Chapter 42

16.3K 258 1
                                    

Jasmine's POV:

"Dali dali! Ang bagal niyo naman kumilos e." Summer. Bat ba to nagmamadali?

"Bakit ka ba nagmamadali? May naghihintay bang taxi sa labas? Psh." Himiko. Taray mode nanaman to. Well di ko naman siya masisisi. Umaga palang kasi kinukulit na kami ni Summer na maligo at aalis daw kami.

"Alam mo namang bawal lumabas si Jass diba? Bilin ni Nathan. Tapos ngayon pinagmamadali mo kami." Kamille. Tahimik lang akong nagaayos ng buhok habang sila e nagrereklamo.

"Tulungan na kita, Jass." Hannah. At inabot niya yung tali ko. I smiled.

"Thank You." nakangiti kong sabe. She smiled.

"Hay, dali na!" Summer. Natapos na si Hannah na ayusin yung buhok ko. Tumayo na ako at humarap sa kanila.

"Bakit ka ba kasi nagmamadali?" tanong ko. She grinned. Huh? Tinaasan ko lang siya ng kilay.

"Problema mo?" tanong ko. She pouted. Aysus!

"Gala tayo! At tingin na rin tayo ng mga gamit para sa baby mo, Jass." Sabe ni Summer. Napatigil naman sila Himiko sa ginagawa nila at tinignan si Summer.

"Baliw ka ba? 2 weeks and 3 days palang buntis si Jass." Kamille. Nagpout lang si Summer.

"Mas excited ka pa kay Jass e. Gusto mo magpabuntis ka na rin kay Luc para di ka naiinggit!" Himiko. Kumunot naman noo ko sa sinabe ni Himiko.

"tumigil nga kayo! Diba bilin ni Nathan na alagaan naten si Jass? Atsaka ang aga pa para bumili ng gamit ng mga bata. Kapag 3 months na saka nalang tayo bumili. " Hannah. Sumimangot na si Summer. Hay.

"Pwede parin naman tayo gumala diba? Sayang naman tong suot ko." sabe ko sa kanila. tumango naman si Summer at lumapit sakin.

"tama. Tama. Sayang suot naten kaya gala na din tayo. Dali. Enjoyin naten habang di pa malaki tiyan mo, Jass.," I nodded. Oo nga pala. kapag lumaki na tong tiyan ko, mahihirapan na ako kumilos.

"Hay. No choice naman e. Sige na nga." Hannah. Niyakap ako ni Summer.

Actually, gusto ko magpahinga e. Kaso sayang nga naman tong suot ko. Hayaan na nga.

***

"Oh ayan! Bagay sayo. Hehehe." Summer.

Nandito kami ngayon sa mall. Nagsho-shopping. Err... inaantok ako. >3<

"Jass, okay ka lang?" tanong ni Hannah. Tumango nalang ako sa kanya.

"Sigurado ka?" I nodded again. Nagthumbs up ako. She smiled.

"Kapag may nararamdaman ka, sabihin mo lang ah?" I nodded.

At bumalik na siya sa pagpipili ng damit. Lumabas muna ako ng store. Tinatamad ako magshopping e.

Tumitingin lang ako sa paligid ng may mahagip ang mga mata ko.

"Si Joshua ba yun?" tanong ko sa sarili ko. Lumapit pa ako ng konti.

"Joshua Santos? Anong ginagawa niya dito?" tanong ko ulet sa sarili. Bigla naman akong kinabahan.

Kalaban siya nila Nathan. Pwede niya ako saktan dahil wala si Nathan dito. Hindi naman ako pwede makipag laban dahil may bata na sa tiyan ko.

Tumalikod na ako at bumalik na sa store. Hinawakan ko ang kamay ko. Kinakabahan ako sa pwedeng mangyari na ngayon wala si Nathan sa tabi ko.

"Jass? San ka galing? Atsaka, okay ka lang ba?" Kamille. Tinignan ko siya.

"Nandito siya, Kamille." sabe ko sa kanya. Kumunot ang noo niya.

"Huh? Sino?" tanong niya.

"Si.... Si Joshua Santos nandito." nanlaki ang mga mata.

Secretly Married To A Gangster (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon