Chapter Forty

61.1K 1.2K 115
                                    

Bullet's POV

            Shit. Amy is here? Ano ba 'to? Natataranta ako. Mabilis akong umakyat sa kuwarto ko at nagbihis ng damit. Ayokong makita niya akong mukhang binugbog ako ni Manny Pacquiao. Siguradong magtatanong siya kung anong nangyari sa akin. And what is she doing here? Fuck. Kung ano-ano ng pumapasok sa isip ko. Hindi ko na iniinda ang pamamanhid ng mukha ko kahit patuloy pa rin ang pagtulo ng dugo mula sa putok sa kilay ko at pisngi. Ang mahalaga sa akin ay makatapos magbihis agad at maharap si Amy.

            Patakbo akong bumalik sa kusina at napaatras ako ng makita ko si mama na nakaupo sa harap ng mesa at may kaharap na puswelo ng kape at ilang piraso ng biscuit sa platito habang nakatingin sa cellphone niya. Napatingin siya sa akin at agad na kumunot ang noo niya.

            Si mama? Anong ginagawa ni mama dito? Akala ko tulog na siya.

            "What the hell happened to you?" Agad na umalsa ang boses ni mama ng makita ang itsura ko.

            "What are you doing there? Where is Amy?" Palinga-linga ako. Sigurado akong nakita ko si Amy ang nakaupo sa kinauupuan ni mama.

            Lalong nang nangunot ang noo ni mama. "Anong Amy? Ang tinatanong ko kung anong nangyari diyan sa mukha mo? Bullet, what happened to your face?" Tumayo pa si mama at lumapit sa akin para tingnan ang mukha ko.

            Nanibago ako kay mama. Bakit parang bigla siyang lumakas? Napangiwi ako ng hawakan niya ang mukha ko at parang inspeksyunin iyon.

            "Who did this to you?"

            Mabilis akong umiwas kay mama at pumunta sa lababo para maghilamos. Blood is still dripping from my face. Maybe I need to go to a hospital. I think my cuts need some stitches.

            "It was an accident." Muli akong humarap kay mama. "I swear, I saw Amy sitting in that chair. She was here."

            "Anong Amy ba? Anong gagawin ni Amy dito? Hindi ko nga alam kung nasaan ang batang iyon. Puwede ba, pumunta ka ng ospital at ipagamot mo 'yang mukha mo." Parang inis pa si mama sa akin at tinalikuran na ako.

            Hindi ako kumibo at tinungo ko ang cabinet kung saan nakalagay ang whisky na nakita kong kaharap ni Amy kanina. Ako ang umiinom nito at sigurado akong nabawasan ito.

            "Tell me, mama. Did Amy go here?" Seryosong tanong ko.

            Naiiling na humarap sa akin ang nanay ko.

"Hindi nga. Ano ba ang pinagsasasabi mo? Ilang buwan na nating hindi nakikita ang batang iyon. Baka naman nakalog na 'yang utak mo kaya kung ano-ano ang nakikita mo. Tanda-tanda mo na nakikipagbugbugan ka pa. Naturingan kang CEO pumapatol ka sa mga away sa mga bar. Check yourself. You're trending in social media," pahagis na itinapon ni mama ang telepono niya sa mesa.

            Napabuga ako ng hangin at nagkakamot ang ulo na tiningnan ko ang gustong ipakita ni mama. Napangiwi ako ng makita ko ang pakikipagbugbugan ko kay Carlo. Ang alog ng kopya ng video. Ang daming nagsisigawan sa mga tao habang pinapanood kami kung paano magpatayan na dalawa. Parang ngayon ako nahiya sa ginawa ko. Hindi ko na dapat pinatulan talaga ang lalaking iyon. Nagkaroon na ng eksena noon sa Quezon ang pamilya namin na alam kong hanggang ngayon ay usap-usapan pa rin. Tapos ito na naman. Dito naman ako sa Maynila gumawa ng eksena.

            "How are you going to explain that to me?" Napahinga ng malalim si mama.

            "I am sorry, 'ma. Hindi ko naman akalain na nandoon si Carlo. Pinilit ko naman umiwas pero nauna siya," nakayukong sagot ko.

Pretending Mrs. Acosta (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon