Chapter Twenty-eight

57K 1.3K 295
                                    

Hello sa lahat ng sumusubaybay sa Pretending Mrs. Acosta. May team na ba kayo? Taas ang kamay ng Team Bullet at Team Carlo? Gigil na ba kayo kay Charlotte? Kay Sonia Santos? Sino ang naiinis kay Jean? Kalma lang, ha? Kasi may announcement muna ako.

And it's official.

Kasama ang novel kong How to Tame Lucy? sa mga new release books ng PHR (Precious Hearts Romance) this coming MIBF (Manila International Book Fair) sa SMX.

I'll be there for book signing on September 14, 2019, 1-5PM

I hope to see you all there dahil bubusugin ko kayo sa sweets, freebies and hugs. Excited na ako ma-meet kayo lalo na ang Team Manila. 😘❤️

May two months pa kayo para mag-ipon dahil maraming new release books doon. hehehe

See you all!!!
----------

Amy's POV

Nakakahiya itong ginagawa ni Bullet. Ano ba ang nangyayari sa kanya at ganito ang ginagawa niya? Buhatin ba naman ako sa harap ng mga tao! Diyos ko! Pakiramdam ko ay gusto kong lumubog na lang sa sobrang hiya.

Kahit na nga nandito na kami sa ospital ay panay ang tanong niya sa doctor kung okay lang ang lagay ko. Lahat ipina-check niya. Ultrasound, pelvic exam. Kung puwede lang siguro niya akong ipa-executive check-up ginawa na rin niya.

"But is she really out of danger? The baby? Is it fine? Walang problema?"

Gusto kong matawa sa itsura ni Bullet habang seryoso siyang nakatingin sa doctor na nag-assist sa akin at naipagpasalamat kong hindi si Jean iyon.

Natatawa ang medyo may edad na doctor tapos ay tumingin sa akin tapos kay Bullet ulit.

"The baby is fine, and she is also fine. You don't need to worry." Sabi ng doctor kay Bullet tapos ay bumaling sa akin. "Your husband is really worried about you. First baby?"

Nagkatinginan kami ni Bullet. Napagkamalan pa kaming mag-asawa!

"Ah-eh- hindi po. Hindi po kami mag-asawa. Brother in law ko po." Pagtatama ko at ngumiti ako ng alanganin kay Bullet. Wala naman siyang reaksyon. Hindi siya ngumiti pero hindi rin sumimangot. Blangko ang mukha pero bakit parang ramdam ko na nainis siya sa sinabi ko? Nainis ba siya kasi talagang pinaninindigan kong asawa ako ni Hunter? 'Yun naman talaga ang dapat kasi iyon ang alam ng halos lahat ng tao sa bayan na ito.

"If you are okay, if you don't feel that anything is wrong, let's go home." Tumayo na si Bullet at inalalayan akong makatayo. "Can you walk?"

"Oo!" Bulalas ko. "Kaya ko. Kaya kong maglakad." Mabilis akong tumayo at nagsimulang maglakad. Baka buhatin na naman ako ng lalaking ito, nakakahiya na talaga.

Iwas na iwas talaga ako kay Bullet habang naglalakad kami palabas ng ospital. Naasiwa kasi ako sa naiinis ako sa sarili ko. Nag-aalala lang naman sa akin si Bullet dahil buntis ako. Kahit sino sigurong matinong tao, mag-aalala sa nangyari sa akin kanina. Pero ng hawakan niya ako, nang buhatin niya ako, iba ang naramdaman ko.

I felt so secured. I felt I was safe in his arms. 'Yung parang hindi niya ako pababayaan na may masamang mangyayari sa akin. Security. Iyon ang naramdaman ko. Security na kahit kailan hindi ko naramdaman kay Carlo.

Hanggang sa makasakay sa kotse, hanggang sa pagmamaneho, ramdam na ramdam ko ang pag-iingat ni Bullet.

"About Carlo." Basag ni Bullet sa katahimikan namin.

Pretending Mrs. Acosta (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon