Chapter Eight

61.2K 1.3K 68
                                    

Bullet's POV

            I didn't sleep at all last night.  Magdamag lang akong paikot-ikot sa kama ko.  Nang alam kong hindi naman na ako dadalawin ng antok, I decided to check my mails, check my business schedule.  I should be travelling back to Manila to attend an early breakfast meeting with our new suppliers but instead, nandito ako sa Quezon at walang konkretong plano kung anong gagawin ko ngayon.

            I want to talk to my mother.  Gusto kong ipaliwanag sa kanya na baka ang nararamdaman niya kay Aria ay para mapagtakpan lang ang guilt feeling niya.  I know my mom feels bad about what happened to Hunter.  She thinks she was a bad mother for burying his son.  No parent wanted to see burying their kid.  Kahit ako siguro kung mangyayari sa akin ang ganoon, hindi ko rin kakayanin na makitang nasa ataul at inililibing ang magiging anak ko.

            But what was happening to us was really fast paced.  Hunter died then a stranger came along.  Tama nga naman si Jacob.  I should be happy for Hunter.  He got happy with someone pero hindi ko maintindihan kung bakit parang may mali.  Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko na parang hindi si Aria ang babaeng minahal ni Hunter.

            Ang daming butas ng mga sinasabi ni Aria.  If she loves my brother dapat kilala niya kung anong klaseng pagkatao meron si Hunter.  Pero ako na rin ang kumontra sa naisip ko.  Puwedeng ibang pagkatao ang ipinakilala ni Hunter sa kanya.  Puwedeng 'yung totoong pagkatao ng kapatid ko ang ipinakita nito sa mahal niya.  Hindi katulad dito sa amin.  We were followers especially kay Papa.  Si Papa.  Napahinga ako ng malalim.  I love him but when he passed away parang mas nakahinga ako ng maluwag. 

            Hunter and I were trained to be businessmen even when we were small.  Lalo na si Hunter.  Siya talaga ang tini-train ni papa para pumalit sa posisyon niya.  Bata pa lang kami lagi lang akong nakasunod sa anino ni Hunter and I don't see anything wrong with it.  Idol ko si Hunter kasi ang galing niya sa lahat ng bagay.  Magaling siyang mangatwiran, magaling siyang lumusot sa mga problema, tagapagtanggol ko siya lalo na kay papa.  Me?  I was the clown in the family.  I thought everything about life was a joke.  Chill lang ako sa lahat.  Walang problema akong inintindi. 

            I always play prank with everyone and Hunter was okay with that.  Gusto nga niya iyon kasi talagang natatawa siya sa mga practical jokes ko but one day, it just stopped because of one incident that changed everything.

            I gripped the pendant of the necklace that I am wearing.  I can still feel the rugged edges.  Hindi normal na pendant.  Kung makikita ng kung sino ay sasabihing sira.  But this pendant saved my life.  I felt the big scar tissue on my chest and stroked the reminder of my stupidity during my younger years.

            I browsed my phone and searched for the accident that killed my brother. It was still the same news, the same articles that I read over and over.  Same names of the fatalities and I shook my head when I read the name of my brother.  I let out a sigh.  Nanghihinayang din talaga ako sa pagkawala ni Hunter.

            Sumisikip lang ang dibdib ko habang tinitingnan ang mga litrato ng aksidente kaya pinatay ko na ang phone ko.  I took a shower and donned a short and a tshirt.  Mamayang tanghali na ako babalik ng Maynila.

            Napakunot ang noo ng maabutan ko si mama na mag-isang nakaupo sa mesa.  Tahimik siyang nagbabasa ng broadsheet.  Walang pagkain na nakahain sa mesa para sa almusal.  Tumingin ako sa relo.  Past seven am na bakit wala pang almusal?

            "'Ma.  Good morning," bati ko sa kanya.  Agad na lumiwanag ang mukha ni mama ng makita ako at tiniklop ang hawak na broadsheet.  Ang ganda ng ngiti ni mama.

Pretending Mrs. Acosta (COMPLETE)Where stories live. Discover now