Chapter Eighteen

54.9K 1.3K 58
                                    

Carlo's POV

"Where is your boss?"

Gusto ko ng magwala dito sa opisina ni Bullet Acosta dahil isang linggo na akong pabalik-balik dito pero hindi pa rin kami nagkikita. Isang linggo na siyang wala dito at wala akong makausap ng matino para sa problema ng mga shipments ng kumpanya namin.

"Sir Carlo, naka-indefinite leave po kasi si Sir Bullet." Sagot ng sekretarya sa akin.

"Indefinite leave? In this time of crisis? Alam ba niya ang ginagawa niya? MIA siya samantalang ang daming problema ng mga shipments namin? What kind of a CEO is he?" Pabagsak kong inilapag sa mesa ang mga bitbit kong folders.

"Sir, nagbilin naman si Sir Bullet na puwede 'nyong kausapin ang head ng transport. I can call him para makausap 'nyo na po." Malumanay na sagot ng babae.

"And then what? Kakausapin lang ako pero wala din namang magagawa? And ending, hihintayin pa rin ang advice ng amo mong laging nawawala. This is bullshit," painis kong binitbit ang mga folders na binitiwan ko kanina at padabog na umalis doon. Kinuha ko ang telepono ko sa bulsa at tinawagan ko si Charlotte.

"If you want me to continue doing my job in your company, you better fix this."

"What? Why? What's wrong, Carlo?" Ramdam ko agad ang pag-aalala sa boses ni Charlotte.

"This fucking Bullet Acosta is not here. Ilang araw na akong pabalik-balik dito sa opisina niya para makausap siya ng harapan at maayos ang mga shipments 'nyong nawawala pero wala siya dito. What do you want me to do?"

"Calm down please? I'll try to call him. Hindi mo ba siya tinawagan?"

"Are you crazy? Kung ang mga tao nga niya dito sa opisina niya hindi alam kung saang lungga nagsuot ang gago na iyon, aasahan mo pa bang sasagutin niya ang tawag ko?" Padaskol kong binuksan ang kotse ko at itinapon ko sa loo bang lahat ng dala kong folders. Napipikon talaga ako. Naiinis talaga ako sa Bullet Acosta na iyon kahit iisang beses pa lang kaming nagkita.

"Alright. Sige. I'll try to fix this. I'll talk to dad and I'll try to call Bullet and I'll tell him to call you. Huwag ka namang magalit." Napakababa ng tono ni Charlotte.

"Whatever."

"Can you go home early? I cooked dinner for us."

"May lakad kami nila Travis. Don't wait for me." Alam kong may sasabihin pa si Charlotte pero pinatayan ko na siya ng telepono. I don't want to hear her voice pero wala lang talaga akong magawa.

Naihilamos ko ang mga palad ko sa mukha ko at napabuga ng hangin. It's been two months since the accident that took the life of Amy pero ayoko pa ring maniwala. Kahit lahat ng mga kaibigan ko, lahat ng mga kakilala ko sinasabing umaasa lang ako sa wala. Iba talaga ang pakiramdam ko. Ramdam kong buhay pa rin si Amy at magkikita kami uli. Magsasama kami uli.

I dialed Travis number and medyo matagal bago siya sumagot.

"Are you busy?" Bungad ko sa kanya ng sagutin ang tawag ko.

"Kinda. Inaayos kasi namin ni Liv 'yung museleo ni Amy. Liv wanted to fix it properly."

Parang naipit yata ang paglunok ko sa narinig kong sinabi niya.

"Naniniwala ba talaga si Liv na si Amy ang nakalibing diyan? Ayaw pa rin ba niyang pumayag na – " ibinitin ko ang sasabihin ko kasi ayokong magtalo na naman kami ni Travis.

Pretending Mrs. Acosta (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon