh. I glance to him and back to the movie.

"Ikaw?" sagot ko. I can see in the corner of my eye. Nakakunot ang noo niya.

I sighed. "Just....forget about it. Wala lang yun."sabe ko. Tinignan ko siya. Nakatingin siya sakin. I diverted my eyes.

Tumayo ako. "Ahh...sige. A-aakyat na ako." sabe ko sabay lakad palayo. Kaso, bigla nalang niya ako hinila dahilan para maupo ako sa lap niya.

"A-ano ba!" sabe ko habang pinipilit na umalis. He tighten his grip. Yung left arm niya naka pulupot sa waist ko. Yung right hand niya naka hawak sa right hand ko.

We looked at each others eyes. I don't know what's happening. Ang weird! Ang lakas ng tibok ng puso ko. I feel butterflies in my stomach.

His leaning closer. Palapit siya ng palapit. 3 inch...2 inch....1 inch... and....

*DING* *DONG*

Agad akong napatayo. I heard him groaned. Inayos ko yung damit at buhok ko bago buksan yung pinto. Pagbukas ko ng pinto.....

"Hi, Jass!" sabay sabay na bati nila Carl, Luc, Summer at Kamille. Nandun din si Yano, pero as usual. Nga nga ang peg.

"W-what are you guys...doing here?" tanong ko. Nag-act pa sila na parang nasaktan.

"Ouch naman sis. Parang ayaw mo kaming makita ah."sabe ni Kamille. I rolled my eyes.

"Siguro may ginagawa kayong kababalaghan ni Nathan---Aray!?"pangaasar ni Luc. Kaso, binato siya ng unan ni Nathan at sapul sa mukha.

Tumawa lang kami. "Pumasok na nga kayo."sabe ko sa kanila. Isa isa naman sila nagsipasukan. Kinuha ko yung unan na binato ni Nathan at pinatong sa sofa.

Nagkanya kanya na sila ng upo. "Sakit nun bro ha!" sabe ni Luc habang hinihimas yung mukha niya. Hahahahaha! serves him right.

Umupo ako sa sofa katabi nung dalawa kong bespren. "Ano bang ginagawa niyo dito? ha?" inis na tanong ni Nathan. Bat naman siya naiinis? Dahil ba sa hindi natuloy yung......

"Bat naman ganyan ang tono mo boss? Parang ayaw mo kami makita ah. Ouch, sakit nun. " pagiinarte ni Luc. Binatukan lang siya ni Nathan.

"Arte mo dude. Istorbo kasi kayo eh." sabe niya. Napayuko naman ako sa sinabi niya. I felt my cheeks heat up.

Secretly Married To A Gangster (Editing)Where stories live. Discover now