HERO AND DAMSEL.

14 1 0
                                    

Chapter 7

Francine's POV

Ano ba namang buhay to oh! Nakakastress!!

Still not over dun sa nawala kong letter.

Okay lang kung nakuha ng ibang tao eh. Malay ba nila kung sino ako. Pero si Brix. My goodness!

Patay talaga!

Andito ko sa loob ng kwarto ko. Nageemo. Pero syempre joke lang yon.

Kinuha ko sa drawer yung una kong letter na ginawa.

Nakakainis talaga Francine! Di lang puso ang tanga sayo. Utak din. Huhuhu!

Kelangan ko ng malalabasan ng depression ko.

Si Uno kaya? Pero nasa work siya. Chaka di pa ko ready marinig mga sasabihin niya.

Si Lea? Magdadrama na naman ako sa kanya? Okrayin pa ko non.

Si Ate Kai. Tama!

*calling Ate Kai*

'The subscriber cannot be reach. Please try your call later.'

Kapag siniswerte ka ba naman. Huhu.

Lugmok na ko dito ng bongga.

Teka?

Anong oras na?

7pm. Tama!

Yung kuya sa playground! Tutal di naman niya ko kilala.

Nagbihis na ko then nagpahatid kay Mang Dan.

Pumunta na ko ng playground.

Umupo na muna ko sa swing. Nagbabaka sakaling dumating siya any minute.

At dahil magaling ako, dumating siya.

"Ginagawa mo dito? Andito ka ba para umiyak?" Hirit ni Kuya

"Hindi no. Hinintay talaga kita." Sabi ko.

Umupo siya katabing swing ko.

"Talaga? Parang 100% sure kang darating ako ah. Pano kung di ako dumating?" -Kuya

"Nagbaka sakali lang swerte kasi dumating ka." Hirit ko habang ngumingiti. Di ko parin maaninag siya.

"Anong problema ng iyaking babae?" Sabi niya

"Di naman ako iyakin. Nasaktuhan mo lang. Wala naman. Frustrated, depress lang siguro sa mga nangyayari sakin." Kwento ko.

He was just listening to me.

"Teka nga, bago magkalimutan. Ano nga pala name mo?" Tanong ko.

"Do I need to tell you?" He asked me

"Hmm. Kung sa bagay. Its better na hindi na lang. Unknown stranger tayo. Hahaha! What will I call you if ever?" Tanong ko

"Hindi ko din alam sayo." -Kuya

"Hero na lang. Tutal your always here to save me." Sabi ko.

"Hero. Sige. Sabi mo eh." I felt him chuckle. Infairness kahit madilim, nacucutan ako sa kanya. Pero hindi ko siya gusto ah.

"Ill call you. Hmmmm.... Damsel. Haha. Hero ako eh. Kelangan may isave ako. Hahaha!" Sabi niya

Natawa ako ng sobra sa hirit niya.

"Damsel! Corny mo ah!"

"Tumawa ka naman." Sabi niya.

Unti unti nawala yung tawanan. We both look at the sky.

"Anong problema ng damsel ko?" -Hero

*dugtug dugtug* ba namang puso to?

I smile still looking at the night sky.

"My life is very complicated. I encounter different kind of guys who changed me. I mean. I dont know how to explain." Sabi ko.

"Kasama yung lalaking nakita ko one time na nagpaiyak sayo?"-Hero

"Yes. He's the biggest factor. Alam mo ba sobrang takot ako magmahal. Takot na baka Ill end up with the wrong guy. Never na nga naalis yung fear kong to eh. Hayyy." Sabi ko

"Usapang pagibig pala to. Hahaha! I guess you have to fix everything with those guys para you can start new? Para hindi ka na bothered." Sabi niya

"Totoo naman sinasabi mo eh. Pero Im still afraid. Afraid of everything. In time siguro?" Sabi ko.

"Ikaw bahala." Sabi niya

"Nadepress lang ako sa mga nangyayari. Hindi ko alam kung good thing or bad thing yung paguwi ko ng Pilipinas eh." Sabi ko

"Galing ka saan?" -Hero

"I stayed in France 2 years ago. With my mom. Pero pinauwi ako dito dahil sa lola ko and mga friends ko. I went their to escape from all the happenings, akala ko pagbalik ko dito okay na ko. I guess Im still not." Sabi ko.

Tumayo ako kaso nahulog lahat ng gamit ko. Kaya tinulungan niya kong pulutin yung gamit ko then nilagay sa bag ko.

"Sorry ah. Ginambala na naman kita. I just need Air. And Ikaw lang naisip kong puntahan." Sabi ko.

"Well, I guess I have to stay here every 7pm to meet you whenever your depress. Hahaha!" Sabi niya

"Mukha nga. Ill be staying here for 6 months. Then I guess you should bear with me then." Sabi ko.

"6 months? I thought umuwi ka dito for good." Tanong niya

"Nope. I didnt mention that Im just staying here for 6 months. Ikaw at ang lola ko lang nakakaalam. Di ko namention sa mga friends ko."

"Mabilis ang 6 months." Sabi niya

"I know. And Im looking forward to it. Feeling ko kasi mali ang paguwi ko ngayon." Sabi ko.

"Dont think that way. You wouldnt meet me if hindi ka umuwi." Sabi niya

"Well, may maganda din palang nadulot paguwi ko." Sabi ko

"Sige una na muna ako. Ito nga pala yung panyo mo." Sabi ko. Dumating na kasi yung kotse sa may playground.

"Sayo muna yan souvenir ng first meeting natin? Baka kelanganin mo pa eh." Sabi niya

"Sabi mo eh. Ill take this. See you soon my Hero." Sabi ko then umalis na.

Sumakay na ko. Nakahinga ako ng maluwag kahit pano. Thanks to my hero. Hehe.

Pagkauwi ng bahay..l

Nilabas ko yung mga gamit sa bag ko.

Teka? Asan yung isa pang letter?

Dont tell me nawala ko yon?! Nanaman!!!!!!!

Nawala ko sa playground?

Baka nakuha ni Hero? Anak naman ng tinapa!

Una si Brix ngayon si Hero!!!

Clumpsy mo forever Francine!

To All My Boys.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon