Chapter Twenty-three

55.4K 1.4K 78
                                    




Amy's POV

Almost two weeks ng hindi umuuwi dito si Bullet. Nag-aalala ako kasi hindi ko alam kung anong plano niya sa akin ngayong alam na niya ang totoong pagkatao ko. Hindi man lang namin napagusapan. Wala talaga siyang paramdam kahit sa nanay niya kaya lalo akong kinakabahan. Mas nakakatakot kasi 'yung bigla siyang darating dito at may pasabog siya.

Malay ko bang alam na niya mula pa umpisa na nagpapanggap lang ako. Kaya pala ang dami-dami niyang tanong. Kaya pala lahat ng mga sinasabi ko meron siyang sagot at ipinaparamdam niya sa akin na nagsisinungaling ako.

Tumihaya ako ng higa sa kama at pinakiramdaman ko ang tiyan ko. Umbok na umbok na talaga at hindi na maitatago. 30 weeks na ang tiyan ko kaya hirap na rin akong magkikilos. Sobrang likot pa ng baby ko kaya madalas, puyat ako. Ang hirap humanap ng puwesto matulog at ang hirap kumuha ng tulog kung every thirty minutes ay gusto kong magbanyo.

Napangiti ako ng maramdaman kong kumislot ang tiyan ko. Napakagat-labi ako sa sobrang likot at napapakislot din ako sa tuwing parang aalon ang tiyan ko. Nakakatuwa talaga. Ramdam na ramdam kong buhay na buhay ang anak ko sa tiyan ko.

Bumangon ako at tumayo tapos ay sumilip sa bintana. Sa ilang buwan kong pag-stay dito, minahal ko na ang lugar na ito. Ang tahimik. Parang walang problemang iintidihin. Maaliwalas ang kapaligiran hindi katulad ng nakalakihan kong lugar na dikit-dikit ang bahay at puro chismosang kapit-bahay. Sigurado akong kung doon ako naglagi at ganito ang sitwasyon ko, araw-araw akong tampulan ng chismis ng mga kapit-bahay kong mas matindi pa sa cctv magbantay ng bawat ganap sa paligid. Siguradong marami na silang haka-haka sa tunay na pagkatao ng nakabuntis sa akin.

Samantalang dito, kahit estranghero ako sa buhay ng mga Acosta, talagang ipinaramdam sa akin ni Mrs. Acosta na parte ako ng buhay niya. Mahal na mahal niya ang anak ko kahit hindi pa lumalabas kaya hindi ko alam kung paano ko i-explain ang katotohanan sa kanya.

Napahinga ako ng malalim at marahan kong hininamas ang tiyan ko.

"Gutom ka na naman, baby?"

Naramdaman ko kasing kumalam ang sikmura ko. Kumain naman ako ng hapunan pero lagi-lagi na lang parang pakiramdam ko gutom ako kaya kumakain ako ng kahit na ano.

Gumalaw ang tiyan ko na parang sumagot ang anak ko sa tanong ko.

"Sige. Kakain tayo. Pero konti lang ha? Hindi puwedeng kumain ng marami si nanay kasi mahirap na at baka tumaba ako. Mahihirapan akong ilabas ka," sabi ko sa anak ko habang palabas kami ng kuwarto.

Walang tigil sa kakagalaw ang baby ko habang naglalakad ako papunta sa kusina. Pasado alas-onse na rin naman at sigurado akong tulog na ang mga tao dito.

"Ang hilig mo sa midnight snack, baby." Sabi ko at nagbukas ako ref para maghanap ng kung anong pagkain na puwedeng makain doon. Maraming prutas. May mga ulam pero parang ayokong kainin. Kumuha lang ako ng grapes tapos ay nagsalin ako ng juice. Kumuha din ako ng crackers sa cupboard at naupo sa isang dulo ng mesa at tahimik na kumain.

Alam kong ako lang ang gising ng mga oras na ito kaya nakaramdam ako ng takot ng makarinig ako ng mga kaluskos at parang mga yabag na papalapit sa kusina. Napahinto ako sa pagnguya at nakiramdam akong maige. Patay pa naman ang lahat ng mga ilaw at ilang mga pin lights lang ang nakabukas.

Napalunok ako ng makakita ako ng anino ng isang lalaki na papalapit sa kusina. Sino ito? Si Manong Karding lang ang lalaking kasama namin ngayon at alam ko, umuwi siya sa bahay nila kaya ako, si Mrs. Acosta at si Manang Ester lang ang tao dito sa bahay.

Pretending Mrs. Acosta (COMPLETE)Where stories live. Discover now