Chapter Forty-two

58K 1.5K 170
                                    

Bullet's POV

Mapapatay ko talaga si Jacob kapag nakita ko ngayong gabi. Kaninang-kanina pa ako tumatawag sa kanya pero hindi niya sinasagot ang tawag ko. Kanina pa rin ako nandito sa 4 Clubs at panis na ako na naghihintay sa kanya pero kahit anino niya ay hindi ko pa nakikita.

"Pick up, you prick." Banas na sabi ko habang panay ring lang ang naririnig ko sa telepono ko.

Mahina akong napamura at ibinulsa uli ang telepono. Tumingin ako sa paligid at kita ko ang mga nagkakasiyahang tao sa loob ng bar. Ang gulo kaya mas pinili ko ang pinasulok sa bandang likod. Wala ako sa mood talagang maki-party ngayong gabi. Napabuga ako ng hangin at ininom ang hawak kong beer. Kung bakit kasi naniniwala pa rin ako sa gagong Jacob na iyon. Sigurado akong nasabit na naman iyon sa kung saan at talagang babalbasin ako sa paghihintay sa kanya dito na wala naman kasiguraduhan kung darating pa siya.

"Alone?"

Tumingin ako sa babaeng tumabi sa akin. Ang ganda ng ngiti niya at may hawak siyang cocktail drink.

Ngumiti ako ng pilit at tumango sa kanya.

"Well, I can accompany you tonight if you want." Nakangiti pa ring sabi niya. Bahagya pa siyang tumabi sa akin. "I can soothe all the pain in your face." Kumagat labi pa ito sa akin tapos ay bahagyang ikiniskis ang braso sa braso ko.

Hindi ko alam kung bakit hindi ako matuwa sa ginagawa niya. Ang totoo, naiinis ako kasi ayoko ng ibang babae. Si Amy lang ang gusto ko.

"Well, I am meeting someone. Will you excuse me for a while?" Paalam ko sa kanya at dali-dali akong umalis doon. Inilapag ko ang hawak kong bote ng beer sa hawak na tray ng nakasalubong kong server at naglakad ako patungo sa cr. Napatingin pa ako sa grupo ng mga babae hindi kalayuan sa akin na parang nagkakagulo kasama ang isang server din. Napailing ako. Tonight is really a wild night.

Para akong nakahinga ng maluwag ng makita kong walang tao sa loob ng cr. Parang napahinga ang tenga ko sa malalakas na tugtog mula sa labas. Itinukod ko ang kamay ko sa lababo at tiningnan ang sarili kong repleksyon sa salamin. Napangiwi ako. Ang pangit ko. May plaster ako sa kilay, sa pisngi. May putok sa labi. Shit. If only I can turn back the time, hindi ko talaga papatulan ang Carlo na iyon. I would just walk away from him.

Inayos ko ang sarili ko bago ako lumabas ng cr. Pagbukas ko ng pinto ay sakto naman na bumukas din ang katapat na pinto na cr na pangbabae at lumalabas ang isang server na inaayos pa ang kanyang sarili. Pareho kaming napatingin sa isa't-isa at hindi ako maaaring magmali sa nakikita ko ngayon.

Amy is in-front of me.

And I am sure this time she is real.

"A-amy?"

Kita ko ang pagkataranta sa mukha ni Amy ng makita ako. Narinig ko pang mahina siya napa-shit at mabilis na akmang tatalikuran ako pero mabilis ko siyang hinawakan sa braso.

"Hey. Hey. Why you are you running away?" Nagtatakang tanong ko sa kanya.

Kitang-kita ko ang kalituhan sa mukha ni Amy. Pero kahit nasa mukha niya ang pagkalito at pag-aalala ay hindi pa rin nagbago ang mukha niya. Tingin ko nga ay lalo pa siyang gumanda. Bagay na bagay ang pagkakapusod ng mahaba niyang buhok dahil lalo lang nakita ang maganda niyang mukha. Pinasadahan ko ng tingin ang suot niya and just like the other servers in the bar, she is wearing their black uniform, but I think she is the only one made justice for these clothes.

"Bullet, please. Pabayaan mo na ako." Padaing na sagot niya sa akin at pilit na kumakawala sa pagkakahawak ko.

"What? Why? Teka nga." Natatawang sabi ko. "Why are you running away from me? Did I do something wrong?"

Pretending Mrs. Acosta (COMPLETE)Where stories live. Discover now